FL 10: Tristan

1.7K 32 3
                                    

-Mikee's POV-

"N-nami sinong kasama mo, si Jarrod ba yan?!"

"O-oo."

O______________________O

"Hoy, Mikee, ano nang sabi? Bakit para kang nakakita ng multo dyan? Akina nga yang phone ko, ako na lang kakausap." biglang inagaw ni Jastine yung phone nya.

"Hello Nami?!" narinig kong sabi nito habang tulala pa rin ako at hindi makarecover.

Kasama ni Nami si Jarrod? Bakit sila magkasama? Dun ba natulog si Nami sa bahay nung Jarrod na yon? Paano kung... waaaaaaaaaah *iling-iling* hindi naman siguro pero paano kung...

...nagtanan na sila?!

"Ahh, so nandyan ka sa condo ni Jarrod?"

"Ah ok, ingat ka ha. Umuwi ka na rin mamaya. Sige, sige. Bye!"

"Bakit ganyan ka makatingin?" tanong nito dahil tiningnan ko siya ng masama.

"Hindi mo ba naiintindihan yung sinabi ni Nami?!"

"Naiintindihan ko, sabi ni Nami nasa condo daw sya ni Jarrod." Ngumiti pa ito.

"Naiintindihan mo pala! Bakit hindi ka man lang nagtaka o nagalit dahil sa ibang bahay natulog si Nami at sa condo pa ng lalaki; take note, si Jarrod pa! Hindi ka ba nag-aalala na... na baka-"

"Ang OA mo, Mikee. Kilala ko si Nami at saka may tiwala ako sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi nito, tama ito wala akong dapat ikabahala dahil si Nami yon at may tiwala ako sa kanya.

Kaya lang...

"May tiwala rin naman ako kay Nami. Ang ipinag-aalala ko lang ay si Jarrod. Naiintindihan mo ba, ha? Si Jarrod Matthew Francisco yon ang dakilang tarantado at jerk ng Cemina!"

"Ewan ko sayo basta nase-sense ko na iba si Jarrod kapag kasama nito si Nami."

"At paano naman naging iba?"

"Ano ka ba? Wala ka talagang ka romance-romance sa katawan. Feeling ko kasi inlove si Jarrod kay Nami kaya naman alam kong igagalang sya ni Jarrod, basta ganun tapos unti-unti ding maiinlove si Nami kay Jarrod kasi kaibang nilalang ang lalaking yon. Then that's it, happy ending! Ang sweet diba? Waaaaah~ sawakas naman at may iba na ring mamahalin ang ating bff!" para tong bangag na nagtatalon.

"Parang yung 'Shrek' na story lang. Dahil kay Fiona naging mabait si Shrek. Diba mala-ogre ang ugali ni Jarrod? Yung ugali lang nya ah, kasi gwapo naman sya. Oh, baka isipin mo naman pinag-iinteresan ko ang lalaking yon. Haller?! May Jake na ako! Back to the topic, magkakaanak sila ng tatlo at marerealize ni Jarrod na hindi na sya masaya sa piling ni Nami kaya hihilingin nya sa hmm... kunwari ikaw na lang yung maliit na lalaki don sa Shrek na kulay red yung buhok, nakalimutan ko pangalan non pero bayaan mo na, ikaw na basta yun. So ayun na nga, humiling si Jarrod sayo na ibalik yung dati nyang buhay. Ganon kasi yung sa 'Shrek Forever After', napanuod mo na ba yon? Well kawawa ka naman kung hindi pa. Ang ganda nga non, then-"

"Baliw!" iniwan ko na sya at pumunta na lang sa kusina ng bahay ni Nami. Nakakagutom ang kabaliwang pinagsasabi ng babaeng yon.

Makalayo muna, baka mahawa pa ako, mahirap na. =___________=

-Nami's POV-

"Ano bang dapat kong isuot?"

"Bahala ka. Susunduin na lang kita sa bahay nyo before 7:30pm."

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon