Azura
Nakasuot ako ngayon ng isang mahabang bestida na umaabot sa aking sakong, maikli lang ang manggas nito at nakikita ang aking kilikili. Kulay bughaw ito at maganda ang disenyo. Malambot ang tela ngunit medyo mainit sa pakiramdam.
Maayos na nakatali ang aking buhok at nakasuot ng sapin sa paa na isang sandalyas.
Kanina kasi bigla-bigla na lang kasing pumasok si Miranda rito upang sabihin na kailangan kong bumaba upang makipagkita sa sinasabi nilang elders sa isang silid.
"Sino bang Elders, Miranda?" tanong ko habang may nilalagay siya na kung ano sa aking mukha.
"Mga matatandang lobo na matagal ng nagsisilbi sa pack," sagot niya.
"Matatanda na sila ngunit bakit kailangan pa nila na mag-trabaho?" Tanong ko.
Tumawa naman si Miranda.
"Hindi mo masasabi 'yon, at isa pa, malalakas sila. Pasensya at wala akong masyadong alam tungkol sa mga Elders," sabi niya at tinapos ang pag-aayos sa buhok ko. "Ayan, tapos na." sabi niya.
Pinaharap niya naman ako sa salamin at namangha ako sa aking nakita.
"Kaunti lang ang inilagay ko sa mukha mo pero mukha ka ng Diyosa, inggit talaga ako sa beauty ng mga diwata," nakangusong sabi niya.
"Maganda ka rin naman," nakangiting usal ko. "Nakakita ka na ba ng ibang diwata bukod sa 'kin?"
"Oo, kaso ang tagal na mula ng makakita ako. Mukha pa nga itong takot na takot noong nakita ko sa gubat," wika niya.
Hindi ko mapigilan ang malungkot. Sigurado ako na tumatakas ito o kaya nagtatago kaya natatakot siya na may makakita sa kanya.
"May alam ka ba tungkol sa mga Ferru?" tanong ko.
Natigilan siya. "Oo, kalaban sila ng lahat ng nilalang, Azura," sabi niya at maliit na ngumiti.
"Luna, Beta Miranda, pinapababa na po kayo." Sabay kaming napatingin sa pinto at tumayo.
"Pupunta na!" sigaw ni Miranda at tiningnan ako. "Halika na?"
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa silid na sinasabi ni Miranda. Nandoon daw kasi ang mga Elders.
"Huwag kang matakot, nandiyan si Alpha para sa 'yo," nakangiti niyang sabi ng huminto kami aa isang pinto.
"Oo," wika ko.
Nauna akong pumasok bago si Miranda at agad na nakuha ng atensyon ko ang dalawang hindi pamilyar na lalaki at isang babae, kasama si Beazen na inirapan lang ako.
"Magandang hapon," sabi ko at bahagyang yumuko.
"Magandang hapon," nakangiting sabi ng babae.
Mukha naman silang mabait, hindi ko lang alam sa isang lalaki na masama ang tingin sa 'kin.
"Dito ka maupo, Luna." Nagtataka akong napatingin Miranda na kinindatan lamang ako.
Nang makaupo ako sa tabi ni Vrexus ay sinulyapan ko siya ng tingin pero seryoso lang ang tingin nito sa tatlo.
"You finally saw her, now leave," walang emosyong sabi nito.
BINABASA MO ANG
The Alpha's Mate.
WerewolfHis name is Vrexus Rendelev. He is an Alpha. Hot, dangerous and positively terrifying. And the unexpected happend, Azura Lecatus, a sweet, kind last fairy who mated to the Alpha. - [Plagiarism is a Crime] Start: 04|03|2020 End: 01|16|2021