FL 54: You are worth all the pain

177 8 1
                                    

"Nami, nandito si Jarrod!" sigaw nanaman ni Manang.

"Opo!"

Kinalma ko muna ang sarili bago ito harapin.

"Bakit ka nandito?" cold na tanong ko. Naiinis pa rin ako dito dahil isang linggo siyang hindi nagparamdam. ISANG LINGGO! Tumayo naman ito agad ng makita ako, pinaupo ko naman ulit ito. Magkalapit kami ngayon sa sofa pero sinadya kong lumayo dito. May kasalanan pa rin siya sakin.

"Nami," bakas ang pagod sa boses nito. Saan ito galing?

"Bakit ka nandito?" ulit ko. "Saan ka galing?"

"China."

What?! China?!

"A-anong ginawa mo don?"

"Business." tipid na sagot nito.

Wala na akong maisip na sasabihin kaya nanahimik na lang ako. Bakit hindi ako nito tinawagan o kahit text man lang?

"Naiwan ko yung phone sa bahay kaya hindi ko nasabi kung nasan ako, biglaan akong pinatawag ng Lolo ko kaya naman hindi na kita napuntahan. Sorry."

"Bakit hindi ka nakitawag?" Ayoko talagang magtanong pero hindi ko mapigilang itanong kung anong nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo... isang linggong wala ako.

"Wala akong oras,"

"Kahit isang text lang." Hindi ko napigilang sabihin.

Ayokong magmukhang clingy kaya lang kahit ayaw ko, araw-araw ko pa rin itong hinihintay tuwing umaga nagbabasakaling susunduin niya ako. Sa hapon palagi ko siyang hinahanap sa may gate ng Cemina, nagbabasakaling bumalik na ito. Sa isang linggo na wala ito narealiza ko kung gaano ako kadependent dito.

Kumunot naman ang noo ko ng ngumiti ito.

"Bakit ka nakangiti?!"

"Halika,"

Naggesture pa ito na pinapalapit ako sa kanya hindi naman ako kumibo kaya ito na lang ang lumapit sakin.

"A-anong ginagawa mo?" bigla kasi ako nitong niyakap.

"Namiss din kita." kinilabutan ako ng maradamdam ang labi nito sa leeg ko.

"Wala akong sinabing namis--"

"Oo na, oo na. Alam ko namang hindi mo aaminin," sinubukan kong kumawala dito pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakin. "Ganto lang muna tayo. Napapagod pa ako, Nami." naramdaman ko naman ang pagpatong ng ulo niya sa balikat ko.

"Kamusta ka?" hindi pa rin ito humihiwalay sakin. "Naging good girl ka ba? Baka kung sino-sinong lalaki ang kinausap mo habang wala ako?"

Yun talaga ang conern niya ha? Psh.

"Ano naman kung makipag-usap ako sa ibang lalaki? Normal lang naman--"

"Nami!" Tsk.

Hayan nanaman siya sa pagiging ewan, alangan namang magsinungaling akong walang nakausap na lalaki sa loob ng isang linggo? Syempre may mga group activities malamang kailangan kong makipag-usap sa mga kagrupo ko babae o lalaki man.

"Mga group mates ko yung kinakausap ko."

"Sa canteen? May lumapit sayo?"

Natahimik naman ako.

"Meron?!" bahagya ito lumayo para makita ang mukha ko. "Sino?!"

"Hindi ko kilala basta may binigay lang sakin."

"Ano?" kunot-noo na ito.

Tinuro ko yung bear at bulalak na nakapatong sa maliit na round table. Agad naman itong tumayo at tinapon yon sa basurahan.

"Jarrod!" hindi ako nito pinansin, bumalik na ulit ito sa pagpatong ng ulo niya sa balikat ko.

"That's cheating, Nami. Hindi ka dapat tumatanggap ng mga ganyan sa ibang lalaki. I can buy you those kind of things if you want."

Hindi naman talaga ako natanggap ng mga ganon kaya lang kinonsensya ako ni Jake at Mikee, sabi nila sana man lang daw iappreciate ko yung mga ganong effort kasi sigurado daw na pinag-ipunan yon nung mga nagbibigay sakin ng mga gifts. Kung hindi ko daw yon tatanggapin for sure itatapon lang yon at masasayang. Ano naman daw ang mawawala sakin kung tanggapin ko yon? Sinabi pa nila na siguradong gusto lang nung mga lalaking ipakita yung affection nila sakin, wala daw yung masamang intensyon dahil alam naman ng lahat na girlfriend ako ni Jarrod. Paano naman ako makakareact sa ganyan kahabang paliwanag nung dalawang yon?

