FL 69 : The Price

119 7 0
                                    

Omniscient's POV

"A-anong hindi nyo alam?!"

Galit na tanong ni Jarrod ng makabalik siya galing mission.

Successful ang ginawa nilang pagrerescue kay Jaireh.

Nasa poder na nila ngayon ang kapatid.

Agad natrace ni Jhake kung nasan ang location nito dahil sa picture na nakadisplay sa underworld website.

Nasa safe house na rin ang mga magulang niya, hindi sinabi ni Jarrod sa Nanay kung sino ang kalaban nila pero ininform niya ang kanyang Tatay.

Wala man lang bakas ng pagkagulat sa mukha nito, pero hanggat maaari ayaw nilang ipaalam sa Mother niya na ang sarili nitong Ama ang nagtangka sa buhay ni Jaireh.

Hindi ito nagbibiro, handa nitong saktan si Jaireh.

Nang makapunta kami sa site ay nakahanda na ang mga tauhan nitong tanggalan ito ng daliri.

Siguro ang ginawang encouragement ng kanyang Lolo ay hindi namn nito masasaksihan ang pananakit sa apo.

Brutal ang Lolo niya, gusto nito ay nandoon ito kapag tinotorture ang kalaban, pero wala ito sa lugar na pinagdalahan kay Jaireh kaya naging madali sa kanila ang mabawi ito.

Nasa trauma state parin si Jaireh kaya hinayaan muna namin ito sa piling ni Renzo, ayaw din nitong makita ang mga magulang nina Jarrod. Siguro upang hindi mahalata ng Mother nito ang totoong nangyari.

Okay na ang lahat.

Nalaman na rin ni Jarrod kung bakit ganon na lang ang pagnanasa nitong makuha si Nami. Hindi dahil sa pagkamatay ng Kuya niya! Kundi sa ebidensiyang nakalagay sa necklace nito!

Nabuksan na niya ang necklace, sa loob niyon ay may flashdrive na nakalagay, doon nakalagay lahat ng dark businesses ng Lolo niya.

Meron din doong testimony ang Kuya niya na sa panahon ng election sa pagpapalit para sa posisyon ng pagiging KING ay inutusan ng Lolo ni Jarrod ang Kuya Mon nito na patayin ang mag-asawa.

7 years ago ang huling botohan para sa susunod na KING para sa underworld Gang.

Posisyon iyon para kahit papaano ay magkaroon ng balanse ang underworld, ang KING ang nasusunod at pinakanirerespeto ng lahat ng Gang.

Isa sa mga disqualification sa mga natakbo as KING ay ang pagtangkaan ang buhay ng kalaban nito.

Nung panahon yon dalawang grupo lang ang naglaban para sa posisyon ng pagiging KING.

Ang Dragon Gang at The Warriors.

Binaliktad nito ang lahat.

Mula sa pagsasabing ang mga magulang ni Nami ang nagtangka sa buhay ng Kuya Mon niya, lahat kasinungalingan!

LAHAT!

Sobrang sama ng loob ko. Piling ko ang buong buhay ko ay kasinungalingan.

Pinaniwala ako ng matandang yon na The Warriors ang pumatay sa Kuya ko pero ang totoo pala ang kuya ko ang nagtangka sa buhay ng mag-asawa sa utos ng Lolo ko.

Pero hindi ganon ang ginawa ng Kuya, pinuntahan nito ang mag-asawa para warningan ngunit nakutuban iyon ng Lolo ko kaya iniutos nito sa iba ang pagpatay sa mag-asawa.

Yung araw ng aksidente ay nalaman ng Kuya ko na may ginawa sa sasakyan ng mag-asawa, unavoidable na ang pangyayari, maraming sinira sa sasakyan ng mag-asawa. Tinawagan ng mag-asawa ang Kuya ko para humingi ng tulong... Sakto namang kasunod lang nila ang Kuya Mon ngunit huli na ang lahat mabilis na ang pagpapatakbo ng sasakyan ng mag-asawa. Ang tanging paraan na lang ay ang banggain ng Kuya ko ang sasakyan ng mga ito para mapatigil ang sasakyan... Handang mamatay ang mag-asawa, may possibilities kasi ng may bomba din sa sasakyan nila... Ayaw nilang mandamay ng civilians.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon