39

21 2 0
                                    

FAITH

"Home? Nasa village ang bahay namin. Bakit ako sasama sa inyo?"

Vera-the girl with glasses-sighs. She told me that she is one of Iris' daughter. The Goddess of rainbows. Nabubuo lang ang rainbow kapag umuulan... and walang gold coins sa dulo nito dahil isang buong circle ito. Only half is seen by most of us. Minsan lang nakakita ng full rainbow.

"You almost died last night. Believe us when we say that it is dangerous for you to stay here," pilit niyang pinapaintindi sa akin ang mga nangyayari.

"Tatawagan ko muna si Mitzy. Hindi ako aalis ng walang paalam," sabi ko habang hinahanap ang cellphone ko.

Where is it? Hindi naman nahulog iyon sa sling bag ko. Hinalughog ko pati ang mga unan at kama. Pati ang mga bedside table. Kaso wala talaga. Nakakaasar!

"Looking for this?" Tyrone holds my phone like a disgusting object.

"Yeah... Bakit na sa'yo iyan?" tanong ko.

"I found it on the road," he boredly said. "Bawal kang gumamit nito. You'll kill all of us."

"Akin na iyan! Tatawagan ko si Mitzy. One last goodbye before I leave," I said.

He raised it higher kaya hindi ko ito naabot. Practically he is tall at hindi ako ganoon katangkaran kaya kahit akong haba ng braso at tingkayad ay hindi ko pa din ito makuha. I tried hitting his balls pero nakaiwas siya.

Ayaw ko naman gawin ang ginawa ko kanina. Hindi ko kasi alam kung paano ulitin iyon.

"She can't use that anymore. Just give it to her," Summer scolds him.

"Thanks," I smile at her.

Nanlumo ako nang makita ang basag na screen ng cellphone ko. Puti na lang ang nakikita ko pagbukas nito. It was cracked on the screen and at the back. Yung pictures na nandito... kasama sila Mitzy... Si Tita. Hindi ko na ulit makikita.

Namumuo na naman ang mga luha ko. Imbis na malungkot ay napalitan ng galit ang nararamdaman ko. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

I met an asshole this morning.

I broke my phone.

Iniwan ako ni Tita.

My identity is a lie.

I don't belong in this world.

I am alone.

"Sasama ka na ba sa amin?" tanong ni Vera.

Malamig ko siyang tinitignan bago magsalita, "I have no choice. Ano pa bang magagawa ko?"

Pagbaba namin ay nakita ko ang maleta at backpack ko sa baba. May mga gamit din dito na nakaayos na. The table is clean from their breakfast. Pinagbihis nila ako ng jeans at t-shirt. They even advice me to wear my rubber shoes not a sneakers.

Aakyat ba kami sa bundok? Makakatulong din iyon kapag gusto ko silang takasan.

Pagdating sa sasakyan ay umupo sa driver's seat si Tyrone pagkatapos ayusin ang mga gamit sa likod. Sa kabila si Summer at sa likod naman kami ni Vera.

"May pinabibigay si Thalia sayo," Vera hands me a stuffed toy.

Naningkit ako sa hawak kong teddy bear, "What is this for? Hindi ko naman birthday."

"Press her chest," she said.

"Weird," I told her.

I press the her chest and a voice speaks to me. Tita Thalia's voice made me tear up. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. I hug the bear and press it one more time.

I love you, Faith! Always remember me and take care.

Tita's words were embedded in my mind. Her last words and this words. I will never forget her.

I am Thalia. Your guardian, one of the graces.

She is my grace. Not one of them... Kung sino man ang tinutukoy niya. She will always be my Auntie, my best friend and my mother figure.

Nakatulog ako sa biyahe. I only wake up to see a hidden castle in the middle of the woods. Para siyang tagong monasteryo sa gitna ng gubat. The cornered U-shaped building looks old to me. Madaming bintana at may rooftop garden ito. The building looks like a victorian castle in some ways. Pagpasok namin ay may malaking receiving area na naiilawan ng malaking chandelier sa high ceiling. Umakyat kami sa isang grand staircase na may gargoyle sa dalawang gilid. We walk along the empty hallways hanggang sa makarating sa second floor right wing. Humiwalay na si Tyrone sa left wing.

"Sa dorm muna tayo," aya ni Summer. She opens the door for us, "Feel at home wala ang iba dahil nasa mission."

"Salamat," Vera lays on the couch.

I stood still watching every corner of the room. I want to ask about the roaming souls and sorts. It made my skin crawl dahil ang iba ay nakasilip sa bintana. I shivered at the thought of staying here.

"Sit down, Faith. Magluluto lang ako. What do you guys want for lunch?" tanong ni Summer.

"Adobo!"

Sabay naming sabi ni Vera. Nagkatinginan kami at napangiti ako ng bahagya. I finally sat down and stare outside.

May kumakatok sa pinto ng kwarto. Nagaalinlangan akong buksan ito dahil nasa kusina si Summer. Tulog naman na si Vera. She shouts from the kitchen to open it.

"Anong kailangan mo?" I scan her from head to foot. Kapansin-pansin ang pilak na choker na suot niya.

Nagtaas siya ng kilay noong makita ako, "Si Summer ba andiyan?" pilit siyang sumilip sa loob pero hinarangan ko siya.

Attitude ka? Di ka uubra sa akin, hoy. Pinagbuksan ka lang ng pinto. Hindi sinabing papasukin ka sa loob. Sa init ng ulo ko ay hindi ko na mapigilan ang barahin siya.

"Yeah. Busy siya, nagluluto. What do you need?"

"Excuse me?! Kwarto mo ba ito at ayaw mo akong papasukin?"

"No. Pero ang sabi sa akin... Buksan ang pinto hindi magpapasok ng kung sinu-sino."

"Bitch!" she spat.

I equal her stares, "Tell me your business and leave."

Hindi siya naging agresibo pa ulit. She actually look scared like a puppy when she tried staring at me. "P-pinapatawag siya ni Orphne," muntik na siyang mabulunan.

"Noted." I told her. I close the door but she blocks it with her foot. Nakakainis ha!

"Teka, sino ka ba?!" asik nito.

Binalik ko ang tanong sa kanya, "Eh, ikaw sino ka?"

Lumabas ako ng kwarto para hindi nila kami marinig. Pinagkrus ko sa dibdib ko ang at hinarap siya. I raised my brows at her.

"My name is Kierra. An Elite."

Sa mobile legend lang may ganoon. Nababaliw na yata siya.

"Taray ng pangalan." I fake a smile.

"Thanks!" she smirks at me. Her pupils are shaking though.

Hindi pa ako tapos magsalita. I eyed her metal collar este choker, "...parang aso ng kapit-bahay namin. Sakto sa'yo may collar ka o!"

"Kakain na. Where's Faith?" narinig kong tanong ni Summer kay Vera.

"Bye! Bitch. Tahol ka na ulit."

Hindi ko kailangan tignan ang itsura niya. Hindi din naman siya makatingin sa mga mata ko kaya iniwanan ko na siya.

How complicated can this get? Gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay.

Thieves Of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon