Dalawampu't Anim

6.9K 253 3
                                    

Azura

"Girl, siya pala 'yon?" rinig kong tanong ni Miranda.

"You look beautiful as ever, why don't you come with me?" tanong ni Lyncon.

Nanatili pa rin ang ngisi nito at nakalahad ang kamay sa harapan ni Beazen.

"No, I already have my mate," matapang na sabi ni Beazen at lumapit kay Ijaro.

Natigilan naman ang lalaki at humalakhak.

"Come on! You're so stupid, Beazen. I am powerful than him!" Ibinaba niya ang kanyang kamay at bumuntonghininga. "I can make you a Queen, you know?"

"Stop, she already have me," sabi ni Ijaro.

Napairap naman si Lyncon at pinaglaruan ang maliit na itim na bola sa dulo ng daliri niya.

"Hmm, how about her?" tanong niya at tinuro ako.

Napaatras na lang ako ng bigla nila akong dikitan.

"As if," mataray na sabi ni Miranda. "Gwapo naman pala ng ex-mate mo, 'te," rinig kong bulong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Mas gwapo siya noong hindi ganyan ang histura niya," sagot naman ni Beazen.

"Hala, weh? Bagay naman sa kanya ang ganyang hitsura." Napahinga na lang ako ng malalim sa mga sinasabi nila.

"Hindi, gaga. Mukha siyang engkanto na kinulang sa bitamina."

"Ugh, enough with the chitchat. I'm just gonna kill you all." Agad kaming naging alerto ng itaas ni Lyncon ang kamay niya sa langit.

Doon nabuo ang malaking itim na bulog at akmang ibabato saamin 'ton ng may sumunggab na malaking lobo sa kanya.

Kinagat nito ang balikat ni Lyncon pero nasipa siya nito kaya napaatras siya.

"The Alpha is here," sabi ni Neon.

Napatingin ako sa malaki at itim na lobo na kaharapan si Lyncon.

Siya si Vrexus? Ang laki naman pala ng kanyang lobo.

"F*cking dog!" galit na sigaw ni Lyncon at tumayo.

Mabilis na gumaling ang kanyang sugat kaya nanlaki ang mata ko. Ganyan na ba siya kalakas para makakuha ng gan'ong kapangyarihan? Kung gan'on ay mahihirapan kami na matalo siya.

Umululong ng malakas si Vrexus at lahat ng mga lobo ay pumalibot saamin. Suminghal naman si Lyncon at sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay niya.

"This is so annoying." Napaatras kami ng yumanig ang lupa at may malakas na hangin ang nagmumula sa kanya.

Lumitaw ang pitong Ferru sa harapan niya. Sa hitsura pa lang nila mukha na silang malalakas. Hindi ko alam kung kaya ba namin ang manalo dahil baka kapag nagapi namin ang pitong nilalang na 'to ay ubos na ang lakas namin.

Pero gagawin ko pa rin ang lahat para lang hindi sila magtanggumpay. Hindi ko sila pwedeng hayaan na manalo.

Unang sumugod ang pitong ferru saamin kaya umatras kami para inawasan ang atake nila.

The Alpha's Mate.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon