FAITH
"She does not belong here."
Sabi ng Principal or Guidance Councilor nila dito. Labas-pasok din si Kierra sa opisina. Para siyang kapit-bahay namin noon tuwing pinapagalitan ako ni Tita. Umaaligid sa harap ng gate namin kunwari may binibili pero sumisilip sa loob ng bahay.
I give her a glare at hindi na siya pumasok sa loob.
"Vera pinaalam mo na ba kay Atheo na nandito na kayo?" she ask her.
"Yes, Orphne. Ipapadala daw po niya si Odigo kapag hindi nalaman ang deity niya ngayong araw," paliwanag niya.
"Faith is your name, right?" lumambot ang tingin niya sa akin. Para akong batang nawawala na napunta sa help desk ng mall.
Totoo namang nawawala ako... Nawawala ang identity ko. Ang sarili ko. Kahit ang plano kong tumakas nawala na din.
Congratulations Faith! you're now one of the weirdos.
"Opo. Ano po ba ang lugar na ito? Gusto ko na pong umuwi," sagot ko sa kanya.
"We can't let you roam in the mortal realms. I think you know your ability's awake. Hindi mo ba napapansin ang mga reaksyon ng mga nakapaligid sa'yo?"
Ability? Alin? Tuwing nagbabago ang reaction ng mga tao kapag natingin sa mga mata ko? Noong nagkagulo sila Summer bago kami umalis ng village? I'm calling it a curse not an ability.
Mukhang na-i-kwento na din nila ang nangyari noon. They are ask to report dahil pinuntahan pa kami noong Kierra sa dorm nila.
He glances at me. The corner of his lips rose for a bit. "I knew it! She is not a chtonic God's child. Her feature does not but her attitude sure does," pang-iinsulto niya.
"Alam ko naman na hindi ka matapang. You can use your words against me but I won't crumble that easily!" patol ko sa kanya. I give him a glare while pursing my lips.
"Your ability will not work, Miss. I am the son of Minos. You can try our bond but not our emotion. Understand?" He said seriously staring back at me.
Totoo ang sinabi niya. I changed their bond once but I can't shake his emotion like anyone else. Kahit si Summer. Si Vera kaya tatablan?
"Don't try to escape either. Souls flock this place. They will be your guards if you try to leave," dagdag niya.
Natahimik naman sina Vera at Summer. Orphne—the person-in-charge—massages the bridge of her nose. Napabuntong hininga siya sa narinig sa aming dalawa.
Nararamdaman ko din ang pagkatuwa sa kabilang panig ng pinto. Her wicked presence is annoying.
Walang pasabi kong binuksan ang pinto. Kierra's body slumped and glass without water broke on the floor. Tumingin muna siya sa paanan ko bago i-angat ang mata sa akin.
"Chismosa!" I spat at her.
Umiwas ito ng tingin sa takot. Nanginginig na ang kaninang matapang na mata. I can feel her fear in the space between us. I am looking down on her habang hindi siya nakakabawi sa pagkakadapa.
"Let her rest. She's in still stunned..." utos niya sa kanila. Naging seryoso ang tono niya noong tawagin ang babae sa harap ko, "Keirra. Clean that mess and sort this files.... Alphabetically. Don't leave the office until you are done," Two stacks of files were to be placed on her table galing kay Orphne. She groans but recieves a glare from her.
She mouthed "Bitch" at me. Noong binuhat niya ang mga papel ay patago kong pinatid ang paa niya. Na-out of balance siya at kumalat ang mga ito. Umiiling akong lumabas kasunod nila. I hear her frustrated screams from inside.
Noong gumabi na ay wala pa din nangyari. Nakatitig lang ako sa kisame. Wala din akong ganang kumain. I fell asleep and wake up early.
"Good morning!" bati ni Vera.
I yawned, "Morning."
"Fix yourself. Papunta na si Odigo para sunduin ka," she smiles behind the cup of tea. "Pinagluto kita ng breakfast."
"Where's Summer?" tanong ko pagkakagat sa toasted na may itlog sa gitna. A cup of warm tea is beside the plate.
"Training with Tyrone. Babalik din iyon para maihatid ka namin sa labas," she sips her tea.
I stare at her, "Why? Aalis ulit kayo?"
"Yeah. To rescue more demigods," usal niya.
"Demigods?" my brows knit together.
"You'll learn a lot in our camp. This is a school for the children of Underworld deities kaya kaunti lang ang libro tungkol sa Olympians," paliwanag niya, "May Hall of Wisdom or library sa lilipatan mo, you can read everything there. You can also search yourself there but don't try to escape. The forest is too dangerous. You can train with the other demigods and assess your ability. Sir. Atheo will guide you when you get there."
"O-okay..."
Inubos ko ang pagkain at tsaa saka naligo. I changed into an above the knee khaki shorts at puting floral t-shirt. I used the same shoes dahil hindi patag ang pupuntahan ko.
Noong makababa kami ni Vera ay nandoon na sila Tyrone at Summer. Kinakausap nila ang lalaking nakasuit and tie. May van din itong dala.
Sisigaw ako ng kidnapping kapag hindi kami nakarating sa lugar na dapat namin puntahan.
"Take care, Faith. See you kapag pumunta kami sa camp niyo," paalam ni Summer.
Tyrone smirks at me, "Bye. Practice your manipulation skills. Maybe you can sway me already when we meet again."
"See you in the camp! You can stay in my cabin for a while. Nasabihan ko na ang mga kapatid ko," Vera hugs me.
"Thanks a lot. Ingat din kayo!" kumaway ako sa kanila pero nagmiddle finger ako kay Tyrone. Hindi ko na napigilan dahil sa pang-a-alaska niya. Hindi man lang ako nakarinig ng 'ingat' sa kanya. Nakakainis talaga!
Wala pang isang oras ay narating na namin ang sinasabi ni Vera. Bumungad sa akin ang maaliwalas na lugar. I remember our camping noong kasali ako sa girls scout. We also stayed in log cabins like those.
Nakakamanghang may ganitong lugar sa loob ng gubat. I thought babangga kami sa mga puno kanina pero tumagos kami sa isang glass dome. Binati na ako kanina ni Odigo—the driver who fetched me.
Kanina parang nasa haunted house lang ako. Ngayon andito na ako sa paraiso.
Sigurado ba silang mahahanap ko ang sarili ko sa lugar na ito?
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
ФэнтезиTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...