"Nandito na tayo. Bumaba ka na jan, napapasarap na pagsakay mo sa sasakyan ko."
Agad akong bumalik sa reyalidad dahil sa sinabi ni Jarrod.
Huh? Nasa bahay na agad kami? Mukhang napalalim ata ang pag-iisip ko habang nasa byahe kanina.
"Salamat." Paalam ko dito. Matamlay na akong bumaba at naglakad papalayo.
Wala akong ganang makipag-away ngayon sa demonyo. -________-
"H-hoy!" nakarinig ako ng papalapit na yabag sakin.
"Nami!" pinigilan nya ako sa pamamagitan ng paghawak saking braso.
"Bakit?"
"Ano bang problema?! Kanina pa kita kinakausa pero para kang walang naririnig! Bakit ka ba nagkakaganyan? Anong nangyari sayo?"
"W-wala... Wala akong problema." I cleared my throat. "Teka, ano bang pakialam mong lalaki ka?! Pwede ba, lubay-lubayan mo ako. Utang na loob, gabi na! Baka malate pa ako ng gising bukas!" Bigla syang ngumisi sa pagtataray ko.
Adik ba to? Kanina lang galit na galit tapos ngayon parang asong ulol sa pagkakangisi. Bi-po-lar.
"Buti naman bumalik na si Nami." nakangisi pa din nyang sabi.
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Kanina kasi ang tahimik mo. Hindi ako sanay ng ganun. Namiss ko tuloy bigla ang mataray kong girlfriend."
Dafuq? Ano bang natira nito? I gave him a what-the-eff-are-you-saying look.
"A-ah... Ano..." para syang biglang natauhan. "Ang ibig kong sabihin, magsalita ka naman pag kinakausap kita! Wag kang bastos na hindi na lang naimik! Gusto mong i-kick out ko talaga kayo ng tropa mo sa eskwelahan ko?! Tsk!"
Grabe~ Lagi nalang pinananakot ang pagkick-out samin.
"Okay. Sabi mo eh." nagkibit balikat na lang ako at tinalikuran sya pero nagulat ako nang hawakan nya ako sa magkabilang balikat at iharap.
"H-hoy! Tanggalin mo nga yan!" sinubukan kong alisin ang mga kamay nito.
"Tss. Pwede ba? Nasa usapan natin to kaya wag kang umangal dyan." Nagulat ako ng mabilis nyang halikan ang aking labi. Inirapan ko sya pero parang nakakaloko at nakangiti lang sya sakin with matching peace sign. Shet. Ambading.
Pero bakit ba hinahayan kong gawin niya to sakin?
"Susunduin kita bukas, kaya agahan mo ang gising!" Umalis na ito. Sinundan ko naman ng tingin ang kotse nitong unti-unting nawawala na sa paningin ko.
Be happy or live in misery? Make a choice, Nami.
Argh. Bakit ba paulit-ulit sa isipan ko yon? Tss. Gagawin ko ba? Pero wala namang malaking kasalanan sakin si Jarrod para gawin ko yon. Mali. Wrong. Ekis. Fail! Malaking kamalian kung susundin ko siya! Pero kailangan kong sundin ang utos ni Dawn.
FLASHBACK~
"Excuse us for a while. Nami, can you accompany me?"
Nagulat ako sa sinabi ni Dawn. I looked at Jarrod to seek for his permission kahit alam kong hindi sya papayag. Pero nagkamali ako. Tumango sya at hinayaan akong sumama. Akala ko ay sa rest room ang punta namin pero lumiko si Dawn sa malaking swimming pool na nasa labas ng hotel.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...