Hallo~!! Salamat sa paghihinaty! ^^
New Cover, edit nung chix kong tanggap ng mukha syang Alien, sabihan ko daw ba naman sya ng Mukhang Alien araw-araw, kaya ayun natanggap na rin nya! HAHA!
Pakinggan nyo po yung Youtube sa tabi, hindi sya konektado sa story gusto ko lang pakinggan nyo ,maganda yan pramis! ♪♪Oppa Gangnam Style♪♪~! Dahil sa kantang yan ginanahan ako mag type! xD
Pinarinig sakin yan nung chix kong mukhang alien kaya na adik na ako sa kantang yan dahil muntanga lang si Psy at pikon na pikon na rin sakin yung chix ko kc super busy sya kanina pero paulit-ulit ko syang nicha-chat'an ng ♪♪Oppa Gangnam Style♪♪ at ang sinabi nya sakin "aahahahahaha. leche ka" pangalawang message ko sa kanya ng ♪♪Oppa Gangnam Style♪♪ "watev" pangatlo "wag kang magulo. xDDDD" pang-apat "sssssshhhhh!" panglima "..l.. =_=" ni f*ck you'han na nya ako kaya ayun tsaka ko lang napagtantong busy pala sya! BWHAHAHAHA! oh hala, tama na tong kabaliwan nya. [Nya talaga, hindi KO xD]
Enjoy Reading! :))
=================================
Chapter XVIII
-Naomi's POV-
"Nami!"
"Hoy, gumising ka na!"
Argh! Bakit nag-iingay yung alarm clock ko, sabado naman ah? Kinapa ko iyon at walang tingin-tinging inihagis.
"Oww! Hoy babae, bakit ka nambabato?!"
Bigla akong napabangon.
"J-jarrod? Bakit ka nandito?" napatingin ako sa hawak nitong alarm clock. Tss. Sya pala yung natamaan ko.
"Magbihis ka na."
"At baket? Wala naman tayong pasok ah."
"Sino bang may sabing papasok tayo?"
"Eh bakit ka nandito?"
"Aalis tayo."
"San tayo pupunta?"
"Kahit saan."
"Anong kahit saan?" =___=
"Ang dami mong tanong, nabo-bored ako kaya samahan mo akong maglibang."
"Bakit ako?"
"Kasi ikaw. Bilisan mong mag-ayos, hihintayin na lang kita sa baba." Pagkasabi non ay tinalikuran na nya ako at lumabas ng kwarto
Ayos talaga tong demonyong to, parang hari lang kung maka-utos. Tss. Bahala syang mag-intay magdamag. Hihiga na sana ako pero biglang bumukas ulit ang pinto.
"Kapag hindi mo ako sinamahan, sasabihin ko kay manang na tayo na."
"Teka ano-Jarrod!" lumabas na ulit ito.
Argh! Blackmailer ka talagang demonyo ka!
Kaibigan lang kasi ang pakilala ko kay Jarrod dito sa bahay, kahit gusto kong masuka habang pinapakilala ko sya.
Kahit napipilitan at tinatamad ay bumangon na rin ako.
~FAST FORWARD***
"Aray! Hinaan mo naman!" reklamo ko.
"Mahina na nga eh."
"Mahina ka jan. Namumula na hinliliit ko oh!"
Dahil wala pa kaming magawa, umupo na lang muna kami sa isang bench at naisipang maglaro. Hindi ko alam kung anong tawag sa laro namin basta ang kailangan lang gawin ay magbilang ng babae at lalaking dadaan sa harap namin.
Kung ilan ang bilang ng babaeng dadaan, ganun din ang bilang ng pitik nya sa hinliliit ko. Kung ilan naman ang lalaki ay ganun din karami ang ipipitik ko sa tenga nya.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...