ROSALEEN
"Eat your lunch. Kanina ka pa nagbabatay sa kanya."
Pinatayo ako ni Mason at marahang tinulak palabas ng pinto. Kanina pa niya ako pinapaalis ng kwarto pero ayaw ko naman iwan si Clea. Kanina lang ay may tumulong luha galing sa mga mata niya.
A part of her soul just disappeared without a trace. Para itong ninakaw sa kanya.
Wala sa underworld ang ibang parte ng kaluluwa niya. Hindi ito mahanap o mahagilap ng mga Deity. Kahit sila Hades at Persephone ay walang nagawa dahil hindi pa ito nahuhusgahan o napupunta doon. Hindi din nagpaparamdam si Thanatos sa loob ng mahabang panahon. It's like love's also dead and gone in his life.
But the truth is wala siayang pake sa anak niya. Hinayaan niyang maging ganito si Clea.
Mukhang mag-isa akong kakain ngayon. Hindi pa nakakabalik ang iba sa amin at umalis sila Cole at Gareth papunta sa Institute. Binabati ako ng ibang mga teenagers na nakakasalubong ko. binibigyan ko lang sila ng ngiti at pagtango. Hindi pa din nawawala ang balita na naglayas si Faith. Nagkakagulo tuloy sa Cabin ng mga anak ni Iris. Ang iba kasi ay natuwang wala na ito habang ang mga nauna niyang kasama ay nag-aalala hanggang ngayon.
Napabuntong-hininga ako sa pag-upo sa mahabang lamesa. Baka pati dito ay may tumubong halaman! Hindi ko naman kasi sinasadyang magpatubo ng mga nakakalasong halaman dito. Nadadala ako ng pagkawala ng iba kong kasama.
"Namimiss ko na sila..." bulong ko sa hangin, "Kailan kaya sila babalik?"
Binilisan ko na lang ang pagkain para hindi sila maalala. Alam ko naman babalik sila dito.
They always do.
The anthousae and dryads wave at me. Binabalik ko ang pagkaway nila sa akin. Nagmumukha akong beauty queen sa ginagawa ko. Pwede ng panlaban sa Miss Earth.
Binisita ko muna ang greenhouse at vegetable garden tulad ng nakagawian ko. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay ginagamit ko ang kapangyarihang binigay sa akin. Nakakapagod din.
Tahimik ang mga diyos sa langit. Even the monsters are silent. Nakakatakot isipin dahil hindi namin alam ang nangyayari sa Olympus. Mas gusto pa namin na nagpapaulan ng kidlat si Zeus kumpara sa pananahimik nila. Another coups d'etat is possible. Another fight for the throne of the king and queen. Lalo na't walang kapangyarihan si Zeus at wala sa sarili si Hera (dahil kay Faith).
Pabalik na ako sa villa nang may humila sa aking demigod. Tantya ko ay labing-tatlong taong gulang pa lang ito. Wala akong nagawa dahil sumama ang isa pa niyang kasama sa paghila sa akin sa pagpasok ng gubat. Mukha silang takot at nagpanic sa nakita. Wala kasing pasabi ang paghila nila sa akin.
I used my ability to sense something in the area. I feel something on the soles of my feet. Isang pares ng sandals lang kasi ang suot ko. A tingling sensation is crawling on my sole. Nakakaradam din ako ng pagpintig ng pulso sa lupa.
"Sandali! Dahan-dahan lang..." puna ko sa kanila.
"Pero ate--"
"Nanghihina po yung babae!"
Babae?
Narating namin ang loob ng ng gubat. Hinabol ko ang hininga kong sumandal sa puno. nagulat pa ang hamadryad sa ginawa ko. I apologized and roam my eyes around.
Isang dalagang nakasuot ng puting bistida ang sumambulat sa akin. Mahaba ang itim nitong buhok at nakaladlad sa damuhan. Maputla ang itsura nito. Mukha itong maamo habang natutulog sa ilalim ng acacia. She's a bit older than me. I'm guessing she's in her early 20's based on her facial features.
I made a bed from three branches, vines and leaves. Pinatawag ko ng dalawang Satyr ang mga kasama ko habang binabantayan siya. Nakasunod ako sa kanila papunta sa clinic. Pinagkaguluhan pa siya ng ilan sa mga nanakita sa kanya. They were speculating her through their eyes and hushed whispers. Noong makapasok sa clinic ay iilan na lang ang sumilip.
"Miss," yumuko ang nymph sa akin. May kasama siyang demigod na nag-aayos ng mga gamit. "Where did you ind her?" she inquires.
"West side of the Forest. Halos hindi na siya gumagalaw pero my pulso pa naman."
"I see."
Her vital signs were checked. Ginawan din siya ng record dahil hindi siya nakikita dito sa camp. ngayon ko lang din siya napansin sa ilang linggong pamamalagi sa camp. Lagi naman akong nakatanaw sa labas ng Villa tuwing nabuburyo. Kabisado ko na din ang mga Demigod na dati nang nakatira dito at ang mga bagong dating. May mga bago pero mangilan-ngilan na lang din.
"Good thing you found her. She needs to rest. You can return after an hour or two."
"Thank you!"
May bumubulong sa isip kong hindi dapat siya nandito. A scream of anxiety is at the back of my head. Bago pa makalayo sa clinic ay huminto ako. Kusang tumigil ang mga paa ko at lumingon sa pinangalingangan ko. I can't shake the feeling off. Maybe because I'm just worried. yun nga lang siguro.
She's weak, that's all.
Inaalala ko si Clea. Baka kailangan na ako ni Mason doon. Tinignan ko ang viila at ang clinic. I am torn with two choices. Stay here and check on that lady or go back to the villa where I should be.
Hinila ko ang buhok ko sa pagkalito. Hahakabng ako papunta sa Clinic pero aatras ulit papunta sa villa. Paulit-ulit ko itong ginawa. It took me ten minutes to do it until I notice a flower on the grass beneath my heels.
Another plant. Yey!
This uncertainty doesn't let me go. May kung anong bumabagabag sa akin na hindi ko maipaliwanag. I chewwed on my lower lip until I decided to flip a coin. Head for the villa. Tail for the clinic. Pikit mata kong hinagis ang barya at sinalo ito gamit ang kaliwang kamay. Mainit ang baryang nakapatong sa likod ng kamay ko.
Please, let it be head!
That's a tail. My consciousness tells me so.
Bahala na!
Dahan-dahan kong binuksan ang pagtakip ng kamay ko. Pilit na sinisilip kung ano ng resulta. From the edge of the coin up to it's face. Tuluyan ko itong nakita.
Tail.
Humakabang ako papasok sa loob ng maliit na silid. Busy sa pag-aayos ng ipapanom na ambrosia at nectar ang assisstant na demigod. Nagulat pa ang nurse nang makita akong nakatayo malapit sa kama ng babae. Kinalma ko ang sarili ko at inalalang may kasama si Clea. Hindi siya pababayaan ni Mason. Paalala ko sa sarili.
Lumapit ang demigod na nag-ayos ng gamot. Pinatong niya na ito sa lamesang nakalaan patra dito. Ngunit tinignan niya ito ng seryoso.
"Anong problema?" tanong ko sa kanya.
"Hindi siya katulad natin. Isa itong mortal."
Nagulat ako sa narinig. Tinapunan ko din ng seryosong tingin ang natutulog niyang pigura.
How did she enter this place?
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...