FL 49: Friendly Date

3.6K 68 23
                                    

Hello~! Salamat sa paghihintay at sa pangungulit na mag-update na ako! Hahaha, ang baliktad ko, noh? Yung iba naiinis dahil sa pangungulit na mag-update sila tapos ito ako ginaganahan kapag may nangungulit! Salamat nga pala sa mga nagcomment sa last update ko, lalo na kay MspinkLoys! =)

Dedicated nga pala kay Riel1723 dahil kahit sa phone tinatanong nya ako kung may-update na ba ako dito. Nakakatuwa talaga! Hi, Bakla! Salamat sa pagsubaybay nito! ^_______^

Enjoy Reading! =)

=========================================

Chapter-XXXXIII

"P-pwede bang manligaw?"-Jhake

"Pfft-BWHAHAHAHAHA!!! Ampanget mo!" napatihimik ako ng tumingin siya sakin ng masama. "Bakit po?" Inosenteng tanong ko.

"Nagtanong ka pa! Hindi ka naman nakakatulong eh. Tss."

"Paano naman kasi para kang matatae dyan. Pwede kumalma ka muna, tsaka ngumiti ka naman."

Grabe, laughtrip talaga ung mukha nya, mukha siyang ewan! Kanina pa ito nagprapraktis kung paano nya sasabihin kay Jastine na manliliigaw ito. Nagpatulong siya sakin na pakinggan ko kung okay lang daw ba, palagi na lang, aba, nasasanay na siya na ako ang nilalapitan kapag may problema siya. Sa Foods, kapag tinatamad siyang bumili, sa mga babae nito, at marami pa! Nachi-chismis na nga ako dahil sa PLAYBOY na ito eh. Kung ako daw ba ang bagong girlfriend ni Jhake... kung nililigawan ako nito... chu-chu~

Umupo na siya sa tabi ko, mukhang napagod na. =___________=

"Ang hirap naman nito!"

"Anong mahirap dyan? Napaka playboy mo taapos yan lang nahihirapan ka pa."

"Yun na nga eh, masyado akong gwapo kaya hindi ko na kailangang manligaw, ako na ang nililigawan."

"Wooh~ bagyo nanaman, Brad!" -____________-

"Masama bang magsabi ng totoo? Gwapo naman talaga ako ah!"

"Wow~ ang kapal, oh." Kinurot ko ang magkabila nitong pisngi.

"Ano ba, yung germs sa kamay mo baka malipat sa m ukha ko." Sabi nito habang inaalis yung kamay ko.

Sa nakalipas na mga araw na palagi itong nakadikit sakin ay nagging ganito na kami kalapit sa isa't-isa. Magaan agad ang loob ko dito, siguro dahil na rin alam kong wala siyang nararamdaman para sakin, ganon din ako dito. Kaya walang ilangan.

"Yabang mo! Baka kamay ko ang magkagerms dahil sa mukha mo!"

"Tss, ang ingay mo, pagod na nga ako, naninigaw ka pa." =_________="

Katatapos lang din nitong magpraktis ng basketball.

"Oh," inabutan ko sya ng mineral water.

"Magkano?"

"Paano mo nalamang sisingilin kita? Bente." ^________^

"Nakasulat sa mukha mo. Utang muna." Inisang lagok lang nito yon.

"Kailan ka pa natutong mangutang? Mayaman ka ah! Aba, libre na nga ang pagtulong ko sayo kay Jastine tapos ganito pa, hindi mo pa ako babayaran!"

"Dami mong sinabi, wala akong barya. Hindi ba siya nagtatanong tungkol satin?"

"Si Jastine? Hindi naman, wala kasi syang pakielam sayo."

Syempre, joke lang yon. Ang bruhang yon, halos kalbuhin na ako sa selos, buti na lang nakalusot ako na nagpapaturo lang sakin si Jhake sa Math. Ang loka-loka naman naniwala, hahaha!

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon