FL 11: Ex-Fiance

10.5K 160 27
                                    

~*Sunday*~

"Hindi mo kailangang maging nice sa parents ko, ipakita mo lang kung sino ka talaga." basag ko sa katahimikan.

Simula ng sinundo siya hanggang sa makasakay kami sa sasakyan ay hindi pa ito nagsasalita, kahit man lang simpleng 'Hello', wala. Psh. Sabagay hindi nga pala marunong bumati ang babaeng to. Tumango lang sya at tumingin na ulit sa labas.

Nakakainis. Hindi ako sanay na hindi nito binabara o sinasagot na pabalang.

"Hoy, mag-comment ka naman sa sinabi ko!" utos ko dito.

"Wag na, baka i-like mo pa."

Ano to facebook?

"Pfft."

"Problema mo?" tanong nya.

Hindi ko na mapigilan...

"Pfft. Hahahahahahaha~!" bigla kong nai-preno ang kotse. Natatawa kasi ako. Ang corny ng joke nya.

"Hoy lalaki, para kang sira."

"Ang pangit kasi nung joke mo!"

-Nami's POV-

(-___-)?

"Anong joke?"

"Yung sinabi mong huwag na baka i-like ko pa yung comment mo. Hahaha~ ang corny mo magjoke!"

Pangit daw pero tumatawa. Tss. Hindi yon joke, ang babaw naman ng lalaking to. Parang siraulo lang kung makatawa... wagas!

"Tumigil ka na nga!"

"Pfft. Okay, okay, seryoso na." mukha syang tanga, pramis~ Kakaiyamot. >_____<

Nag-drive na sya ulit.

"Wag na lang kaya tayong tumuloy?" napapreno ulit ito at tiningnan ako ng masama.

"J-joke lang." ^_____^V

"Hindi nakakatawa." napakaseryoso ng mukha nito.

"Tss."

Tumigil kami sa tapat ng isang hotel. Inalalayan nya ako hanggang sa makapasok at...

Asdfghjkl?!

Bakit ganto kaganda ang lugar na to?! Puro kulay gold ang design ng buong gamit don. From the curtains up to each table utensils, everything seems to be shining.

"T-teka, akala ko tayo lang ng magulang mo?" tanong ko.

Sabi nya kasi simpleng dinner lang daw. Malay ko bang ganto ang 'simple' sa kanya. -________-

"Akala mo lang yon." he grinned at me bago kami lumapit sa isang table.

"Yah~! Meet my girlfriend- Naomi Mendoza." pakilala ng kumag na to sakin sa parents niya.

Wala talaga toing galang. Tsk. Tiningnan ako ng Mama nya mula ulo hanggang paa, siguro hinahanapan nya ako ng kapintasan.

Tingin ko, nasa late 40's na ang parents ni Jarrod pero infairness mga mukha pa silang Bata. Umupo na kami, nakakangalay na kasi masyado. Nagpapakaplastik pa din ang demonyong ito sa mga magulang dahil ipinaghila pa ako ng bangko at inalalayang umupo.

Pinagtaasan ko sya ng kilay pero ngumiti lang ito ng matamis.

-Jarrod's POV-

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon