FL 37: Kent

5.3K 65 5
                                    

Witchy Note:

Haloo mga tao, pasensya na kung matagal ang UD, busy kami ni alien sa sari-sarili naming buhay. Ang ganda ng dahilan namin noh? ^__________^v

Ngayon ko lang nalamang wala pa lang nagpapadedicate sa chapter30 hohoho, dito pala sa chapter31 meron! xDD Dedicated ito kay SweetiePink dahil labs ko sya. Hohohoho! Lahat naman kayo labs ko! Sa tabi nga pala picture ng malanding si Nami tsaka yung asawa kong si Jarrod! Hahahaha! Ano pa nga sasabihin ko? Ayun! Nga pala bakante na ulit yung spot para sa pagiging op kay Jhake, busy op nya kaya kung sino mang may gusto mag-operate sa kanya message nyo na lang ako! Salamat! ^_________^


Enjoy Reading =)


=====================================


Chapter XXXI



"Wala ka bang balak umuwi?"



"Maaga pa."



"7:15 na, Jarrod. May pasok pa tayo bukas."


=________=



Peste talaga ang lalaking to. Akala ko naman matatahimik na buhay ko pero nang matapos kami kanina sa pagkain at nang pinauuwi ko na ito ay gumawa ito ng paraan...



-Flash Back-



"Sige, umuwe kana!" taboy ko kay Jarrod matapos kaming kumain. Tinulak-tulak ko na sya papuntang pintuan.



"Bakit ba pinapaalis mo na kaagad ako?" tanong nito habang nakakunot ang noo.



"May pupuntahan ak-"



"Saan?" tumigil ito.



"Pupunta ako ngayon kina Jastine."



"Sama ako."



"Wag n-"



Napatingin kami sa pinto ng bumukas iyon.


Si Manang.



"Oh, Jarrod. Aalis kana agad?"



"Hin-"



"Opo. Aalis na sya kasi may practice pa sila ng basketball sa school." sagot ko, para dina makaangal si Jarrod.



"Ayy, ganon ba? Sige't mag-ingat ka sa pagda-drive."



Napangiti ako dahil mukhang gumana ang pagtataboy ko dito. Pupunta ako sa bahay ni Jastine ngayon dahil namimiss na daw ako ni Kent. Nandito nap ala ang lalaking yon. Ang saya. -_______-



Akmang lalabas na si Jarrod ng biglang tumunog ang phone nito.



*Ring... ring... ring*



Kinuha nito yung phone nito. "Excuse me."



"Oh?" bungad nito sa kausap.


"Sawakas." narinig kong bulong nito nang makadaan sa harap ko habang may kakaibang ngisi sa labi.



Bakit parang may masama akong pakiramdam sa tumatawag dito.



"Ano? Hindi na tuloy yung practice?" narinig kong sabi nito dahil hindi naman ito masyadong lumayo. "Ahh. Psh, bakit naman ako magagalit na HINDI NATULOY YUNG PRACTICE? Sige, okay lang yon. Salamat sa pag-inform" nakita kong tinago na nito yung phone nya.



"Aish. Sayang naman, hindi na pala tuloy yung practice. Hindi ko tuloy alam kung saan ako pupunta ngayon." Sabi nito habang papalapit samin.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon