FL 59: I hate you

150 10 0
                                    

Enjoy Reading! :D

FL 59: I hate you

Bakas ang sobrang pagkagulat ni Nami ng makita si Jarrod sa labas ng bahay nila.

Halos dalawang linggo na itong hindi napasok kaya hindi na niya ito nakausap.

"A-anong ginagawa mo dito?"

Nanatili lang si Jarrod na nakatitig dito na lalong ikanailang ni Nami.

Bakit siya nandito? Tanong ni Nami sa sarili.

"K-kung wala kang sasabihin p-papasok na ako." nagmadali na itong lampasan ito pero agad nitong hinawakan ang braso niya, hindi naman niya natago ang pagkirot.

"Bakit ka may pasa?"

"H-ha? A-ahh... nadapa ako... sa banyo, madulas kasi..." hindi ito makatingin kay Jarrod.

"Nadapa ka dahil madulas?" may pagdududang tanong nito.

"Oo! Oo! Kailangan ko--"

"Sinong may gawa sayo nito?!"

"Ja--" napatigil siya sa pagbigkas sa pangalan nito dahil sa naalalang sinabi ni Jarrod.

"Huwag mong bigkasin sa sinungaling mong bibig ang pangalan ko!"

Muli naramdaman niya yung sakit na para bang iyon ang unang beses na narinig niya ito.

"Nami!" bakas ang galit sa mukha nito. Bakit ito nag-aalala?

Napakagat siya sa labi para pigilang umiyak.

Ang totoo sa loob ng dalawang linggo puro pambubully ang naranasan niya, hindi ito alam nina Jastine at Mikee dahil tinatago niya ang mga pasa niya sa katawan kaya palagi siyang naka-long sleeves. Kapag wala siyang kasamang kaibigan, doon sinusubukan nung mga babaeng may gusto kay Jarrod ang pananakit sa kanya, pero higit sa physical mas masakit ang mga sinasabi ng mga ito sa kanya dahil alam niyang totoo ang mga iyon.

Isa siyang manggagamit... manloloko... walang kwenta... b****, desperada... madumi... sinungaling... dahil sinaktan niya si Jarrod.

Agad niyang binawi ang braso dito.

"Okay lang ako-- ouch!" bigla kasi itong humawak sa balikat niya.

"Ano naman ang nangyari dyan?! Nadulas ka ulit?! Sinasaktan ka ba sa school?!"

"Hindi! Hindi! Okay lang ako! P-please... diba ayaw mo na akong makita? U-umalis kana...." gusto niyang magpaliwanag dito pero hindi sa ganito niyang kalagayan. Ayaw niyang malaman nito ang nangyari sa kanya sa loob ng dalawang linggo.

Naikuyom ni Jarrod ang kanyang mga kamay.

"Magbabayad sil--"

"Huwag!" hinawakan nito ito sa braso para pigilan pero agad ding napabitaw dito.

"Sorry, sorry."

"Ang dumi mo, huwag mo akong hawakan." muli, naalala niyang sabi ng lalaki sa kanya.

"Nami," agad siyang lumayo ng magtangka itong hawakan siya.

"Please, umalis kana." binilisan na niyang maglakad papasok.

"I miss you." kusang tumigil ang kanyang mga paa.

Naramdaman na lang niya ang pagyakap nito sa kanyang likuran, don na tuluyang pumatak ang mga luha niya.

"Sshhh... sshhh..."

Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak.

Miss na miss na niya ito... sobra. Ang pang-aasar nito, ang paggising nito sa kanya twing umaga para pumasok... ang paghatid-sundo nito, ang ngiti nito, ang panggugulo nito sa buhok ko... ang pagtawag nito sa pangalan ko... pagtawag niya sakin ng 'babae', ang pag-aalala nito, ang galit nito kapag nasasaktan ako... lahat... ang buong pagkatao nito ay sobra na niyang namimiss.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon