FL 60: Payback Time

137 7 0
                                    

FL 60: Payback Time

"Ang lakas naman ng loob nitong pumasok pa."

"Wala talagang kahihiyan."

"I really hate two faced people."

Tulad ng nakasanayan ko na, hindi ko na lang pinapansin ang mga sinasabi nila.

Mas tinutok ko na lang ang pag-iisip tungkol sa lalaking yon.

May pakiramdam akong may binabalak na kakaiba ang lalaking yon. Sinundo ako nito para ihatid dito sa school but binaba niya rin ako bago sumapit sa gate, sinabi nitong mauna na ako dahil may nakalimutan daw ito.

Something is wrong.

"SISTER-IN-LAW!" nanlaki ang mata ko dahil sa sigaw na yon ni Jaireh.

Isa ito sa mga taong pinapasalamatan ko, kahit na sinaktan ko ang kuya niya naniwala pa rin itong may dahilan kung bakit ko iyon nagawa. Nanatili pa rin siyang kaibigan ko... namin. Mas para ngang mas kinampihan pa ako nito kesa sa kuya nito.

"Yes, sister-in-law! Bakit? May reklamo?! Sa susunod na may sabihin pa kayo tungkol kay Nami ako na makakaharap nyo!" sigaw nito sa mga studyante.

"Jai, tama na yan." pigil ko dito.

"Tsk." hinila ko na ito.

"Haaaaay, kaya ka siguro nagustuhan ng kuya ko, noh?"

"Huh?"

"Ang bait mo kasi. Opposite attract, diba?"

Umiling na lang ako habang natatawa.

"Yah! Wag ka ngang kadikit kay Nami Bebi!" Biglang pumagitan si Jastine samin. "Bakit ba palagi kang nakadikit sa Nami Bebi ko? Hmph!"

"Hoy, friend ka lang, sister-in-law ako!"

"Ipapaalala ko lang sayo na break na sila ni Jarrod."

"Kahit na! Anong akala mo sa Kuya ko susuko na lang ng ganon? Galit lang yon pero kung mapalamig na non ang ulo niya I'm sure si Naomi ang una nitong pupuntahan."

"Bakit naman nito pupuntahan si Nami? Para sabihan ulit ng masasakit na sila?! Hindi man lang pinag-explain ang Bebi ko."

"Yah, wag mo ngang husgahan ang Kuya ko. Kilala ko yon, baka nga sa mga oras na ito napatawad na non si Naomi. Don't worry Sissy, I'm sure one of this day bigla na lang yon susulpot at hihingi ng tawad sa mga sinabi nito. Although wala sa vocabulary non ang word na 'sorry' I'm sure handa yung kalimutan ang pride niya for you."

Lahat ng sinabi nito ay totoo, kilalang kilala talaga nito si Jarrod. I wonder kung alam ng lalaking yon kung gaano siya pinagkakatiwalaan ni Jaireh.

"Wait mo lang ang Kuya, Sissy." nginitian ko na lang ito.

Tsaka ko na lang sasabihin sa kanilang okay na kami ni Jarrod.

Jarrod's

"Nahanap nyo na ba yung pinapahanap ko?"

"Oo, anong plano mong gawin?"--Renzo

"Pagbayarin sila."

"Yoooon! Playtime again! Let's go!"--Jhake

"Hindi ngayon, I need to caught them in action."

"Para saan? Pwede naman natin silang gantihan na agad."

"May iba pa akong plano."

Iniwan ko na ang mga ito, naexplain ko naman na sa kanila kung saan yung place. Ang lakas ng loob nilang saktan ang babae ko, magbabayad sila.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon