Nami's POV
"Bakit mo pinapahirapan si Jarrod?" tanong ni Tristan.
"Hindi ko siya pinapahirapan." automatic na naging cold ang boses ko.
Hindi niya magawang pigilin ang sarili. Basta kapag nababanggit ang lalaki may kirot siya sa puso na nararamdaman.
"You know your hurting him, Nami."
"I'm not. Paano ko siya masasaktan? Mas malakas siya sakin, wala na nga akong ginagawa, hindi rin ako lumalabas... Hindi ako nagiging sagabal sa iba... sa kanya."
"Hindi lang sa physical pwedeng masaktan ang tao. Palagi ka niyang pinupuntahan pero hindi mo siya pinapansin."
Tumingin ulit ako sa labas.
"Kung ayaw mo na talaga sa kanya bumalik kana ulit sa pangangalaga ko." anyaya ulit nito.
Umiling ako.
Ayokong akuin nanaman ako nito. Ayokong maging pabigat nanaman dito, ayoko rin na kapag napahamak ako ay nasapoder ako nito. Baka hindi na kayanin ni Tristan.
Totoo ang lahat ng sinabi nito, sa ilang linggo naming magkasama nalaman ko na hindi nga ito nawala sa tabi ko, maaaring hindi ko siya nakikita pero patuloy lang ito sa pagprotekta sakin.
Nakarating na ako sa mga headquarters nito, ang bawat CCTV ng mga streets na dinadaanan ko pauwi, kahit yung mga CCTV kapag namimili ako ng mga gamit meron sa malaking screen sa mga headquarters nito upang makita nito kung nasaan ako.
Mas naunawaan ko kung bakit niya ako iniwan noon, parehas lang kami ng edad pero naging mature na agad ito... para sakin.
Kung natuturuan lang sana ang puso... hayyyy.
"Bakit?" tanong nito dahil sa pagtanggi kong sumama dito.
"Okay lang ako dito."
"Pwes, makipagcommunicate ka kay Jarrod. Mas mapapanatag ako kapag nag-uusap kayo."
"Bakit? Hindi namin kailangang mag-usap! Kaya kong mabuhay ng wala siya!"
"Kung ganon bakit ayaw mong sumama sakin?"
Hindi ko na napigilang magtaas ng boses dahil sa pagpupumilit nitong pansinin ko si Jarrod.
Wala itong alam.
Hindi ako nito maiintindihan dahil kahit nga ako hindi ko na rin maintindihan ang kinikilos ko.
"Kung ayaw mong sumama sakin sana kahit papaano kausapin mo siya, para alam mo kung ano ang mga dapat gawin kapag nagkaemergency. I don't like him, Mi. Pero alam kong mahalaga ka sa kanya kaya pumapayag akong nandito ka."
Lalo akong nainis dahil sa sinabi nitong mahalaga ako sa lalaking yon!
Kung pinapahalagahan ako nito hindi niya ako ipapapatay!
"Okay lang ako dito! Kung sakali mang mapahamak--"
"Hindi ka mapapahamak!"
"You don't know that, Tristan. Kahit anong oras pwede na akong mamatay--"
"Nami!" napalingon kami sa nagbukas ng pinto. Ang galit na mukha ni Jarrod ang tumambad samin.
Nandito nanaman ito.
Alam kong nandoon lang ito sa labas at nakasubaybay samin, napalakas ata ang usapan namin kaya ganito ang naging reaction nito.
Guilty lang ito, Nami. Hindi siya nag-aalala sayo. Hindi ka niya mahal, walang nagmamahal na gugustuhin kang patayin.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...