FL 26: Double Date

6.5K 95 17
                                    

Witchy Note:

Hello~! Salamat sa paghihintay! At dahil Martes ngayon, nag-update kami! ^_______^

Hindi ko na tanda kung sino ang pagdededicatan ko nito o wala lang talaga? Eh basta, kung meron mang nakatadhana [ansabeh ng tadhana? hahaha!] sa chapter na ito, pm mo lang ako o yung chix kong mukhang Alien! xD

Si Fujioka-Kyou o Ramices nga pala sa tabi, ang babaeng kinatutuwaan ni Jarrod! =) Piling ko madami akong dapat sabihin eh, nakalimutan ko lungs! Oo nga pala, sa gustong mag-op kay Jarrod pm nyo ako, magiging busy kasi yung dati nyang OP sa school di na nya maasikaso pag-o-op kay Jarrod kaya nag decide syang ipahandle na lang sa iba si Jarrod. So, sa gusto PM nyo ako! Happy Birthday nga pala sa chix ko, nung 7 pa yun, binati ko lang ulit ngayon kasi tampo sya sakin kasi daw di ko sya binati sa Wattpad! Anglande talaga non! HAHAHA! Tsaka di ako umattend sa birthday party nya kasi tsak na boring lang yun, haha Ssssh, wag kayo maingay! xDD

Basahin nyo yung W/N ko mamaya ha?! Mahahalata kasing mahaba yung note ko kapag dito ko pa nilagay sa unahan, para hindi pansin sa huli ko na lang ilalagay! xDD

Enjoy Reading! :)

=============================================================

~♥Chapter XXII

-Jarrod's POV-

Kumalas na si Nami sa pagkakayakap ko.

"Ang baho mo."

"Ano?!"

"Amoy dugo ka. Ang baho."

"Ang arte mo! Umayos ka na nga jan, baka mamaya, isipin pa nilang pinapaiyak kita."

"Wow. Ikaw nang concerned sa iniisip ng iba."

"Mukhang tapos ka na nga sa kadramahan mo. Binabara mo na ako eh."

"Tss. ewan ko sayo."

"May phobia ka ba sa dugo?" tanong ko. Bigla kasi syang nabalisa ng makakita ng dugo kanina.

Tinanggal ko ang suot kong varsity jacket at isinuot sa kanya. Baka kasi mapagkamalan syang narape o hinarass dahil sa dugong napunta sa damit nya nang yakapin ko. Gagong lampang lalaking yon, dinumihan pa ako. -_____-

"H-ha? Wala naman... pero... ewan, pag naman nakakita ako ng dugo dahil sa simpleng sugat, hindi ako nagpapanic pero yung kanina... may naalala lang ako-"

"Tama na yan, tara na." Hinila ko na ito pero hindi papasok kundi papalabas ng school.

"Hoy, lalake, san tayo pupunta? May klase pa tayo ah!"

-Naomi's POV-

"Magde-date tayo." Napatigil ako. "Problema mo?" kunot-noong tanong nito.

"Magde-date nanaman tayo?!"

Tss. Baka mamaya makidnap nanaman ako ng baliw nyang pinsan." =____=

"Wag kanang mag-alala..." hinawakan nya ang kamay ko at bahagyang pinisil. "Akong bahala sayo, hindi ko na hahayang may masamang mangyari sayo." Seryoso nyang sabi.

"Tss." >__>

Bahagya akong nailang ng tingnan ako nito mula ulo hanggang paa. "Ang ikli nanaman ng palda mo, sa susunod nga magsibilyan ka na nga lang."

"Wag mo nga akong igaya sayo, ayaw kong magsibilyan at isa pa, anong maikli eh lagpas tuhod na nga to."

"Wala akong pakielam. Tss. May extra blouse ka pa ba?"

"Nasa locker ko."

"Ang layo, halika nga muna."

"San tayo pupunta?"

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon