FL 31: I'll do anything to make her stay

5.6K 82 4
                                    

Witchy Note:

Pasensya kung maikli ! Nakalimutan ko na yung mga sasabihin ko, hahaha! xDD

Enjoy Reading! =)

==================================================

Chapter XXVI

-Naomi's POV-

Hindi ako pwedeng magkamali, si Dawn at T-tristan yon.

Pero imposible, nakabalik na sya?

Bakit hindi man lamang nya ako...

"Nami, may problema ba?" natauhan ako nang marinig ang boses nya.

"H-ha?"

"Ayos ka lang ba talaga?"

"Okay lang ako. Ano na nga uli yung sinasabi mo?"

Tiningnan nya ako at bumuntong hininga.

"Tss. Ang sabi ko, dapat aminin na natin kay Manang Renie kung anong tunay na realasyon natin, tutal hindi na naman tayo nagpapanggap."

Aminin?

Relasyon?

Totoo?

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung ano ang sinasabi nito.

"Hindi pwede!"

"Bakit naman?" biglang kumunot ang ulo nito.

Pagnalaman ni Manang, siguradong makakarating yon kay Mommy at Daddy. Natatakot ako sa sasabihin nila. Lalo na sa reaksyon at pwedeng gawin ni Mommy. -_____-

"Basta."

Lalong kumunot ang noo nito at naningkit ang mga mata dahil sa sagot ko.

"Anong klaseng sagot yan? Basta? Trip mo lang hindi sabihin? Tell me, kinahihiya mo ba ako?" nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi nito.

"A-anong... hindi sa ganon, kaya lang-"

"Kaya lang ano?!"

"Kaya lang... ano... hindi ko sayo pwedeng sabihin."

"Argh! Fvck that stupid reason of yours!" bigla itong tumayo kasabay niyon ay ang pagtahimik ng mga studyante ditto sa canteen.

Bumuka ang bibig nya na parang may sasabihin pero agad din iyong itinikom. Itinaas nya ang dalawang kamay na parang sumusuko bago tumalikod at naglakad palayo. Nasa may pinto na sya nang tumigil at sipain ang isang bakanteng upuan.

Ilang minuto na ang nakalipas pero tahimik pa din ang buong paligid. Nag-iwan ng matinding tensyon sa ere si Jarrod, mukhang sobrang na badtrip ko sya. >_____<

"Ganda, anong ginawa mo?"

Napatingin ako sa nagsalita.

Si Jhake, kasama din nya si Darrly at Renzo.

"I think you have to follow him." Komento ni Renzo na nakatingin sa pintuang nilabasan ni Jarrod.

-Jarrod's POV-

Argh! Kinakahiya nya ba ako?! Hindi naman ako pangit para ikahiya niya ah!

Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng yon. Tss!

Bakit ba pakiramdam ko napipilitan lang sya?

Kanina pa kami magkasama pero parang may sarili syang mundo at malalim ang iniisip.

Nagbago na ba ang desisyon nya tungkol sa relasyon namin? Naghahanap lang ba sya ng pagkakataon para sabihin yon sakin?

Pano kung ganon nga? Hahayaan ko bang lumayo sya?

Aish! Eto nanaman ako sa pagtatanong, kung kaya ko lang sanang mabasa ang iniisip ng babaeng yon! -_____-

Bahala na nga, basta hindi ko sya hahayaang mawala.

I'll do anything to make her stay. I'll even court her if she want.

-Naomi's POV-

Nasaan na ba ang lalaking yon? Paano kong tama nga ang tatlong yon? Tss!

~Flash Back~

"I think you have to follow him."-Renzo

"Baka magsisigarilyo nanaman yon.-Darryl

"Mababa na ang sampung stick."-Renzo

S-sampong stick?!

"Hindi lang. Sa itsura ni Jarrod kanina, baka makailang kaha yon."-Jake

Biglang umiling yung tatlo. "Kawawa naman yung baga nya." They chorused.

~End of FlashBack~

Mangonsensya daw ba. =_____=

Agad akong lumapit ng Makita ang nakatalikod nyang pigura. Baka mamaya naninigarilyo nga ito.

"Jarrod!" marahas ko syang pinihit paharap sakin at binutbutan.

"H-hoy, Nami, Ano bang ginagawa mo?"

"Asan yung sigarilyo?"

"H-ha?"

"Nagmamalinis ka pa! Alam mo bang masama yan sa katawan mo?! Tsaka pampaitim daw yan ng labi. Sa dinami-rami naman ng bisyo, bakit paninigarilyo pa?!"

"Ano bang pinagsasasabi mo? Paninigarilyo? Bisyo? Ako?! At kanino mo naman nabalitaan yan?! Mukha ba akong lulong sa sigarilyo?!"

"S-sabi nung tatlo mong kaibigan..." Napatingin ako sa mapula nyang labi.

Yung tatlong yon. =_____=+++

"So, ganon lang kadali sayong paniwalaan sila?" he smiled, a bitter one.

-Jarrod's POV-

Tatalikod na sana ako nang magsalita ito.

"Sorry..."

Aish. Not again!

Natagpuan ko ang sariling naglalakad pabalik sa kanya.

"J-jarrod..."

"Sorry kung iniwan kita. Kung ayaw mong sabihin ang dahilan, okay lang." nginitian ko sya at nauna sa paglalakad pabalik sa canteen.

Humanda sakin ang tatlong yon. -_____-+

-Naomi's POV-

Bakit ba masyado kong iniisip ang nakita ko kahapon?

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi. Hindi ko na dapat iniisip yon... dahil sa bawat emosyong lalabas sakin, hindi lang ako ang apektado kundi pati na rin si Jarrod.

Tiningnan ko ang likod nya habang naglalakad kami.

Napangiti ako ng bahagya.

Hindi naman pala ganon kademonyo ang lalaking yon tulad ng naging tingin ko sa kanya noon.

==================================================

VOTE.LIKE.COMMENT

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon