FL 65 : Protect HER

117 7 0
                                    

"Nami,"

Tawag ko dito pero hindi man lang ako nito nilingon. Nakatingin lang ito sa labas, nakaupo kasi ito malapit sa bintana.

Nasa guest room na ito dahil ayaw nitong manatili sa kwarto ko.

Lumipat kami sa isa sa mga Isla na pagmamay-ari ko, sinigurado kong hindi ito alam ng Lolo ko.

Jarrod's POV

Nilapag ko yung pagkain sa lamesa.

Ilang araw na ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nito kinakausap.

Sa twing dadalhan ko ito ng pagkain hindi nito kinakain, kumakain lang ito kapag hindi ako ang nagdala ng pagkain.

Ang pinapapasok lang nito ay ang nagdadala dito ng pagkain.

Alam kong hindi nanaman ito kakain dahil sakin pero gusto ko itong makita, gusto ko itong malapitan. Miss na miss ko na ito. Palagi na lang ako nakatanaw sa may pinto, minsan nalabas din ako para lang makita ito sa may bintana. Lagi lang itong nandon.

"Please talk to me," pakiusap ko pero parang wala lang itong naririnig.

Parang bumalik kami sa dati, noong panahong hindi pa kami magkakilala. Ganito rin siya noon, parang walang buhay, walang pakielam sa paligid niya.

Ang totoo, ilang araw na rin kaming nakikipaglaban, sineryoso ng Lolo ko ang banta nitong itatakwil na ako. Buti na lang matagal na siyang hindi umaasa sa pera nito kaya hindi naging problema sakin ang financial aspect ng itakwil ako nito.

Nagkaroon ng underwood war dahil sa deklara nito.

May mga pumanig samin, tulad na lang nina Hades, Medussa at iba pa, pero marami ring connection ang Lolo niya.

Ang utos nito ay patayin si Nami, ang ginagawa ko naman ngayon ay ang protektahan ito.

Nagulat ako dahil marami ang kumampi sakin hindi katulad ng inaasahan ko, naging malaking tulong ang sources ng mga magulang ni Nami.

Kahit ang grupo ni Tristan ay tumutulong samin.

Nasasaktan ako kapag bumibisita dito si Tristan, kinakausap kasi ito ni Nami. Kaya hangga't maaari ayokong palagi ito pumupunta dito.

I know I hurt her.

Maaaring tampo lang ito sakin kaya hindi ako nito kinikibo.

But I've missed her.

Mahal ako nito.

Yun ang palagi kong ipinapaalala sa sarili kapag umaakto ito sakin ng ganto at para bang bibigay na ako.

Kumuha ako ng bangko at tumapat dito. Lalo lang itong nagfocus sa labas ng bintana.

Tinitigan ko lang ito habang ito naman ay nakatingin lang sa labas.

Exhausted.

Yun ang pakiramdam ko ngayon, kaya naman kailangan ko itong makita.

Kailangan ko ng strength para sa laban na to.

"Kailangan kita."

Agad akong nakaramdam ng hiya ng masabi iyon. Basta na lang kasi iyong bumuka sa bibig ko.

Nagulat ako ng tumingin ito sakin, agad naman akong ngumiti. Nag-iwas ulit ito ng tingin.

Sobrang galak.

Para bang na-renew yung strength ko dahil sa simpleng gesture na pinakita nito.

"Rest."

Omniscient's POV

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon