Okay, dahil kilig na kilig ako sa mga comments nyo at dahil na rin mahal na mahal ko kayo, ngayon lang ako mag-a-update! Unang-una sa lahat, abala ako sa pag-aasikaso sa school, pero syempre mas higit na kadahilanan ang katamaran ko kung bakit matagal ang update! Pasensiya na pooo. ^^V
Dedicated kay Binbau24 dahil ang cute nung name niya, pero syempre ang totoo, nabanu lang ako dahil lalaki pala siya, banu ako sa mga lalaking readers eh! xD
Isa pa pala, para mas mukhang humahaba ito, babalik na si ALIEN, sa mga hindi siya kilala, siya po yung kaco-author ko ditong si SECONDARYJAZZ. Iniwan niya kasi ako nitong mga nakaraang update sa kadahilanang lumalandi siya, broken hearted siya ngayon kaya bumalik na siya! Thanks GOD. ^^
Enjoy Reading! =)
==================================================
Chapter-XXXXIV
-Renzo's POV-
"Anong gagawin natin sa kanya, Roku?" tanong ni Darryl kay Jarrod.
Codename ni Jarrod ang tinawag ni Darryl dito. CD ang gamit namin kapag seryosong bagay at kapag involve ang pagiging Gangster namin sa usapan.
"Bakit ba masyado tayong seryoso sa bagay na ito? Pinaglalaruan lang naman siya ni Jarrod."-Jhake
"Sayo pa talaga nanggaling yan."
"Pwede ba, tama na ang pagpapanggap. Simula pa lang alam na nating naglalaro lang tayo."
"Paano si Jastine?" tanong ni Darryl
"Anong paano siya? Pinaglalaruan ko lang din siya."
" Si Mikee?" tanong ko naman dito. Nitong mga nakaraang linggo ay mas nagting malapit ito sa babaeng yon. "Paglalaro lang din ba ang sa kanya?" Hamon ko.
"Bwhahahahahaha! Nagpapatawa ka ba, Go(Renzo)? Joke ba yang tanong mo?" sumeryoso ito. "Laruan lang lahat ng babae."
"Gumagaling na ata ngayon ang acting mo, Ju(Jhake), pati si Renzo napaniwala mo. Hahahahaha!" parang baliw na tawa ni Darryl.
Partner-yan si Darryl at Jhake, sa lahat ng bagay ay nagkakasundo sila, lalo na kung pabor sa kanilang dalawa ang napagkakasunduan nilang gawin. Isa na don ang panloloko kay Mikee at Jastine. Akala ko naman sa pagkakataong ito ay seryoso na sila. Tss.
Napalingon ako kay Jarrod na kanina pa tahimik, simula ng kausapin kami ng Lolo nito ay nagkaganyan na siya. Parang nagkaroon na ito ng sariling mundo. Tulad ng inaasahan, nalaman na ng matandang yon ang tungkol kay Nami at kay Jarrod. Halos mamula na ang buong mukha nito sa sobrang galit. Pinaulanan kami nito ng mura lalo na si Jarrod, hindi pa ito nakuntento at sinaktan pa ito. Puro sugat siya sa mukha maging ang katawan nito, kapag ang Lolo na ni Jarrod ang kaharap namin ay wala kaming karapatang lumaban, kamatayan ang katumbas non. Wala ring ni isa man lang samin ang naglakas ng loob magpaliwanag, hindi rin naman kasi ito makikinig. Hindi ito tumatanggap ng pagkakamali at paliwanag.
"Anong plano mo, Jarrod?" untag ko dito.
Hindi lang naging Leader namin si Jarrod dahil lang malakas ito, hindi man halata sa kanya pero matalino talaga ito. Siya ang palaging nagpla-plano ng lahat ng gagawin namin. Sa lahat ng plano nito-niisa man don ay walang pumalpak. Pero sa pagkakataong ito, kinakabahan akong magkamali siya. Kahit na walang awa ang Lolo ni Jarrod, palagi rin itong tama, siguro yun na rin ang kadahilanan kung bakit hindi ito tumatanggap ng opinyon sa iba.
Pagkatapos nitong ibaling kay Jarrod ang galit nito ay inutos nitong hiwalayan si Nami. Magiging kahinaan lang daw nito iyon, maging ang grupong TN ay magiging mahina ng dahil kay Nami.
BINABASA MO ANG
FORBIDDEN LOVE (COMPLETED)
RomanceThis story is about a mysterious girl who whishes that she just never existed in this world of pain. She considered herself as a tramp in this world. A tramp who's afraid to be loved and to be in love again. But what if this mysterious girl met this...