FL 19: Fever II

7.7K 112 21
                                    

Hello~ Salamat sa paghihintay! =))

Pa-add po nung mga characters namin. Nandun po yung link ng facebook nila sa Profile ko, Thanks!

Enjoy Reading! :)

===========================

Chapter XVI

-Naomi's POV-

Tss. Pano ba to?

Asar naman. Wala bang katulong ang demonyong to para yun na lang ang mag aalaga sa kanya? Aish. Sino ba pwedeng mapagtanungan kung anong gagawin ko? -____-

Teka...

Si Manang!

Kinuha ko yung phone ko at tumwag sa bahay.

"Oh hija, napatawag ka."

"Ano po kasi, manag, may sakit si Jarrod. Hindi ko po alam kung anong gagawin, ayaw namang pumunta ng hospital. Nag-iinarte pa po ata."

Oh diba, ang bait-bait at ang galang ko noh? Kay manang lang yan. Sya na kasi ang kasama ko simula bata, lalo na nung namatay ang parents ko, nagkaroon pa nga ng time na sya lang ang kinakausap ko at naging napakadependent dito.

"Ah ganun ba? Eh nasan kayo ngayon?"

"Nandito po sa condo nya."

"Malayo ba yan satin, hija?"

"Opo eh."

"Nakuu, pano ba yan? Oh sige, ganto na lang, ilista mo na lang yung mga sasabihin ko na dapat mong gawin sa kanya."

Kumuha ako ng papel at ballpen sa bag ko at inisulat ang mga idinikta ni Manang para bumaba ang lagnat ni Jarrod. TSS. sinong mag-aakalang tinatablan ng sakit ang lalaking yon? =_____=

"Sige po, manang. Salamat."

"Mag-ingat kayo jan. teka, hija, makakauwi ka pa ba hanggang mamaya?"

"Hindi ko po alam, baka po kapag bumaba na ang lagnat ni Jarrod."

"Wag ka na muna umuwi. Mag-iisa lang si Jarrod jan kapag iniwan mo sya, kawawa naman."

"A-ah... s-sige po." Ini-end call ko na ang tawag.

Ano bang pinakain ng lalaking yon kay manang? Bakit parang ang laki ng tiwala nito dito? Tss.

Pinasadahan ko ng tingin yung papel na pinagsulatan ko.

1st step: painumin ng gamot.

2nd step: punasan ng tuwalyang may maligamgam na tubig ang katawan para guminhawa ang pakiramdam.

3rd step: pakainin at hayaang matulog.

Nang mapansing tulog na si Jarrod ay unti-unti kong inalis yung kamay ko sa pagkakahawak nya. Lumabas muna ako sa kwarto at dumiretso sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig. Mamaya ko na sya papainumin ng gamut, tulog na nga eh diba? Pagbalik sa kwarto ay sinimulan ko na syang punasan sa mukha.

Marahan kong ipinatong sa noo nito ang isa pang face towel dahil baka magising pa, aalisin ko na sana yung kamay ko ng bigla nya itong hawakan.

"Anong ginagawa mo?" babangon sana ito pero pinigilan ko.

"Wag ka munang bumangon."

"Kaya ko pa!" bigla itong napaubo.

"Weh? Di halata. Tss. humiga ka na nga lang. Wag kang makulit, laki-laki mo na eh, isip bata ka pa." Inis na sabi ko.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon