FL 17: JEEP

8.1K 133 26
                                    

Hello~! ^____________^

Ang saya ko, halata naman diba? at dahil masaya ako nag-update ako ngayon ! hoho~

Ohsya inyong i-enjoy itong update namin kahit pangit haha ! xD

Picture nung mga malalanding babaeng Characters namin. Haha! ------->

Enjoy Reading! :)

========================

Chapter XIV

"Hahaha!!"

---Naomi's P.O.V---

"Nang-aasar ka ba?" inis na tanong ko dito.

Inilayo na nya ang mukha sakin.

"Nakakatuwa kasi yung reaksyon mo! Haha!" tawa pa rin sya ng tawa. -_____-""

"Tumigil ka na nga. Para kang sira."

"Paano kung ayaw ko?" panghahamon nito.

"Edi sasabihin ko na lang sa lahat na nandito na nagkukunwari lang tayo para matapos na to!" I hissed.

Kisapmatang nagbago ang expression ng mukha nito at naging sobrang seryoso.

"Wag mo yang gagawin!"

"Edi wag kang tumawa."

"Okay, fine! Masyado ka namang pikon."

Tss. Kabadtrip talaga ang lalaking to. =____=

~Fast Forward*


"Galit ka ba?"

Hindi ko ito pinansin.

"Nami," itinigil nito ang sasakyan. "Dahil ba sa panggu-goodtime ko kanina?"

"Hindi..."

"Eh ano? Bakit hindi mo ako iniimikan." Hindi ko pinansin ang sinabi nito.

"Pwede bang mag-jeep na lang ako pauwi?"

"H-ha? Ano yon?"

Tss. Kainis naman ang lalaking to, napaka-ignorante, jeep lang hindi pa nya alam? Iba talaga pag-anak mayaman.

---Jarrod's P.O.V---

"Teka nga lang." hinawakan ko ang braso ni Nami ng akmang lalabas na ito sa kotse ko.

"Bakit?"

"Ihahatid na kita."

"Wag na, kayang kong umuwe mag-isa."

Bakit ba namumutla sya?

"Ang kulit mo. Sabing ihahatid kita eh."

"Please, Jarrod, magje-jeep na lang ako." Ayan nanaman yung Please nya. Tss. Bakit ba kapag nagplease na sakin ang babaeng to, piling ko kahit anong hilingin o ipagawa nya sakin gagawin ko para sa kanya. >___>

"Bakit ba kasi?"

"Ano kasi... m-may phobia ako sa pagsakay sa kotse."

"H-ha?"

"Something happened when I was 7yrs old, namatay ang mga magulang ko dahil sa isang car accident. Since then, natatakot na akong sumakay sa kotse."

"Pero sumakay ka na sa kotse ko nung ipinakilala kita sa parents ko diba?"

Teka...

Bigla kong naalala ang pananahimik nito nuon nang ihatid ko sya sa bahay galing sa condo ko pati na rin nang sunduin ko ito para pumunta sa party. Para syang lutang at malalim ang iniisip nang mga oras na yon. Kung ganon, yun pala ang dahilan ng pananahimik nya lagi tuwing nasa kotse kami.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon