FL 55: Possessive Girlfriend

168 8 0
                                    

"Hoy, babae!"

"Ha? Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko samahan mo ako sa pagbili ng Tuxedo para sa JS Prom. Ano bang iniisip mo?"

"Wala."

Pagsisisnungaling ko. Ang totoo nung isang araw pa ako nababagabag sa sinabi ni Dawn. Hindi ko akalain na alam nito kung saan ako nakatira. Pinaalala nanaman nito ang usapan namin...

"Once na sabihin ni Jarrod ang three magical words, malaya ka na."

"Three magical words?"

"I love you."

WHAT?! Imposibleng sabihin niya yon! Tsaka malaya na ako? Akala ko ba dalawa ang pinapagawa nito sakin?

"Remember our deal? Make him fall for you, though he's not saying it, his action are too obvious."

"Napakaimposible ng pinapagawa mo--"

"Still in denial about him falling in love with you? That's why I want you to hear it from him." she laughed coldly.

Natahimik ako.

"Remember that you need to do two things to win?" she gave me a creepy grin.

Ayoko talaga sa babaeng ito! Bakit ba hinahayaan mong paglaruan ka ng babaeng to, Nami?!

Because of your parents, Nami! Right. And Tristan! Tristan? Yeah, Tristan. Kailangan ko siyang makita!

Hindi ko alam kung paano nasabi ni Dawn na posibleng mahalain ako ni Jarrod pero kung ito ang nakikita niya wala akong pakielam ,maaaring bulag lang ito. Imposibleng mahalin ako ni Jarrod, period.

Nananatili lang siya sakin dahil may gusto itong malaman, hindi ko alam kung ano yon pero okay na yon sakin atleast k-kasama ko pa rin ito. Ayokong magsinungaling kahit sa sarili ko, nang bigla itong mawala ng isang linggo meron akong narealize... mahalaga na ito sakin.

Dati umiikot lang ang buhay ko sa parents ko, kay Manang, Jastine, Mikee at Tristan. Pero nang dumating ito nagbago na ang lahat, walang taong ibang nakakapasok sa mundo ko kahit may mga taong sinubukan iyong gawin dahil ayoko pero iba si Jarrod. Hindi lang ito basta pumasok sa buhay ko, ginulo pa nito iyon. Kaguluhang kahit ako nakakasanayan ko ng tirhan at para bang may kulang kung tatahimik ito.

Gusto ko na ring matapos ang deal namin ni Dawn, ayokong isipin ni Jarrod na ginagamit ko lang siya kung sakaling malaman nito ang deal namin ni Dawn.

Ang sabi ni Dawn nahuhulog na sakin si Jarrod, kahit hindi pa rin ako makapaniwala okay lang, atleast yun ang tingin nito. Ang mahalaga lang naman ay kung ano ang sa palagay nito, at least isang bagay na lang ang kailangan kong gawin para manalo, para tapos na ang kaokohang ito.

"What's the second thing that--" hindi ako nito pinatapos at unti-unting lumapit sakin.

"Break-up with him." bulong nito.

Nakaalis na ito pero nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko.

Kaya pala nito sinabing malaya na ako kapag sinabi na ni Jarrod ang three magical words na iyon. Dahil don na rin matatapos ang lahat saming dalawa.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon