FL 67 : Promise

111 7 0
                                    

Naomi's POV

Akala ko ba magpapakita ito sakin?!

See you tomorrow, babae.

Naalala kong sabi pa nito.

Kanina pa ako pabalik balik ng lakad pero hindi parin iyon nakatulong para kumalma ako.

Kahit na naiinis ako dito o kung galit ako dito nag-aalala pa rin ako. 3 days na itong hindi nagpapakita sakin.

Napatingin ako sa pinto.

Simula ng pumasok ako sa kwartong to hindi pa ulit ako lumalabas.

Nasan na ba ang lalaking yon?!

Hindi ako sanay na hindi ito pumupunta o dumadaan man lang dito.

Kahit hating gabi na ito umuwi, nagkakaroon parin ito ng time na puntahan ako.

"Miss Naomi, time for dinner." nilagpag nito yung pagkain ko.

"S-si Jarrod?"

"A-ano po..." she's nervous.

"Hindi parin siya nakakauwi?"

"N-nakauwi na po pero... s-sorry po... ayaw po niyang mag-alala ka... I mean... o-okay lang po si Sir."

Napakunot ako ng noo, hindu ko naman tinatanong kung kamusta ito pero bakit dinasabi nito okay lang ito. "Nasan siya?" nakaramdam ako ng kaba.

Something is wrong.

"M-may sakit--"

"Nasan siya?!"

Agad akong lumabas ng kwarto.

No...

Kaya pala sa loob ng tatlong araw nakikita ko sina Renzo, Jhake at Darryl na palaging nasa labas ng kwarto ko.

"Where's Jarrod?!" tanong ko don sa bantay sa labas na halatang halata ang pagkagulat.

"Hindi po namin pwedeng sabihin, magagalit-"

"Nasan ang lalaking yon?!"

"Ganda." napatingin ako kay Jhake.

"Si Jarrod?"

"Huwag kang iiyak sa harap niya... Be strong."

Lalo akong kinabahan.

Sinundan ko ito papunta sa isang kwarto.

May nga nurses don na labas masok.

Napahawak ako sa bibig nang makita ito.

"Don't cry." bulong sakin ni Jhake.

Anong nangyari dito?

Puro sugat ito, bugbog na bugbog ang katawan at puro pasa ang buong katawa nito.

"J-jhake... kumain na ba si Nami?" nakapikit ito kaya hindi pa ako nito nakikita.

Kahit sa ganitong kalagayan ako parin ang inaalala nito.

"Pinuno."

Unti unti itong umangat at tumingin sa direksyon namin, agad itong nagulat ng makita ako.

"You traitor! Get her out!" bakas sa mukha nito ang sobrang sakit dahil sa pagkilos at pagsasalita nito.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko.

"Get her out!" galit na sigaw nito. "Sinabi ko sa inyong hindi niya pwedeng malaman to! Get her out!"

"Calm down, Sir. Masama sayong kumilos ng kumilos." payo nung Doctor.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon