FAITH
"Kailangan ba talaga ito?" hinahapo kong tanong.
"Yes! For survival. Ayaw mo naman sigurong mamatay ng hindi lumalaban hindi ba?" tanong ni Rizza sa akin.
Hinahanap ko lang ang sarili ko. Tapos ang makikita ko ay ganito. Gusgusin puro damo, buhangin, at putik sa damit. Dinaig ko pa ang pulubi sa kalsada.
Kanina pa kami sa training grounds pero parang wala lang sa kanila ang pagod. They made me do some obstacles first. For endurance and agility. Sabi nga nila basics muna. Kaso hindi ako athletic unlike them na sanay-na sanay na. Nagulat na lang ako kay Pinky at Blue dahil sanay na ito sa paghawak ng mga sandata. Kanina pa nila kinakalaban si Dino na natutumba.
"Wag kang tumingin sa kung saan-saan Kuya!" nasugatan ni Blue si Dino.
"Bwisit! Bakit kasi dalawa kayo?!"
"Bawal kang magreklamo sabi ni Ate Vera!" atake ni Pinky.
"Baby sitter na nga, punching bag pa... Tsk," reklamo niya.
Pinatayo ulit ako ni Rizza saka pinasubok ulit sa drills. Aniya'y dapat masanay ako sa ganito. I do exercise pero hindi yung ganitong tipo na strenuous at mukhang mababalian ako pagkatapos.
After 30 minutes at pinatigil na niya ako. She helped me cool down and stretch my legs and back. Para hindi masakit sa katawan kinabukasan.
"You should pick your weapon tomorrow. At least practice it after the drills para may hand and eye coordination ka na," she said like a professional coach to me.
"Yes, coach!" pabiro kong tugon.
Naligo ako sa cabin pagkapahinga. Halos lahat ng gamit ko ay dinala ni Tita. Nasa isang malaking maleta ang mga damit ko. Habang nasa backpack ang mga toiletries at ekstrang mga gamit.
We had lunch at the dining hall. Kakaunti pa daw ang bilang namin kumpara sa dami ng nandito. One vacant long table catches my eyes. Parang walang may balak na gumamit noon. Kahit malayo na ang ibang lamesa ay doon nila pinipiling maupo.
"That's their table. No one is allowed to sit on that," Dino notices my eyes.
I shake my head in dismay. Akala ko kung anong mayroon iyon lang pala. "Psh. Ano sila VIP?"
"No. But Lunox and His group made it clear that no one can sit on that except their group," segunda ni Rizza.
"Unless you are an official member," dagdag ni Dino.
"Ang cool nila Ate! Yung isa kayang kontrolin ang tubig, tapos may halaman, tapos may nakakalipad. Tapos... Tapos yung mga espada nila iba!" nanlalaking mata na kwento ni Pinky.
Tahimik naman na kumakain si Tan-tan. It's a bit messy pero nakaantabay si Rizza sa kanya.
We ate in silence and savor the free food. As much as I want to leave this place may mas i-gaganda pa pala dito. Free food, mas mahabang free time, pwede ka din hindi mag-aral pero ang karamihan ay napunta sa Hall of Wisdom. Almost everything is free except the electricity dahil hindi lang kami umaasa sa solar panels.
Napako ang tingin sa dalawang bagong dating. The girls from before pero wala ang lalaki nilang kasama.
"Snacks or lunch?" tanong ng babaeng itim ang buhok.
"Lunch," sagot ng blonde na babae.
Napahinto sila noong napatitig sa akin. There are no emotions in their faces. The blonde one looks kind and scary. Mukha naman maldita ang kasama niya.
"Ate Faith are you coming with us?" tanong ni Rizza.
Tinanggal ko ang tingin ko sa kanila, "Uh, no. Mag-iikot ako saglit tapos babalik na ako sa cabin."
Tumango ito sa akin, "Okay."
I quickly walk out of the dining hall. Mabilis ang mga paa kong kumilos. Hindi ko namalayan ay nasa templo na ako. The statues are twice or thrice the normal size. May mga abo ng insenso at patak ng dugo ang ilan sa mga paanan ng estatwa. One freaked me out because of the large eyeball in a glass jar.
"Goodness!" napahawak ako sa dibdib ko.
The silence that fill this place is comforting and uncomfortable at the same time. Para kasing hinuhusgahan ako ng mga estatwa nandito. Watching every move I make. I kicked one to test kung totoong marble ito.
Totoo nga! Ako pa ang nasaktan dahil manipis lang ang suot kong sapatos.
"Bwisit!" I tap it on the floor kaya umecho ang ingay.
Noong walang napala ay bumalik na ako sa cabin. Tinitignan ko ang mga damit ko nang makaisip ng gagawin.
Magsuswimming ako!
I take a dip and did some laps. Nagfloating na lang ako noong mapagod. I close my eyes feeling the sunlight on my face and cold water on my body.
Hinila ako ng tulog pagbalik sa cabin. The jaded sight and foreign feelings for this place made me feel more lost. Kaya idadaan ko na lang sa tulog. Nakatulog agad ako pagkatapos maligo.
I found myself in the foggy place. Makakapal na usok ang nandito. I can't see through the thick curtains of smog.
"Teka may sunog ba?" pilit kong pinapagpag ang usok sa harap ko pero walang epekto.
"Bakit ayaw mawala?!"
Lalo lang kumapal ang usok na bumalot sa akin. Tuwing may nawawalang layer ay may bagong kapalit. Para akong nasisiraan sa ginagawa ko kaya tinigil ko na lang. Hindi naman din ako na-sa-suffocate sa usok.
Sana ganito healthy ang usok na nilalabas ng polusyon. Hindi nakamamatay kahit anong kapal.
I turn around to see what's behind me. Every gap of trail I made is covered by the smoky fog. Diretso lang ako ng lakad hanggang sa marating ko ang dulo ng nito. Kaso wala itong katapusan. This is place has no doors or windows but filled with clouds of smoke.
"What the hell I going on?!" frustration got in me.
"Palabasin niyo ako dito!" sigaw ko sa kawalan.
I run to find an exit pero lalo akong nawala. Pawisan at pagod na ako. I checked the distance that I ran kahit walang kasiguraduhan kung malayo nga ang narating ko.
I get it... Running is pointless in this place.
Mababaliw ako kapag hindi ko pa nakita ang kahit isang pinto dito. Punung-puno lang din ito ng liwanag.
Is this heaven?
Walang katapusan ang malaulap na usok at liwanag, eh.
Umatras ako hanggang sa mabangga sa isang malaking pinto. Too thick and heavy to push. I reached for it to try pushing it but opened on it's own. The blinding light spilled in the widening gaps of the door. Tinakpan ko ang mga mata ko only to remove it when I hear a voice.
"Hello, Faith. We meet again."
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...