"Wala naman silang masamang intensyon." ulit ko lang sa sinabi ni Jake.

"Sino namang may sabi niyan sayo! Lahat ng gestures ng lalaki may masamang intensyon! Argh, paano ako makakampante kung sakaling may biglaan nanaman akong puntahan? Paano ako mapapanatag na umalis kung nakikipagflirt ka sa ibang lalaki?!"

"Yah!" pinalo ko ito sa braso. "Hindi ako nakikipagflirt sa ibang lalaki! Ikaw nga lang ang kinakausap kong lalaki sa school nang matagal! Nagsimula lang naman ulit na may magbigay sakin ng gifts nung mawala ka ng isang linggo, kung hindi mo ako iniwan ng walang pasabi edi hindi sila maglalakas loob na lumapit sakin! Bakit kasi umalis ka! Dapat hindi mo ako iniwan!" napayakap ako dito ng akma itong hihiwalay sakin para makita ako.

Nakakainis! Nakakainis! >////////<

"Kikiligin na ba ako?" pinalo ko ulit ito kaya napatawa ito.

JARROD'S

Kahit ayokong makita nito ang pagod ko mas pinili ko pa ring ito ang puntahan pagkatapos ng isang linggo life fight to death ko sa China.

Hindi ko dito sinabi ang buong details kung anong ginawa ko sa China. Ang totoo pagkatapos kong sabihin kay Lolo na hindi ko iiwan si Nami nagalit ito kaya naman pinadala niya ako sa China, sa lugar kung saan marami kaming kalaban.

Binigyan niya ako ng Mission doon, kailangan kong kunin ang Golden Scroll ng family Liang na nasa pangangalaga ng isa sa pinakakilala at kinatatakutang Mafia sa China, ang Liamonius. Ang rules ni Lolo dapat nakawin ko iyon. Hindi ako pwedeng gumawa ng transaction sa Mafia Lord nilang si Liang, kailangan NAKAW.

Alam nina Jake kung gaano kaimposible ang pinapagawang yon sakin ni Lolo pero wala silang nagawa dahil kasama rin sa rules na dapat ako lang daw ang gumawa non since ako lang itong nagpupumilit na manatili si Nami sa buhay ko, kung magawa ko ito hindi na niya akong pagbabawalan na makipagrelasyon kay Nami pero hindi daw niya maipapangako na hindi siya gagawa ng paraan para paghiwalayin kami.

Malaking bagay na yon sakin, sa pamilya namin ang kahit anong sabihin nito ay 'just' even sina Papa sumusunod sa kahit anong sabihin nito.

Hindi naging madali ang ginawa ko, gusto ko mang makauwi agad masyadong mahigpit ang security ng family Liang kaya inabot pa ako ng isang linggo para sa pagpaplano at paghahanap ng kagamitan dahil pumunta ako sa China ng walang kahit ano, as in wala kaya kinailangan ko pang gumawa ng paraan para magkaroon ng pera para makabili ng kagamitan para makapasok ako sa security nila at para narin sa pangtugon ng mga needs ko habang nasa China ako. Mula sa matutuluyuan, damit at pagkain, wala akong ginamit na asset ng family namin dahil isa rin yon sa rules.

"Tulog na?" tanong ni Manang.

Binuhat ko naman si Nami papunta sa kwarto nito at hiniga ito ng marahan. Hindi pa ako umalis, pinagmasdan ko lang muna ito.

"You are worth all the pain." bulong ko dito bago siya dampian ng halik sa labi.

WITCHY NOTE:

Hi, I'm back! Sobrang namiss ko si Jarrod and Nami! Thank you sa mga naghintay! Kung kakayanin ko every week na ang update nito (Sunday or Monday). Isa kasi sa mga goal ko ang matapos na ito. Alam kong matagal na kayong naghihintay. Dedicated ito kay chirpingbirds04, salamat sa pagmemessage ng nobela sakin. Sobrang naappreciate ko yon, sorry kung ngayon lang ang update. :D

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon