Dedicated sa kanya dahil mareklamo siyang Reader, palagi nyang sinasabi na "Embi, yan lang?" Sobrang demanding ng bwiset na yan, ang sarap nyang patayin sa totoo lang. Pero syempre palagi din siya naco-comment kaya sa kanya ko ito idededicate. Pero hindi lang yon ang dahilan, dedicated din ito sa kanya kasi malandi siya dito! Hahahaha, sobrang landi mo sa chapter na ito, promise! Pero kahit na malandi ka, gwapo ka pa rin naman, Jarrod Matthew Francisco ! xD
Salamat nga pala kay KayAnnAngingan, dahil sa kanya naalala kong mag-update!
Sawakas, pagkalipas ng maraming buwan ng pagbabawal at pagtitiis, ito na, pwede na ulit! HAHAHAHA! Nalilito ba kayo? Pakibasa na lang! xDD
Enjoy Reading! =)
=====================================================
Chapter-XXXXII
-Jarrod's POV-
ASDFGHJKL! Nasaan kana ba, Nami?!
Sa sobrang inis ay muntik ko ng mabato yung Phone ko! Fvck! Hindi siya sumasagot sa mga tawag ko, hindi nagte-text back! Kasalanan ito nung pokpok na yon!
Kahit na muntik ko ng mapatay yung Ashley na yon dahil sa basta-basta na lang nyang paghalik sakin, hindi ko pa rin nabawasan yung galit ko. Dumagdag pa yung P*****Inang mga litrato na nagkalat!
Bigla may padabog na nagbukas ng pinto.
"Kuya!"-Jaireh
"Anong kailangan mo?"
-Jaireh's POV-
"Nasisiraan kana ba talaga?! Bakit pinahanap mo sa buong campus si Nami?!"
"Baka kasi nawawala."
"Hindi siya nawawala, Kuya! Tinataguan ka nya!" hindi ko maiwasang sigawan ito. Buti na lang nandito kami sa Guidance office at kami lang ang tao.
"Exactly, kaya nga pinapahanap ko, diba?" boring na sagot nito. Lalo akong nainis dahil sa reaction nito.
"Kuya!!!! Bakit kailangan mo pang ipahanap? Anong ginagawa ng cellphone?!"
Hindi ba ito nag-iisip?! Pwede namang siya ang maghanap, papahirapan pa si Nami!
"Hindi siya nagre-reply, okay?!" =_________="""
Kinalma ko ang sarili ko dahil walang maiidulot na mabuti kung parehas kaming mainit ang ulo.
"Patigilin mo na sila, hindi mo ba naisip na ayaw ka nyang makita dahil sa... sa pakikipag halikan mo sa ibang babae!" kahit na alam kong wala itong kasalanan ay hindi ko pa ring maiwasang mainis. Imposibleng hindi niya pwedeng iwasan ang babaeng iyon! Isa siyang Gangster! Madali na para sa kanya ang umiwas kung tinangka man ng babaeng iyon na halikan siya!
"P *****Ina naman, Jaireh! Pati ba naman ikaw naniniwala?" nagulat ako dahil sa pagmumura nito, lalo na yung galit nito. Napakagat labi ako para hindi mapaiyak. Ito ang unang pagkakataong minura nya ako.
"Huwag mo akong iyakan, kung gusto mong umiyak huwag sa harap ko."
"H-hindi naman ako naniniwa eh, kaya lang kasi, bakit hindi ka umiwas?" kahit na nasasaktan ako ay hindi ko ito magawang iwan. Alam kong galit ito kaya nya lang nasasabi ang mga salitang yan ngayon. Kilala ko siya, ganito talaga siya kapag nagagalit, nawawalan na ito ng pakielam sa nararamdaman ng iba. Ang mahalaga lang ang nararamdaman nito.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. "Akala ko si Nami eh." Napakuyom ito ng kamao. "Niyakap nya ako galing sa likod ko, pagkaharap ko bigla ako nitong hinalikan!"
Lalo akong nagalit sa Ashley na iyon, malandi talaga! Ang alam ko dakilang sipsip ito sa mga magulang namin. Ilang taon na rin daw nitong hinahabol ang kuya ko.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
Storie d'amoreThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...