FL 44: Back Hug

3.7K 69 21
                                    

W/N:

Okay, hindi na ako makapaghintay mag-update dahil mukhang aabutin tayo ng pasko kung hihintayin ko pa yung 50 Votes! xD Para ito sa lahat ng naghihintay! Dedicated nga pala ito sa kanya dahil sya yung unang nagcomment don sa Chapter37! Salamat nga pala sa mga nacocomment, please ipagpatuloy nyo lang yan para ganahan akong mag-update! =)

Enjoy Reading! =)

============================================================

Chapter-XXXVIII

Nagising ako dahil sa naririnig na umuungol. Napatingin ako kay Nami dahil dito nanggagaling yung ungol. Agad akong bumangon at pinuntahan ito sa kama nito.

Gabi na rin kasi akong nagising kanina kaya hindi na ako nakauwi pa, tulog na rin si Nami non. Binigyan na lang ako ni Manang ng panlatag dito sa lapag, ang sama daw kasing tingnan kung maglalapit kami sa isang kama. Pumayag na lang ako kesa sa magmaneho pa ako ng gabi, nakakatamad.

Hinawakan ko ang noo nito, ang init-init niyon. Akmang aalis na ako para tawagin si Manang ng umungol ulit ito. Nanginginig pa ito.

Sh*t! Ano bang dapat kong gawin? Wala akong alam sa ganito. Kapag naman tinawag ko lang si Manang mula sa kwarto ni Nami hindi ako nito rinig.

"Nami?" tawag ko dito para gisingin, natatakot akong tapikin sya. Baka kasi mas sumama pakiramdam nito. "Nami? Nami?!"

"J-jarrod..." mahinang tawag nito sa pangalan ko.

"Saglit lang, Nami. Tatawagin ko lang si Manang."

"H-huwag kang aalis! Huwag mo akong iiwan!"

"Pero-"

"P-please..."

"Okay, okay. Dito lang ako."

Wala na akong nagawa kundi lapitan ito sa kama at yakapin na lang ito. Tss. Bahala na! Binalot ko na lang din ang katawan namin sa kumot kahit na nababanasan ako dahil don. Buti na lang medyo makapal ang kumot na gamit ngayon ni Nami. Unti-unti namang nawawala ang panginginig nito.

Napangiti ako. Nakakabading mang aminin pero ang sarap pala sa pakiramdam na ako ang hinahanap nito, na pangalan ko ang binabanggit nya sa mga ganitong panahon at hindi ibang lalaki. Ang sarap pala sa pakiramdam na ako ang kailangan nya. Langya! Nakakabading palang magkagirlfriend. Break-in ko na kaya ito? Nah. Napatingin ako sa mukha nito.

"Hindi pa pwede, hindi kami maghihiwalay hangga't hindi pa ako nagsasawang pagmasdan ang mukha nito at mukhang matatagalan pa iyon."

-Naomi's POV-

Nagising ako dahil sa kabanasan, pagmulat ko ay mukha agad ni Jarrod ang bumungad sakin. Nailang ako dahil sobrang lapit nito sa mukha ko. Babangon na sana ako kaya lang napagtanto kong nakayakap pala ito sakin ng mahigpit, maging ako dito. Agad ko namang tinanggal ang pagkakayakap ko dito.

Hindi ko alam kung anong gagawin. Gigisingin ko ba ito? Kaya lang mukhang puyat sya, sa pagkakatanda ko kagabi ay nakaramdam ako ng sobrang kalamigan pagkatapos narinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. Akala ko panaginip lang, kung ganon hinintay nya pa akong makatulog? Pero, bakit... hindi sya umuwe?! Bakit magkalapit kami?! >_______<!!!!

Muli ko itong tiningnan, mukhang puyat na puyat talaga ito. Mas pinili ko na lang hayaaan itong matulog. Sa palagay ko ay maayos na ang pakiramdam ko, ramdam ko ang kabanasan dahil sa kumot na nakabalot samin, dumagdag pa ang bigat ng braso ni Jarrod, pero mas magaan ang pakiramdam ko kapag malapit ito sakin. Kapag malapit ako sa kanya.

Nang gumalaw ito ay napapitkit ako bigla, baka kasi kung ano pang isipin nito at asarin pa akong tinititigan ko sya. Akala ko ay gigisingin na nya ako pero naramdaman ko ang maingat na pag-alis nito sa kumot na nakabalot samin. Pagkalipas ng ilang sandaling hindi ito kumikibo ay nailing na ako dahil piling ko tinititigan nya lang ako kaya minulat ko na ang mata ko at tama ako, nakatitig nga ito sakin. Bakit ba ang hilig nitong titigian ako? Tss. Pero mas nakakailang palang minulat ko ang mga mata ko. Para kaming sirang nakatitig lang sa isa't-isa tapos ang seryoso pa ng mukha nito, walang emosyon ang mga mata nito kaya hindi ko nanaman mabasa kung ano ang iniisip nito.

FORBIDDEN LOVE (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon