FL 52: B-R-E-A-K-N-A-T-A-Y-O

3.5K 99 22
                                    

Hello! Update again, saa magtuloy-tuloy na itong pag-a-update ko! Plaging saktong gabing-gabi ako nakakagawa ng UD kaya dito lang ako sa WGMMG nakakagaw. Next time na lang yung sa I'm a MAID.

Enjoy Reading! =)

==============================================


"Bakit ba ang sama mo sa mga kaibigan mo?" tanong ko kay Jarrod ng isama ako nitong magwalk-out palabas ng canteen.

"Dahil wala silang kwenta."

Nakaramdam ako ng inis dahil sa sinabi nito. Paano niya nasasabing walang kwenta ang mga kaibigan nito?!

"Kaibigan mo sila kaya huwag mo silang sabihan ng walang kwenta. Kung hindi ka man nila matulungan hindi ibig sabihin non na wala na silang kwenta."

"Hindi ko sila kaibigan."

Lalong kumunot ang nook o dahil sa sinabi nito.

"Hindi mo sila kaibigan? So, ano mo sila?"

"Hindi mo rin maiintindihan kahit ipaliwanang ko. Huwag na nga natin itong pag-usapan. Tsk." Nauna na itong maglakad papunta sa kung saan. Umiral nanaman kagarapalan ng ugali nito.

Habang tumatagal napapalayo na siya sakin.

Ano bang problema ng lalaking ito? Piling ko hindi na siya si Jarrod. Hindi ganito yung Jarrod na nakilala ko. Mas gusto ko yung Jarrod na palaging nang-aasar at nambwi-bwiset ng araw ko. Hindi yung ganito. Para bang may tinatago siya sakin.

"Jarrod..." Nagpatuloy lang ito sa paglalakad. Hindi man lang niya ako nilingon, ang bilis din ntong maglakad. Nakakapikon na!

"BREAK NA TAYO!!!!!" Napatakip naman ako sa bibig ko.

Oh please, Lord. Sabihin mong hindi ko yon naisigaw?! Napatingin ako sa paligid, marami-rami rin pa lang nakakalat na studyante sa nilalakaran namin. Waaaaaaaaaaaaaaaaah! Nakakahiya!!! >////////////<

"A-anong sabi mo?" Napatingin ako dito na nasa harapan ko na pala. Hindi ito mukhang galit, siguro dahil sa sobrang gulat dahil sa sinabi ko. Sa halip na sagutin ay hinila ko na lang ito palayo sa lugar na iyon.

Waaaaah! Nakakahiya talaga! Hindi ko akalaing magagawa kong sumigaw ng ganon kalakas. Tapos yung sinabi ko pa... chismis nanaman ito! Kainis talaga! Kasalanan ito ng lalaking ito eh! Sawang-sawa na akong palaging nasa hot topic ng buong Cemina! >___________<

"H-hoy! A-anong sabi mong babae ka?!" Napatigil ako ng tumigil din ito. Bakas pa rin sa mukha niya ang sobrang pagkagulat. "Nakikipaghiwalay ka sakin?! Nababaliw kana ba? Tingin mo ba papayag ako?! H-hiwalay!" Ang haba ng nguso nito habang sinasabi ang mga salitang yan. Kung banggitin naman nito yung salitang 'Hiwalay' para bang yon na ang pinakanakakadiring salitang narinig niya.

"Kasasabi ko lang! Spell ko pa? B-R-E-A-K-N-A-T-A-Y-O!" Nginitian ko pa ito ng matamis bago ito talikuran. Sa pagkakataong ito ako naman ang mang-aasar sa kanya.

"Anong-? B-bakit?!" Hinarap ko ito. Sinubukan kong magpigil ng tawa. Ang panget niya! Hahahahahahahhaa! Mukha siyang puppy na naliligaw ng landas, hindi bagay sa kanya! xD

"Dahil hindi na kita kilala." Seryosong sabi ko kahit na gustong-gusto ko na talagang humagalpak ng tawa.

"Yun lang?!"

"Hindi lang yon. Dahil na din sinabi mong walang kwenta ang mga kaibigan mo."

"Hindi ko sila kaibigan."

"Kaibigan mo sila."

"Iiwan mo ako dahil lang sinabihan ko ang mga yon ng walang kwenta?!"

"Oo! Isa pa yang pagiging ewan mo! Bakit ba palagi kang galit? Ni hindi na nga ata kita nakikitang ngumingiti eh. Hindi ko hinihiling na magbago ka, ang gusto ko lang ay yung bumalik ka sa dating ikaw. Yung Jarrod na nakilala ko... yung ikaw na... na unti-unti kong nang nagugustuhan." >//////////////////>

Okay, mas nakakahiya ata ito kesa sa pagsigaw ko kanina! Waaaaaaaaaaaah! Kainin na lang sana ako ng lupa o kaya kunin ng hangin! Ang sarap maghukay sa lupa para itago ang sarili ko. Piling ko rin pwede ng magpirito ng itlog sa noo ko dahil sa sobrang init ng buong mukha ko!

Unti-unti akong tumingin dito.

"H-huwag ka ngang ngumiti ng ganyan!"

"Sabi mo ngumiti ako." ^____________^

"Wala akong sinabi!" >_________<

"Sabihin mo ulit..."

"Sabihin ang alin?"

"Sabihin mo na gustong-gustong......................... GUSTO MO AKO!"

Bumalik na nga siya sa dati.... sinisira na ulit niya ang araw ko!!!!!!!!! >//////////////<

==============================================

Hindi ko na yan naedit kaya pasensiya sa mga typos. Kailangan ko na rin kasing matulog. Salamat nga pala sa paghihintay! =)

VOTE/LIKE/COMMENT/BE A FAN

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon