FL 5: Death Note

12.1K 204 38
                                    

Dahan-dahan kong binuksan yung locker ko, sana naman wala na akong matanggap na death note mula sa demonyong yon!

"Sh*t!"

"May problema ba, Nami?" napatingin ako kay Jastine at Mikee na may pagtataka sa mukha.

"Wala."

Badtip na talaga ang lalaking yon, pinadalhan nanaman nya ako ng death note. Ang nakakinis pa ay kung ano ang nakalagay sa note nito!

To: Miss Naomi Notado Mendoza,

Hello again Ms.Pakilamera, I just want to inform you again that...YOU'RE DEAD!!

Have a nice morning! Take care!

From: Handsome Demon

Oh, diba? Sino ba ang hindi maiiyamot kapag nakatanggap ka ng ganitong sulat! Sinabihan ka nang your dead tapos have a nice morning?! Kung magbigti na lang kaya ang demonyong yon para hindi lang morning ang maging nice sa akin kundi pati buong araw.

Paano ba nalaman ng lalaking yon ang buong pangalan ko? Pati surname ko sinaman nito! Ah, yeah~ ito nga pala ang anak ng may-ari ng school. Pero kahit na, wala itong karapatang halungkatin ang buong pangalan ko! Buti na lang walang natatangap na ganito si Mikee at Jastine. Nakasali na rin si Mikee sa sorority na yun. Tsk.

"Hey Nami, may problema ka ba? Ano yang hawak mong papel at halos durugin mo na?" tanong ni Mikee.

"Wala, BASURA LANG!"

"Hoy! Mamaya na kayo mag chikahan, pasok na tayo sa classroom mag istart na yung class natin!" singit ni Jastine.

Wow~ sa kanya pa talaga nanggaling, malamang tulog ang bagsak nito kasi math second first subject. Tsk.

"Mauna na muna kayo."

"Bakit saan ka pupunta?!"-Jastine

"Magpapahangin lang ako." pagsisinungaling ko.

"Magpapahangin? May hangin naman sa classroom. Limited na lang ba ang hangin sa Cemina at gusto mong magpahangin sa ibang lugar?!"-Mikee

"Saglit lang,"

Urgh. Reasons. Mag-isip ka ng pwedeng idahilan, Nami.

Psh. Ang OA naman kasi ng dalawang to. Sabagay sa lungga ako ng walangyang lalaking yon pupunta, kailangan nga nilang maging OA! Pero syempre hindi nila dapat malaman na dun ang punta ko.

"Argh, saglit lang, okay? Natatae ata ako."

Gumana ka please....

"Eeeewwwww!"

"Okay, sige bilisan mo!"

"Oo. Tsk."

Sawakas.

Ang proproblemahin ko na lang ay kung saan tumatambay si Jarrod!

-Jarrod's POV-

"Hoy Jarrod, bakit parang hindi ka mapatae?" tanong ni Jhake habang kalaban nito si Darryl sa billyard.

"Nung isang araw ka pa ganyan, may hinihintay ka ba?"-Darryl

"Huwag nyo na nga lang akong pansinin! Nasaan nga pala si Renzo?" pag-iiba ko ng usapan.

Nasan na ba ang babaeng yon? Nakalimang death note na ako hindi pa rin sya nagpapakita sakin! Kung daanin ko na lang kaya sa dahas para sya ang unang lumapit sa akin?! Hindi pwede, sayang ang kutis nya baka mabangasan kapag pinilit ko syang sumama sakin. Kung ipag-utos ko na lang sa mga kumag na ito na dalhin sya dito ng hindi sinasaktan? Ekis! Magtataka sila kapag sinabi kung huwag itong saktan!

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon