FAITH
Kanina ko pa ginagala ang mga mata ko kasabay ng paghabol ko sa hininga ko. Para bang laging may nanonood sa akin sa labas at loob ng bahay namin.
The first time I experienced it is when I came from the movie theater. Hindi ko na sinabi kay Mitzy dahil baka guni-guni lang iyon. The second time ay may humintong van sa kalsada. Ramdam ko ang titig galing sa passenger seat nito. Though, sanay na ako dahil ganoon naman ang nakukuha ako araw-araw dahil sa itsura ko.
But this time it is heavy and dangerous.
Dapat nakinig na lang ako kay Tita Thalia bago umalis! E, 'di sana wala ako sa ganitong sitwasyon—parang baliw na palinga-linga sa paligid.
"Shoot!—okay lang ako."
"Miss tumingin ka nga sa dinadaanan mo! "
Nabangga ko ang isang pares ng babae at lalaki sa sidewalk. Tumapon ang kapeng hawak ng lalaki sa damit nito at namantyahan ang puting polong suot.
"I'm sorry! Pasensya na nagmamadali kasi ako," nanlulumo kong hingi ng tawad. I want to wipe it with wet tissue pero nagmamadali na talaga ako.
Tumingin ang babae sa mga mata ko, "Ako dapat ang humingi ng pasensya. Napahiya ka tuloy," ani nito, "Sorry ulit."
"By let's go," akbay sa kanya ng lalaki.
Kanina ay galit siya ah! Ngayon humingi siya ng patawad sa akin. This is normal and scary at the same time. Ganito ang nangyayari tuwing tumitingin sila sa mga mata ko. I used to cover it up with contact lenses kaso walang epekto.
Humahangos akong sumakay ng tricycle papasok sa village namin. Mahal ang pamasahe pero bahala na. Kailangan kong makauwi agad. Kanina pa din kasi tunog ng tunog ang cellphone ko sa handbag.
Tita Lia
12 missed calls. 7 messages.Mitzy
5 missed calls. 2 messages.Kakabasa ko lang sa nakalagay sa notification bar. Hindi ko magamit ang finger print dahil nanginginig ang kamay ko. My phone almost locked kung hindi pa tumawag si Tita!
"Hell—"
[Faith! Bakit ka lumabas?! Papatayin mo ako sa takot! Kanina pa ako tumatawag sa iyo. Mauubos na din ang load ko kakatext!] pahisterya niyang sabi.
"P-pasensya na Tita. May tinignan lang ako sa mall," paliwanag ko.
[Alam mo namang madaming nawawala ngayon. Didn't you watch the news? Diyos ko kang bata ka. Nako malilintikan ako sa mama mo!]
"Eto na po malapit na. Bye Tita. I love you!"
Nakikita ko na ang gate pero biglang lumiko ang sinasakyan kong tricycle. "Manong lumagpas na po. Sa kabilang street po ako bababa," kinakabahan kong sabi ko.
Hindi niya siguro narinig ang sinabi ko kaya nilakasan ko pa ang boses ko, "Manong sa kabilang street po!"
Lumakas ang kabog sa dibdib ko noong hindi ko na alam kung saan kami napadpad. Padilim na ng padilim ang dinadaanan namin.
Jump! The voice inside my head says. Mabilis ang tric kaya takot akong tumalon. Kusa nang tumulo ang luha ko noong nakita ko ang itsura ng driver. It freaks me out. Lalo akong nagpanic.
He has a corporeal form. His scent is making me gag. Amoy bangkay ito at nangingitim ang ibang parte ng balat niya.
I have no choice but to jump. Masyado ng malayo ang tinatahak naming daan.
I held my breath and jumped kahit mabilis ang takbo ng tricycle. Sigurado akong sa bilis nito ay hindi ako napapansin kapag wala na ako sa upuan.
"Ah! Ugh..."
Gumulong ako sa konkretong daan hanggang sa makapagtago ako. Noong nawala na ang sinakyan ko ay saka ako lumabas. I feel pain all over my knees, elbow, and shoulders. Pati yata ang balakang ko ay may sugat. Dumudugo ang gasgas ko sa tuhod, at braso. May kaunti din gasgas sa panga ko. Basa din ang itaas ng kanang kilay ko. Pinilit kong tumayo at maglakad ng kahit masakit ang bukong-bukong ko. Naiiyak na ako sa hapdi pero kinaya ko hanggang sa makakita ng patrol sa malayo.
"TULONG!" iyak ko. "TULUNGAN NIYO PO AKO!"
I did not stop hanggang sa mapansin nila ako. Dalawa sila—ang isa ay rumaradyo habang ang isa ay lumingon sa akin at lumapit.
"Neng anong nangyari sa'yo?" tanong nito noong makita akong puro galos.
"M-may gusto pong kumidnap sa akin..." hagulgol ko.
"Paulo! Mamaya na iyan hatid muna natin ito sa Barangay," tawag niya sa kasama. "Saan ka ba nakatira? Gagamutin muna sa Health Centre yung mga sugat mo," paliwanag niya sa akin.
"Diadem... street po."
Luckily, bukas pa ang center at may nurse pa sa loob. Iniwan kami ni Mang Mario—yung kasama ni Paulo—sa clinic. Dinisinfect ng nurse ang mga sugat ko bago tapalan. Nilagyan din ng band-aid ang sugat sa taas ng kilay ko.
"Salamat po!" tumayo na ako at nagpaalam.
"Ingat ka Faith," sabi niya bago tumalikod sa akin. Tinago na niya ang first aid kit sa office.
Nanlaki ang mga mata ko bago makalabas ng clinic. How did she know my name? I didn't even mention it to her. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil masakit ang panga ko.
"How did you—"
Akala ko makakauwi na ako ng ligtas. But I didn't know that that driver will track me down. Naririnig ko ang mga sigawan ng mga tanod sa labas. Tinakpan ko ang tenga ko para hindi sila marinig.
What is happening? Bakit ganito?
I control my breathing and tried calming myself. Noong wala na akong marinig ay lumabas na ako at mabilis na tumakbo. Kanina pa ako tumatakbo pero wala naman akong pupuntahan.
Tinakpan ko ang bibig ko at nagtago sa likod ng pader. Dumoble ang kaba ko sa dilim at katahimikan. My breathing and flow of blood are the only things I hear. Another couple of footsteps are coming towards this direction. Basang-basa na ng mga luha ko ang kaninang tuyong pisngi. My knees and elbow throbs in pain.
I'm sorry, Tita... Dapat nakinig na lang ako sa'yo. Dapat hindi na ako umalis ng bahay.
"Faith? Asan ka? Anak!"
Boses ni Tita iyon! Malapit lang sa akin. Paano niya ako nahanap?
Two voices bring my system on fire. Hoarse and human-like. But their faces are of a monster and a human's. They lick their lips and their eyes full of hunger.
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...