83

21 2 0
                                    

SOLEIL

After being played by the nymphs, chased by disease carrying spirits, and blocked by demons, we reached Agrius and Oreus turf. The giant siblings with half-man, half bear appearance. Both are cannibal. Whose name literally means "savage one of the mountains".

Karamihan sa mga hikers ng bundok na ito ay nawawala dahil sa kanila. Sumusuko ang mga naghahanap sa kanila dahil bangkay na lang kung matatagpuan ng mga ito.

Pagpasok namin sa loob ng kweba ay maamoy agad ang nabubulok na laman habang ang pader ay may bahid ng dugo. May mga makikita ding buto ng mga tao at hayop na nagkalat sa gilid. May malilit at matataas na tumpok nito sa ibang pwesto. The drying trace of blood on the soil came from a black bear. mukhang kahapon lang nila ito nahuli.

I crouch down to touch a moose's skull. Pinatayo naman ako ni Lunox noong nakita niya ako.

"It's already dead," paalala niya.

"I know," nanghihinayang kong sagot.

Tumuloy namin ang paglalakad hanggang sa makita namin namin ang madillim na daan pataas. Mukhang ginawa talaga ang daang ito. Katulad nito ang mga baitang ng hagdan--mas malapad at malaki nga lang. It is really meant for the giant cannibals.

Hagdan na naman?! Sa kastilyo ni Khione isang damakmak na hagdanan ang takbo namin pati ba naman dito?

Sana nga humahaba ang buhay namin noong tumakbo kami dito kaso nababawasan din.

"Ready?" tanong ni Anna.

Nagbuga ng hangin si Kaito bago tumango. Winaksi ko ang iniisip ko ng nangyari sa lugar na ito bago sumangayon. Diretso naman ang tingin ni Lunox sa harap. Kami ang nanguna sa pag-akyat. Nahirapan kami ni Anna sa taas nito pero inaalalayan naman kami ng mga kasama. Iniiwasan naminang matusok ng mga matutulis na bato, hindi maiiwasang madulas at makakuha kami ng gasgas. We are careful not to let a big drop of blood stick to the stones--specially with Lunox and my blood.

The glow and power of the lighting bolt calls us already. Kahit walang compass ay natunton namin ang kinalalagyan nito. Habang papalapit dito ay papalapit din kami sa kalaban. We are not sure if they are guarding it or using it as a bait. But one thing is sure there will be danger after this trail of caves.

Yumanig ang lupang tinatayuan namin. Inalalayan naman kami nila Kaito habang nakakapit sila sa hawakan ng hagdang gawa sa mga buto ng tao at hayop.

"Is that...?"

Tumango sila noong makita ang balat ng leon sa sahig. It's head intact. Ganoon din ang ibang hayop sa pader--decoration at kurtina.

A loud snore made us look up. May malalaking kama sa harap namin kung saan nakahiga ang dalawang higante. Tulug na tulog at mukhang busog.

"What the hell?" Kaito said noticing something.

"Guys nakikita niyo ba ang nakikita namin?" Anna points toward the giants bed.

On the wall, between their beds...

Was the lighting bolt.

They used it's glow for warmth and light in this awful dreading abbatoir where they live.

FAITH

"Let me go!"

Kanina ko pa sinasabing bitiwan o iwan nila ako pero hindi nila ginagawa. Parang wala silang naririnig dahil diretso lang sila ng lakad. Pinapangunahan kami ni Lionel habang nasa tabi ko sina Erina at Cyrus.

"What the fuck is wrong with you?! Kidnapping 'to!" reklamo ko.

"May naririnig ka ba Erina?"

"None. Ikaw Lionel?"

"Just the chirping birds and a screaming monkey."

Monkey?! They keep treating me like an animal. Kanina sa paggamit ng CR ay nakasunod sa akin si Erina. She guarded the door while the window's fixed in place.

Actually, nagising na lang akong nakabihis at nasa loob ng sasakyan. Katabi ang babaeng ito at nasa unahan ang mag lalaki.

"I need to pee," I demanded.

"Anong klaseng katawan mayroon ka? Gawa sa tubig?" sarkastikong tanong ni Erina. "Every thirty minutes na iihi ka?"

"Kapag ako nagka-UTI-"

Cyrus laughed at me. Lionel halts and looks at me. Hinead to foot niya ako bago tawanan.

"Demigod na may UTI? Nagpapatawa ka ba?" sabi ni Lionel.

"Shut it, girl. Baka kung ano pa ang matawag mo, iiwan ka namin ng tuluyan sa gubat na ito," pagbabanta ni Erina. She holds the rope that was tied to me. Masyado naman daw marahas kung ang mga lalaki ang hahawak nito, baka bigla akong madapa at makaladkad.

I'm in an unfamiliar jungle with annoying demigods like me. Hindi sila nakinig, no, ayaw nilang isama sila Rizza at Dino sa amin.

Mas marami mas delikado? Mukhang mas mapapahamak kami kung kasi kulang sa tao. Gosh!

Hinahanap namin ngayon ang Peacock ni Hera. I can't call her mom. Not yet, not ever. Pagkatapos niya akong iwan... Tapos wala pa akong tatay na kasama.

Amazing parenting!

Good one, Hera. Good one.

I'm sorry, love. I'm bound to rule above. It is your destiny to dwell in this world alone or not.

Ngayon may nagsasalita sa isip ko? Ano ba itong pinasok ko? Mababaliw ako sa nangyayari.

I was kidnapped. Kanina ay tinakbuhan namin ang isang tribo. Ngayon may nagsasalita na sa utak ko. Just great!

If only Tita Thalia was here.

"We'll camp near Arcadia. If we can't reach it before sundown. We might see your mother's peacock roaming there," anunsiyo ni Lionel.

"Fine. Can you... Let me go already? Hindi ako tatakas. Promise!"

"No!" Sabay-sabay nilang sagot.

I can't cut the rope. Ni hindi ko nga matandaan kung dinala ko ang weapon na bigay sa akin. Not that I care about it. It's just that... This is emergency.

Naglakad-lakad pa kami. The trees become thicker, older, and their canopies cover us from the sun. The fingers of sun rays made the forest look mythical. Nakakamangha ang nakikita kong mga bulaklak at halaman. Some tiny glowing green particles are in the air.

Lionel stops and says, "We're getting near. Stay close baka may maligaw sa atin."

Noong huminto kami sa tabi ng ilog ay nagtaka ako. Di ba dapat tutuloy na kami sa gitna ng gubat?

Why did we stop?

Thieves Of OlympusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon