ERINA
"PAN!" sigaw ni Cyrus sa pagitan ng mga rehas. "We come in peace!"
"Wow, bihag ulit ako! Malas niyo lang kasama kayo," Faith scowls at us. Mukhang Natutuwa pa siya sa nangyayari. Ang naapektuhan niya lang ay si Cyrus na kanina pa nagpapanic. Habang si Lionel ay nilalabanan ang kapangyarihan niya. "Shut it already! Wala naman papansin sa'yo!"
Nagsimula silang magkagulo sa loob. Masama naman ang tinging pinupusok sa kanila ni Lionel. Habang ako... Unti-unti na din naiinis.
Stop it!
Huminto sila sa pagkakagulo. Even Faith--who just glares at me.
Minasahe ko ang templo ng ulo ko. That kind of commanding still gives me a headache. Ginawa ko na kina Stheno 'yan noon. The after effects almost split my head into two. Kung hindi lang ako galit noon ay ramdam ko na agad iyon.
Akala ko'y hindi na ako matutulad sa kanila na makukulong. Yet, here I was. Inside a cage with them. Nahuli kami ng mga alagad ni Pan-ang diyos ng kalikasan-bago kami makapagpahinga. Mukha naman talaga kasi kaming dayuhan sa mga suot namin. Tinali nila kami at tinutukan ng sibat, saka kinulong. Kahit ang mga gamit namin ay kinuha. Ngayon mukha kaming mga hayop sa circus na nasa iisang kulungan!
Dinalahan lang kami ng nymph kanina ng tinapay at malapot na sabaw. Dalawang satyrs ang nagbabantay sa amin at hindi kami pinapansin. I can't control them because they are wild satyrs. Nilalabanan nila ang ginagawa ko kanina.
Bigla silang yumuko noong may dumating. They bow to him that easily?
"King Arcas!"
Inangat naman nila ang kanilang mga ulo pagkatapos bumati. King Arcas observed us like a new specimen he needs to disect.
"Let us go. We mean no harm," pagmamakaawa ko.
He was swayed for a bit. Only for seconds and he is back to normal! Like I have no ability at all.
"What do you need in my kingdom?" matigas niyang tanong.
"We are looking for Pan. The God of nature," pagsasabi ko ng pakay. Pinagkrus ko ang daliri ko sa likod ko. Kailangan namin siya ngayon. Hindi ko sinabi ang isa pang parte ng gagawin namin.
Ang mahanap ang alagang ibon ni Hera.
"He will be here. After the sunset, today is his feast. A celebration for his return."
"We will act with decorum. I promise."
Tinignan niya ang dalawang satyr. "Let them out. Give them a room at my palace," utos niya sa mga ito.
Kinagabihan ay ang pista ng pagbabalik ni Pan. Nakaupo ito sa tronong gawa sa mga baging, sanga at bulaklak. Tumutugtog ito ng kahoy na plawta habang nasayaw ang mga tao, nymphs at satyrs.
Delighted by King Arcas, the rule of Arcadia's gift. He didn't bother leaving the chair.
"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Cyrus.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin, "Magbabanyo. Sasama ka?"
Bago ako makalayo ay narinig kong pinapasama sa akin si Faith. Parang wala siyang pakialam sa nangyayari sa mundo namin. Puro siya reklamo simula kahapon ngayon naman ay sitting pretty sa hapag kainan.
"Ayaw ko lang maitali ulit kaya ako sumama sa'yo," paliwanag niya.
"Dapat naupo ka na lang doon. Mukha naman," tinignan ko siya at umismid, "...pagod ka na."
Pagod sa pagbibigay ng interes.
We approached Pan discreetly. Tumayo ako sa likod ng trono at sinabi ang pakay. Kinausap niya kami at binigyan ng mga dapat tignan sa hinahanap. He spoke to us between the song. Told is to dance but we declined. Bumalik na lang ulit kami sa kwarto pagkatapos ng kasiyahan.
Pinatawag kami sa hapag kainan kinabukasan. Para sumabay sa hari. It was silent and akward dahil ilang salita lang ang nalabas sa mga bibig namin. Even Pan who still looked tired is there.
"Ah, Basilia!" masayang bati ng hari. He has no child but acting like he sees one.
A peacock is walking towards the King! A freaking peacock! Not a human child.
"It lives inside the castle. It is owned but followed none. No one can touch it, lucky, if it allows you."
"It means bitter."
"The eyes. The answer lies in the eyes."
Peacock for a pet? It seems well fed. Mukhang mas maayos pa ang kwarto nito kaysa sa amin. Does he also have a gold nest to sleep on?
Hindi ko matanggal ang tingin sa ibon. Pinilit kong kainin ang pagkain sa pinggan. Nakakahiya sa hari kapag hindi ko ito naubos. Nangunot ang noo kong napatingin sa ibon at kay Pan. Nainom siya ng wine sa oras na ito. Nakaangat ang sulok ng mga labi nito.
Was he hiding a grin?
Nalaman naming regalo ito sa hari. Bago lang ito sa palasyo. His other pet died before this one. Nabibreed naman siguro sila dito.
Basilia means bitter in Greek. Hindi nahahawakan ng tagasilbi ang ibon. Si Haring Arcas lang. Nakatira din ito sa loob ng palasyo.
No. It can't be.
Baka may iba pang peacock dito. Imposible naman na mag-isa lang ito.
Tinignan ko ang mga mata ng ibon. Faith is so careless. Kaswal lang siyang nakaupo at naghihiwa ng pagkain sa pinggan. Ganun din sila Lionel at Cyrus.
Naglibot kami sa buong Arcadia--the land where nature dwells among the mortal and unnatural beings. Ito ang sentro ng lugar na ito. Napapalibutan pa ito ng mga bayan bago ito marating.
Nasabi ko sa kanila ang tungkol kay Basilia. They don't get it. Wala pa din paki si Faith. Nagmumuni-muni akong nakatingin sa mga binebenta sa bangketa noong may sumigaw.
"Thief! Get that thief!"
Sunod-sunod ang mga kawal na humawi sa dagat ng tao. May naipit at natumba. Ang iba ay napasigaw sa gulat. May mga nagalit din dahil natumba at kumalat ang kaninang paninda.
Habang hawak ang gintong polseras ay nakaisip ako ng ideya.
Kinagabihan ay pinag-ayos ko na sila ng gamit. Hindi sang-ayon si Lionel at Cyrus sa plano ko. Pero ito lang ang tanging paraan. Hindi ko na tinapunan ng pansin si Faith. Wala din naman siyang interes sa gagawin ko.
At hindi niya maamin sa sariling ina niya si Hera.
I told them to wait for me at the gate. May pinuntahan ako bago umalis. Hindi din ako nag-iwan ng kahit anong baka at gumawa ng kahit anong ingay.
Pumasok ako sa isang kwarto-humingi ng tawad sa hangin-bago lumabas kasama ang pakay ko.
Si Basilia.
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...