"Oh, ang aga mo na talagang gumising ah." Bungad sakin ni Manang pagkababa ko.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya nasasanay sa gantong gising ko, kahit naman ako hindi pa rin sanay. Nung birthday ko kasi nagstart ang karbagryo ko sa alarm clock na yon. Si Manang ang araw-araw na gumigising sakin, siya rin ang naghahanda ng lahat ng pangangailangan ko sa bahay.
Bata pa lang ako ito na ang nag-aalaga sakin, may sarili rin itong pamilya pero malalaki na ang mga anak niya at may mga sariling pamilya na. Wala na rin ang asawa nito kaya mas pinili na lang nitong alagaan ako.
Palaging out of town ang parents ko dahil sa business nila kaya halos si Manang na lang ang meron ako. Isa pa, ayaw ko rin naman silang makasama, mas gusto kong mag-isa. Ayoko ng may nag-aalaga sakin. I don't want to be dependent to anyone. Pero kahit anong taboy ko kay Manang noon, nanatili pa rin siya sa tabi ko.
"Kumain kana, baka masayang ang gising mo ng maaga kung malelate ka rin." Paalala nito.
-CeminaUniversity-
Late na ba ako? Napatingin ako sa paligid, walang studyante sa labas. Napatingin ako sa relo, 6:17 pa lang. Ang tahimik. Nakakatakot tuloy, baka nagka zombie apocalypse na?! Bakit naman hindi ako nainform? Waaaaaah! Sabi na nga ba darating din ang pagkakataong ito. Kasalanan ito ng mga scientist! Malakas ang kutob kong sila ang salarin, nandamay pa sila anon a lang ang mangyayari sa mundo dahil sa pagkakamali nila?! Mamatay ako, makakagat ng zombie at maaagnas ang muk-
*Riiingggggggs*
Napatiligil ako sa pag-iisip sa katuparan ng mga prediction ko kapag nanunuod ako ng The Walking Dead dahil sa pagtawag ni Jastine. =_________="
"Bakit buhay ka pa?" Si Jastine ang una kong naimagine na mamamatay saming tatlo ni Mikee kapag nagka zombie apoclapyse. Hays.
"N-nami." Bumalik naman ako sa realidad na mapakinggang natetense ito.
"Oy, anong problema mo?"
"S..si M...mikee, Nami! Pumunta ka na lang dito sa basketball court. Please Nami, bilisan mo!"
"T-teka ano-" *toot toot toot*
Ngayon lang ata ito naunang pagbabaan ako ng phone kaya naman nagtaka talaga ako. Himala. Ano nanaman kayang problema ng babaeng ypn, agang-aga eh. Tsk. Wala na akong nagawa, mukang wala rin namang klase , nagpasya na lang akong pumunta sa Gym.
"Nami!" nag-aalalang tawag sakin ni Jastine, nandito pa lang ako sa tapat ng gym ng salubungin nito.
"Oh, ano bang problema mo at pinapun-"
"N-nami si Mikee!" sobra talaga yung pag-aalala sa boses nya.
What's happening?
"Bakit? Ano namang meron kay Mikee?" kalmang tanong ko sa kanya. Baka kasi kapag nag-react din ako na katulad ng reaction nito edi dalawa na kaming parang hindi matae. Parakasing ganun yung hitsura nya. Parang nagmamadali na ewan, tsaka wala sa personality ko ang mag-over react gayong hindi ko pa naman alam kung anong meron.
"Sumali sya sa isang sorority. Pero bago sya papasukin, kelangan nyang gawin yung dare!" sigaw nito.
Ang sakit sa tenga, mukha ba akong bingi? Tsk.
"Ano namang problema dun? Kung sigawan mo naman ako akala mo naman magugunaw na ang mundo! Bakit? Kailangan nya bang tumalon sa putik o sa napakaraming dumi ng tao o kaya naman pinapabuga ba si Mikee ng apoy? Kung makapagreact ka diyan."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...