Hello~ Salamat sa paghihintay!
Yung mga gustong mag OP jan message lang po kami nung chix ko~! ^___^
Makikisabi na rin kung sino gusto nyong i-Operate hindi na po pwede si Jarrod at Jhake~ Si Naomi, Mikee,Jastine, Darryl, Jaireh, etc. sila na lang po ang free, message nyo na lang kami kahit sa facebook o dito sa wattpad, Thanks! :)
-------------------> Sa tabi member ng TN~!
Dedicate sa kanya dahil sya lang yung nakatanda kung sino ba talaga si Jaireh sa buhay ni Jarrod, haha! xDD Sa Chapter IX po nabanggit na si Jaireh, hoho! :))
Enjoy Reading! :))
================================
Chapter-- XIII
---Jarrod's P.O.V---
"Fine. Whatever."
I ended the call.
Napakakulit talaga ng isang yon. Istorbo! Nananahimik ako sa headquarters namin tapos bigla na lang syang tatawag para lang istorbohin ako? Tss! Napaka arte pa, gusto ay sa rooftop kami magkita. Tsk.
"What do you want?" bungad ko ng makarating sa meeting place namin.
Humarap sya sakin at ngumiti.
"Ganyan mo ba ako sasalubungin kahit halos limang taon tayong hindi nagkita? You're so rude, Jarrod!" bigla syang sumimangot. Tss. Manang-mana talaga ito kay mama, parehas silang madrama at isip bata.
"Tigil-tigilan mo ako sa pag-e-emote mo. At ano? Jarrod?! Hoy, matuto kang gumalang. Prince Jarrod ang itawag mo sakin!"
"Hanggang ngayon ba concieted ka pa din? Haayy, pero okay lang yun, tanggap pa din kita. By the way, I miss you, Oppa!" bigla itong dumamba at yumakap sakin.
"Wag mo nga akong tawaging oppa. Oppa-kan kita jan eh!" sabi ko pero gumanti din naman ako sa pagyakap nito. Kahit naman papano, na-miss ko ang makulit kong kapatid.
She's Jaireh Maxine Francisco-my one and only younger sister. Ten years old ito ng pumunta sa ibang bansa para doon mag-aral. Isa na syang model at young actress sa south koreapero Jaireh Maxine Javier ang ginagamit nitong screen name.
Yung kay Mama ang nilalagay nyang apelyido, I tried asking her why pero isang simpleng "Dahil ayoko" lang ang sinasagot nito. Ewan ko, pero parang may iba pa syang dahilan sa hindi paggamit ng apelyido namin.
"I know you misses me too, kuya. Don't ever deny it!" she hissed.
Bakit kaya umuwe to? Potek. Isa nanamang sakit sa ulo. -____-
Napatingin ako sa pintuan ng rooftop ng mapansing may nakatayo doon. Agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Jaireh ng makilala kung sino ang tahimik na nakatingin samin.
"N-nami?"
"S-sorry, hindi ko alam na may tao pala dito." Tumango ito at tumalikod na.
I was about to follow her when Jaireh held my hand.
"Tara, sabay na tayong mag-lunch, kuya." Aya nito.
"Si Renzo na lang ang isama mo. I need to explain to Nami." Inalis ko ang pagkakakapit ng kamay nito at dali-daling tumakbo para habulin ang girlfriend ko.
---Jaireh's P.O.V---
Nakakainis! Mas uunahin pa ba ni kuya ang malanding babaeng yun kesa sakin?! Ilang taon kaming hindi nagkita tapos ganto pa?! Assaar! Kinuha ko na lang yung phone at tinawagan si Zoren.
"Oh Jai, nagkausap na ba kayo ni Jarrod?" di ko maiwasang mapangiti tuwing tatawagin ako nito ng Jai.
"Samahan mo akong mag-lunch."
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...