Dalawa

10.6K 404 53
                                    

Azura

Hindi ko alam kung anong oras na ngayon. Kung gabi ba o mag-uumaga na dahil walang kahit anong liwanag galing sa labas ang pumapasok sa seldang ito. Kanina pa ako nakaupo sa sulok habang nilalamig at nagugutom, walang ibang ginagawa kundi ang mag-isip ng paraan upang makalaya ngunit tila imposible ang iniisip kong mangyari.

Nakakatakot ang buong lugar. Maging ang sigaw ng kapwa ko bilanggo ay aking naririnig. Sumisigaw sila sa sakit at pagmamakaawa.

Diyosa ng mga Diwata, hindi ako lumaki sa marahas na mundo kaya sobra ang takot na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko inaasahan na mangyayari sa 'kin ito sa unang beses na paglabas ko ng tahanan.

Tahanan, mas gusto ko pa doon makulong. Mas gusto ko pa doon magmukmok dahil walang karahasan. Hindi katulad dito, madilim, malamig, at nakakatakot. Hindi ko kaya manatili ng matagal sa lugar na ito. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil kaunti lang ang naituro sa 'kin ni Ina na pang depensa sa sarili.

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik kung nasaan ang aking tahanan, kung saan ako lumaki.

"Hoy!" Napatingin ako sa labas ng aking bilangguan ng may makita akong dalawang lalaking nakatayo roon.

Dahil alam kong ako lang ang mag-isa sa loob nito ay agad akong lumapit. Binuksan nila ang pinto ng bilangguan ko kaya nabuhayan ako ng pag-asa.

Papakawalan na ba nila ako? Makakalaya na ba ako?

"Kung iniisip mong makakalaya ka. Hindi, ikaw na ang sunod na papaslangin." Agad akongn natakot at kinabahan sa kanyang sinabi.

Nawala ang pag-asa kong mabuhay pa ng banggitin niya ang mga salitang iyon.

Hanggang dito na lang ba ako? Bakit? Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa sa loob ng aming tahanan.

"Bilisan mo, lakad!" sigaw nila at marahas akong itinulak.

Dahil sa panghihina, napadapa ako sa sahig ngunit agad din nila akong itinayo.

Hamak na mas mabuti ang dalawang lalaki na nagpasok sa 'kin sa kulungan. Kaysa sa dalawang lalaking nandito at pinagmamadali ako sa 'king paglalakad. Ganito ba sila kawalang puso? Ganoon na ba nila kagustong mabawian ako ng buhay?

"Ang ganda mo pa naman, sayang," usal ng isang lalaki ngunit hindi na ako nag-abalang mag-salita pa.

Huminto kami sa isang silid ngunit ng buksan ng lalaki ang pinto ay napagtanto ko na hindi pala ito isang silid. Labas ito ng palasyo at sa lupa ay mayroong bakas ng mga natuyong dugo. Mas lalo akong nangimbal ng makita ng ko ang sariwang dugo na nandoon.

Hindi ko magawang kumibo sa takot. Hinayaan ko na lamang na hilain nila ako papunta roon.

Ina, Ama. Natatakot po ako.

"Alpha, ano ang gagawin namin sa kanya?" wika ng katabi kong lalaki at pilit akong pinaluhod.

Napadaing ako ng tumama ang aking tuhod sa semento. Nadagdagan na naman ang sugat ko.

"Raise her head," sabi ng isang baritonong boses.

Nagbigay iyon ng kakaibang kilabot sa sistema ko. Nakakatakot at puno ng awtoridad ang kanyang boses.

"A-ahh," mahinang daing ko ng pilit akong patingalain ng kawal sa pamamagitan ng pagsabunot niya sa buhok ko.

Sinalubong ng mata ko ang isang lalaking nakasuot ng hindi pangkaraniwang damit.

Walang emosyon ang kanyang mata at mayroong nakakatakot ang presensya. Marahil siya na ang pinuno nila. Nakatingin lang ito sa 'kin na tila sinusuri ako. Hindi ko alam kung nagmamalikmata ba ako o hindi pero nakita kong panandaliang naging kulay ginto ang kanyang mga mata.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon