FL 3: Alarm Clock

13.6K 224 25
                                    

"Nami, Baby, wake up na!"

"Nami, gising na! Male-late na tayo!"

"Hoy Nami, may pasok pa tayo! Baka malate ka kay Sir Virus! Hala ka!"

"Nami, bumangon ka na dyan. La-"

*Booooggggsssshhh!!!!*

Nagshoot yung alarm clock ko dun sa trash bin malapit sakin.

Yeah~ alarm clock yon.

Bigay sakin ni Jastine at Mikee para hindi na DAW ako malate sa pagpasok. Yung mga nakakairitang boses? Sila din yon. Ini-set nila na alarm tone para daw maging maganda ang gising ko.

Nice, no? Agang-aga, nakaka-aburido na agad. Tsk.

Tiningnan ko yung orasan, 5:01am. Argh, 7:30 pa ang pasok namin pero kailangan kong bumangon para lang hindi masumbatan nung dalawa at masermonan na nalate nanaman ako.

Kapag kasi naglelate ako pinagdadramahan nila ako na sayang naman daw yung gift nila at pagrerecord kung palagi lang din akong malelate. Para namang hiniling kong regaluhan nila ako ng halimaw na alarm clock.

Aish. Pagdumikit nga naman sayo ang dalawang malas. =________=

-CeminaUniversity-

"Good morning, Nami!"

"Good morning po, Ate Nami!"

"Hello Nami!"

Binati ako nung mga nakasalubong ko, mga 2nd HS student ata sila.

Sa totoo lang, marami silang FC sakin [Feeling Close]. Siguro dahil MAGANDA ako? Oo, dahil lang sa maganda ako kaya nila ako binabati. Imposible namang dahil sa ugali ko, diba? Tsk. Ewan ko ba kung nasanay na sila sa pang-isnob ko sa pagbati nila o talagang nananadya na ang mga yon sa araw-araw na pagpapansin sakin.

"Nami Bebii! Good moooorrrrnnniiiiiiing!" bati sakin ni Jastine, hindi ko naman ito nilingon. Naramdaman ko na lang na sumasabay na sya sa paglalakad sakin.

"Nami, sabi ko good morning!" ^____^ v

"Morning din." wala ako sa mood para maging kasing saya nya. Araw-araw akong gumigising ng maaga para lang sa ikaliligaya nila. Tsk.

Nakita ko yung paglungkot ng expression nya pero agad din nito iyong pinalis at nagpatuloy sa pagsabay sakin.

"Hello Nami, Jastine! Good morning!" bati samin nung isang 3rd year na ni hindi ko man lang alam kung ano ang pangalan.

"Hi! Good morning din!" parang batang nakakita ng kalaro si Jastine. Wagas lang ang ngiti.

Minsan iniisip ko kung saan nagmana ng ka-hyper-an si Jastine. Matino naman ang parents at kapatid nya, sadyang sya lang ang ipinanganak na maluwag ang turnilyo.

Sa totoo lang, minsan naiingit ako sa kanya. Sana kaya ko ring ngumiti ng ganun. Sana kaya ko ring ngumiti na para bang isang bata na binigyan ng isang kahon ng chocolates at candies.

Sana magawa ko ring ngumiti ulit ng ganon...

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo. Wag ka ngang masyadong magpakastress, tatanda ka agad nyan. Sayang ang beauty mo, teh!" bumalik ako sa realidad.

Napatingin ako dito, nakatingin at nakangiti nanaman sakin.

"Tss. Ang kulet mo talaga."

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon