FL 39: Basted

4.2K 51 5
                                    

Witchy Note:

Hello~ alam kong matagal kayong naghintay dahil kahit ako naghintay din. Gusto ko sanang gawin tong special chapter kaya lang andami na kasing special chapter dito, hahaha! Hindi talaga dapat to yung ChapterXXXIII kaya lang nainip na ako kahihintay i-edit ni Alien yung binigay kong ChapterXXXIII kasi BUSY daw sya kaya gumawa na lang ulit ako ng bago! Hohohoho! Sa tabi nga pala si Fafa KENT! Omo! Omo!

Dedicated nga pala kay KayAnnAngingan dahil isa syang makulit na readers na nagcocomment, ganyan readers kasi ang gusto ko kaya na feel ko syang bigyan ng dedication. Salamat nga din pala sa lahat ng nagcomment sa ChapterXXXII lalong-lalo na kay ManyLabsYuu binola nya kasi ako sa bagong cover photo! ^_______^

Enjoy Reading! =)

===========================================

"Hindi ko sya kinahihiya o ang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw ko lang syang mapahamak."

-Mikee's POV-

Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah! Kutsilyo! Kutsilyo! Kutsilyo!!! Ajujujukels, ang aking mata namamaga na! Pesteng mata ito ayaw ng tumigil sa pag-iyak!

Ang sakit! Sobrang sakit lang talaga. Okay lang naman saking magmahal sya ng iba, kaya lang bakit kailangang bestfriend ko pa? Bakit?! BAAAKKKIIIITT?! Ganito na ba talaga kasama ang ugali ng dalawang author ng story na ito para parusahan ako ng ganito?! Naging masama ba ang akong character para gawin nila sakin to?!

"Mikee?" napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ang boses ni Jastine. "Hoy, bakla! Baka gusto mong buksan itong pinto, sabi ni Mama kanina ka pa daw nagkukulong sa kwarto mo." ang tinutukoy nitong Mama ay ang Mama ko, yun na kasi ang nakasanayan nilang itawag sa Mama ko. "Buksan mo nga tong pinto!" kinalampag pa nito yung pinto. Peste talaga tong bruhang to, mukhang may balak pang sirain pinto ng kwarto ko. Dahil mukhang wala talaga itong balak umalis ay pinagbuksan ko na sya ng pinto kahit na namamaga pa ang aking magandang mata.

"Ano bang kailangan mong bruha ka?! May double key naman si Mama ah, bakit kailangan mo pa akong patayuin?!" =_________=

"Sabi ng Mama mo, sirain ko na lang daw pinto mo kasi nakalimutan daw nya kung nasan yung double key. Ang totoo makikikain lang sana ako dito kaya-oh my gulay! Anong nangyari sa mata mo at lalo atang pumanget?!" sa halip na sagutin ito ay naglakad na ako papuntang kama, sumunod naman ito. "Umiyak ka ba?! Bakit ka umiyak?" tanong nanaman nito ng makaupo na kami sa kama. "May kumagat ba sayong pulang langgam?!"

"Kapag umiyak, pulang langgam agad ang sisisihin?" =________=

"Oo naman! Ang sakit kaya nilang mangagat! Kainis talaga yung mga langgam na yon, huwag kang mag-alala ipaghihiganti kita! Papatay ako ng limang kalahi niya!"

Kung sa ibang pagkakataon baka nasapok ko na ito at natawa dahil sa kalokohan nito kaya lang hindi ko magawa kahit ang ngumiti man lang.

Sobrang sakit pa rin kasi sa pakiramdam ng natuklasan ko. Ang malamang ang lalaking mahal mo ay mahal pala ang bestfriend mo, pero ang mas malupit don mukhang ako pa ang magiging dahilan kung bakit sila magiging malapit sa isa't-isa. Ajujujukels lang talaga! Tali! Tali! Penge taliiii~ yung hindi matibay para pagbibigti ko hindi ako mamatay! xD

"Mikee, ano ba talaga problema?" seryoso ng tanong ni Tine. Mukhang nahalata na nitong malaki talaga ang problema ko. "Sa pamilya mo ba? Mukhang ayos naman ang mga magulang mo ah? Inaway ka nanaman ba nung maldita mong kapatid? Sabi naman kasi sayo, hayaan mo ng mag boyfriend ng hindi kana pinagdidiskitahan."

Ang tinutukoy nito ay yung bunso kong kapatid na sagad sa buto ang kamalditahan at kalandian. Labing dalawang taon palang ang loka kong kapatid na yon pero gusto ng mag boyfriend ng gaga!

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon