REE
Rosaleen shows me the location she's found. I stare at the brook and floating bamboo boats with huts, "Minalungao National Park?"
Sa lahat ng pinakita at hinanap namin ay ito ang tinuro niya. The place where she heard the voice of a lady waiting for her.
"Are you sure this is the place?" Lunox still has the uncertainty on his face.
Sigurado sa sagot niya si Rosaleen, "Yes. Hindi malinaw ang panaginip ko pero naaninag ko ang paligid."
Isang oras at kalahati lang ang travel time simula dito. Sagad ng ng two hours dahil nasa Cabanatuan kami. Nasa General Tinio kasi ito. May direction naman sa baba kaya makikita agad kung sakali.
It has a clean stream of water that is between rocks. May balsa for rent din doon. Balita din na isa ito sa mga pinupuntahan ng mga turista at locale. May trail din bago marating ang lugar dahil tago ito. A hidden spring converted into a tourist spot. Masuwerte kami dahil tagalog ang ginagamit nilang salita bukod sa kapampangan, bisaya at ilocano words.
"Gaano kadami yung mga butong pinakita sa iyo?" tanong ko sa kanya.
Pilit niyang inalala ang panaginip, "A handful pero alam kong kaunti pa iyon sa dapat kong nakita."
Lunox thinks deeply. Nagdadalawang isip kung pupunta ba kami o hindi, "We can check that place pero hindi tayo magtatagal."
"Pero paano niya nalaman ang pagdating natin?" I ponder at the thought.
"Hindi ko din alam. Ang sabi niya lang hinihintay niya ako. Tinawag pa niya akong anak ni Demeter," she chews on her lips.
"Hindi naman sa nagmamarunong pero baka engkanto o diwata ang nakakuha ng mga buto," sabi ko sa kanya
"Engkanto?" kumunot ang mga noo nila.
"Yeah. Philippine mythology. Tulad ng mga magulang natin mayroon din sa Pilipinas. Those were tell tales that live until today. Mga istoryang salin-lahi," I explained to them.
Buti natandaan ko pa ang mga kwento ni Papa sa akin. Noong hindi ako natutulog ng maaga ay kinukwentuhan niya ako.
Kamusta na kaya siya?
"Pack the things you need. We'll go there tomorrow. Kapag wala lilipat tayo ng lugar," tumalikod na siya sa amin at umalis sa kwarto.
Gulantang na napanganga si Rosaleen, "Wow. Na papayag ko ang anak ni Zeus."
"Uh huh," I giggle at her reaction. "One bag for the two of us or separate?" I raised two bags.
"Separate. Para sa mga basang damit." sabi niya sa akin.
Inayos namin ang mga damit na dadalahin saka nagpahinga sa hotel. Hapon na din kaya delikado kung pupunta pa kami ngayon. Kaya bukas na lang para maaga.
Gumising kami ng maaga para makabalik agad dito. We fix ourselves and got in the car after half an hour. We left before lunch kaya bumili kami ng makakain para kapag nagutom kami mayroon kaming kakainin.
Green and golden rice fields surround the concrete highways. May ilang bahay pero madalas ay magkakalayo ito o di kaya'y nasa tabi ng highway. Hindi na kami nagbukas ng aircon dahil presko ang hangin. Nakaidlip kami saglit ni Rosaleen dahil dito. Gusto ko na tuloy dito tumira! It is hot pero mabilis lang ang biyahe.
Kaunti pa lang ang mga tao pagdating namin sa lugar. Few cars are parked below the slope, ang iba ay nasa taas tulad ng sa amin. Si Lunox na ang nagdala ng pagkain at bag niya habang kami ay ang amin.
"Magkano po yung renta?" tanong ko sa nagbabalsa.
"800 po, Ma'am." sagot ng bangkero sa amin.
"Sige po. Dito na lang tayo maluwag pa," sabi ko sa kanila. Binigyan kami ng life vest dahil masyadong malalim ang ibang parte nito. May rock formation din dito sa gitna. May mga nagpapapicture at nagsuswimming but we don't come here for that.
Palinga-linga si Rosaleen pagkalipas ng isang oras. She keeps observing everything. Miski isang ihip ng hangin sa mga puno at tubig ay pinapakiramdaman niya. Hindi namin maiwasan ni Lunox na mag-alala sa kanya.
"Manong, totoo po bang may engkanto dito?" tanong niya sa bangkero.
Pinaypay nito sa sarili ang suot na sumbrero, "Oo, tuwing hapon. Kaya walang naiiwan o tumatagal sa paglangoy sa tubig. Hanggang alas singko o alas-sais lang ang paglangoy sa tubig."
"That's too late," she mumbles. Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Dapat pala hapon tayo pumunta," sabi ko sa kanila.
Lunox puts his sunglasses on his head, "Just swim for a while. Ako na ang magbabantay ng mga gamit natin."
We took that as a cue to leave the boat. I remove my shirt leaving the bikini top on while Rosaleen has her sports bra on and our shorts. Sinuot ulit namin ang life vests bago lumusong sa tubig. The cold water feels good
"Sumama na ho kayo sa kanila, Sir. Ako na ang magbabantay nitong mga gamit ninyo," ani bangkero.
"Thanks. Pakiingatan na lang po." he said. He removes his top leaving his short on. He puts on his life vest and joins us.
Palutang-lutang kami sa tubig hanggang sa magutom kami. Inaalok namin ang bangkero pero tumanggi ito. Nagmiryenda na daw siya pagkatapos ng agahan. Bumalik ulit kami sa tubig noong hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw.
How I wish Milo is here too.
Nagbabad kami hanggang sa magalas-tres ng hapon. Nakaupo ako sa gilid ng balsa ng biglang gumalaw si Rosaleen dito. She scanned the whole place. Naging malikot ang mga mata niya sa paligid. Sandali niyang pinikit ang mga mata niya bago ito naging kulay ginto.
"Do you feel that?" tanong niya sa amin.
"Feel what?" nag-angat ako ng tingin sa kanya.
"The wind... it changed. Mas malamig ito kumpara kanina," ani Lunox. "Hindi ito mararamdaman ng iba. Both of us can feel it." dagdag niya.
Tama siya. Mas sensitive siya dahil nakokontrol niya ang panahon, gayung si Rosaleen ay konektado sa mga puno at halaman. Naramdaman ko ang ihip ng hangin galing Norte. It made me shiver pero wala itong epekto sa bangkero at mga tao dito.
"I can hear something in the wind." said Lunox.
Napatayo ako sa gilid habang nilibot ang mga mata sa paligid. Napanganga ako noong makita ang babaeng nakabistidang puti. Mayumi itong nakangiti sa amin at hinihipan ng hangin ang maitim at mahaba nitong buhok. She bears a quarter sized brown bag.
"Pinupuri kita sa paghahanap sa akin."
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...