Hello! Salamat sa paghihintay! Tinatamad akong mag W/N ! xD
Sa martes PASKO na! Horeeey! Hoy, gift nyo sakn ha?! Di namin alam kung may pamaskong UD kami sa inyo, siguro kapag marami mag-co-comment at magvo-vote dito! hoho~
Enjoy Reading! =)
===============================================
Chapter XXVIIII
-Naomi's POV-
"Jarrod!"
Biglang natigilan si Jarrod ng makita ako sa may pinto ng gym.
"Ano nanaman to?!" galit na tanong ko habang papalapit.
Agad kong napansin ang apat na babaeng nakaluhod sa harap ng TN.
"Binibigyan ko lang sila ng leksyon." Sagot ni Jarrod. Bumalik nanaman ang lamig sa boses nya.
"L-leksyon?" nag-iwas ako ng tingin sa kanya at binalingan ang apat na babaeng halatang nagpapaawa. "A-ano bang ginawa nila sayo?"
"Hindi sakin, Nami. Wag ka nang umasta na parang walang alam. You know why I'm doing this to them."
Hindi ako naka-imik.
Shit. Pano nya nalaman?
"Umalis ka na muna dito."
Gulat akong napatingin kay Jarrod.
Pinapaalis nya ako?!
"What?" bigla itong ngumisi. "Kung gusto mo, ikaw na mismo ang gumanti sa kanila." Inilahad nya sakin ang gunting na hawak nito.
Napatitig ako don.
Gumanti?
Siguro nga kailangan ko silang gantihan.
Pero...
"Naomi, sorry na." Narinig kong sabi ng isa. Halata naman na sincere sila.
I sighed.
Hindi pagganti ang kailangan kong gawin. Nakakasawa ding magtanim ng galit. Kahapon pa lang ay napatawad ko na ang apat na to. Pisikal lang naman ako nasaktan, madaling mawala ang sakit don.
Hindi ko kailangang gumanti dahil sa mababaw na rason.
Inabot ko ang gunting pero sa halip na gamitin iyon sa apat ay itinabi ko na lang sa bag.
Kinuha ko ulit ang kamay nya. Nagtatakang tumingin sya sakin.
Napansin ko ang bakat ng kuko sa palad nya, siguro dahil sa sobrang higpit ng pagkakakuyom nito kanina.
Hinila ko sya palabas, mukhang nagulat naman ito at hindi na nakapalag pa.
Kailangan ko syang ilabas dito.
Ayokong makita ang galit sa mga mata nya habang nakatingin sa ang babaeng yon.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...