86

16 2 0
                                    

GARETH

Sinalubong kami ni Desmond at sinamahan sa rooftop greenhouse. Nandoon kasi ang ibang keepers. Pinagaaralan pala nila Lilith ang  ibang mga halaman kung pwedeng magamit sa paggawa ng mga lason at gamot. May dala pa itong puting kuting. Bitbit niya ito na parang sanggol sa kanyang braso.

"What's with the kitten?" pansin ni Cole sa sumisiyap na hayop.

"Dala namin sa Greenhouse. Viper and Quinzel's with us also. Let's go," paggiya niya sa amin. "They're waiting for us."

Hindi dapat ako sasama sa kanya. I remember what we talked about. Poprotektahan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Kahit kasama niya si Desmond. Kasi iyon ang apat kong ginagawa. Ako dapat ang gumagawa noon.

Don't die on me.

Napangiti na lang ako sa naalala.

You're wrong Cole. You've always been the death of me.

The big school looks like a desolated castle in the woods. Ang bawat yabag namin ay naririnig sa mga pasilyo. Nagyuyukuan din ang mga kaluluwa sa presensiya ni Cole.

Nabalitaan namin ang tungkol sa plano nila. Hindi lang basta barrier ang ilalagay nila dito. Spells and undead soldiers from the underworld will be placed while the students are gone. Some monsters are included, I heard.

Nilampasan lang kami ng isang estudyante bago kami makarating sa pupuntahan. Para kaming hangin na dumaan lang sa harap niya. Hindi ito Lumingon at taas noo pa din naglalakad. Kahit ang mga kaluluwang pagala-gala  sa mga pasilyo ay nagulat.

"Hindi ba niya tayo kilala?" taka kong tanong.

"She knows us," Cole said. "Specially me. That girl poured wine on me," matabang niyang sagot.

"Choker ba ang suot niya?"

Napansin ko ang kumikinang na bagay sa leeg niya. Gawa sa pilak. Hindi mahigpit, hindi din maluwag. Padabog itong naglalakad palayo sa amin.

"Yeah. A nullifying choker," sagot ni Desmond. "No ability, no problem." Kinamot niya ang baba ng kuting na hawak. It demands attention from him.

"Kierra, right?"

Nagtago ang mga kaluluwang sa lamig ng boses ng kasama namin. Sinadya niyang iparinig ang tanong dito. Tumigil kami ni Desmond dahil sa ginawa niya. Dumilim din ang mukha nitong hinihintay ang sagot namin.

Mukhang nakuha naman ni Desmond ang dapat gawin. Sumagot ito ng maayos, "Siya nga po, mahal na prinsesa."

"No missions? What's her case?" she inquisitively asks.

"Misconduct and murder."

"I see," pagtango niya. "Some monsters aren't always seen in the underworld. Mayroon din pala dito. Pakalat-kalat."

"Anong sinabi mo?! Dato ka lang—Princess Colette!" napasinghap si Kierra sa nakita. Mali ang taong susugudin niya kung nagkataon. Humingi ito ng tulong kay Desmond—na nilaro lang ang dalang kuting. Pati sa akin. Binigyan niya ako ng nagmamakaawang mata na tinaasan ni Cole ng kilay. Iling lang ang naibigay kong sagot sa kanya.

"Gusto mo bang bumalik sa kulungan?"

"H-hindi po, Mahal na prinsesa!"

"Be thankful you didn't see me in this hallways before. Baka mas malala pa ang inabot mo sa parusang iyan. Tanda mo pa ang ginawa mo noon?"

"Noon po...?"

"Your reckless act of jealousy almost caused everyone a trouble."

"I'm sorry. I didn't mean to!"

"Leave. Pangalawa na ito. Hindi ko na palalampasin ang pangatlo."

Hindi maipinta ni Kierra ang kanyang mukha. Halos magsuot ito na parang papel. Umalis na kami at iniwan siyang nakatayo sa pwesto habang nakayuko.

Naiinis naman sa pag-aayos sila Ree pagdating namin sa greenhouse. Sinabi nilang naging halo-halo ang mga nakakalason at halamang gamot.

"That bitch!" asik ni Ree.

"Hayaan mo na. Inggit lang siya," Milo nods at us. Kinuwento niya ang nangyari kanina. "Akala niya mag-isa si Alistair pero nung nakita niya si Lilith... Ayun."

Nakikipaghabulan naman si Alistair sa ibang kuting na nakatakas. Binabalik niya sa basket ang mga ito pero nakakalabas ulit. He groans in frustration.

Desmond grins, "Kaya pala nakabusangot kanina."

"Nakasalubong niyo?" tanong ni Ree.

"Yeah. Hindi pa nga binati si Cole," sagot ko.

"It's okay. Hindi ko kailangan ng pagbati niya. Ayaw ko lang ng inasta niya," Cole explains.

"If you say so," pagkibit balikat ng Keeper niya.

"Oo, nga pala..." inabot ko ang dalang mga halaman sa kanila. Kagagawan ni Rosaleen ang mga ito. Nakakalason halos lahat—hindi naman nakakamatay pero maaring magdulot nang panghihina. Dahil nakasimangot ito nitong mga nakaraang araw.

Inutusan din kami ni Sir. Atheo na gawin itong lason para sa mga palaso at ibang sandata. Ang iba naman ay pinaabot lang ni Rosaleen para sa kanila.

Nakipaglaro lang kami sa mga kuting habang naghihintay. Ayaw kasing ipaalam ni Lilith ang sikreto niya sa paggawa ng mga ito. Cole looks like she just touched a cat for the first time. Namimilog ang mga mata niyang kumikinang habang pinapanood ito. Hindi niya alam ang gagawin noong makatulog ito sa hita niya.

She looks so sweet and innocent. Lalo na't tumatama pa ang mga sinag ng araw sa kanya.

"What are you looking at?" masungit niyang tanong.

"Ang ganda mo lang. Hindi ka nakakasawang titigan."

Nakarinig ako ng hagikhik at pangtutuya. Umiwas siya ng tingin at nilipat ang mga mata sa pusa. Ingat na ingat na 'wag itong magising sa pagkilos niya.

Para siyang palit kung titignan.

"'Wag kang ngang tumingin! Tsk."

I can't peel my eyes off you. Seriously.

Gustong-gusto kitang ipagdamot. But I'll wait until you accept me and your feelings. Kasi yung akin tanggap ko na.

"No. Ayaw kitang pakawalan. Kahit hanggang sa mata ko lang."

"Gago. Wala ako sa mood para sa mga banat mo."

"Your eyes can't deny it though," I chuckle at her. Totoo naman. Mukhang naghihintay pa ito sa sasabihin ko. I scoot closer to her.

"Don't come any closer. I'm warning you!"

"Really?"

Magbubukas na siya ng portal pero nahawakan ko ang mga kamay niya. I lean closer to her. Tinitigan ko ang mga mata niya... Ang buong mukha niya.

The thumping of my heart and the slow time cooperates.

Natahimik siya sa ginawa ko.

Head over heels. Ganoon ko siya ka gusto. Kahit iharap pa sa akin ang asawa ni Eros.

I kissed her forehead instead of her lips. I give her a small positive smile. Habang nakatulala siya sa akin. Stunned by my antics.

"I can always wait for you."

Thieves Of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon