CYRUS
"Ang bilis lang pala ng flight!"
Kuliglig. Iyan lang ang narinig ko pagdating namin sa Chinggis Khaan International Airport. Past lunch time ay lumanding na ang eroplanong sinasakyan namin sa airport. Ang tanging sinabi lang ni Anna kanina ay "Welcome to Ulan Bator!" she just translated a ground steward's greeting. Ako lang ang nagsasalita sa kanilang dalawa hangang sa makarating kami sa isang inn. Two adjacent rooms were available kaya iyon na lang ang kinuha namin.
"Bayarlalaa," Anna says as she gets out keys.
Nasaulo na niya yata ang English to Mongolian dictionary na kanina pa niya binabasa sa eroplano.
Para akong mababaliw sa katahimikan nilang dalawa. Tanggap kong tahimik si Alistair. That's his default setting pero si Anna ay masyadong seryoso. Para siyang lalaban sa giyera sa sobrang tahimik. Alam ko naman na hindi pa sila okay ni pareng Mason pero wag niyang dalhin sa ganito. Nakakahawa kaya!
"What?" she ask me, annoyed.
"Wala. Punta ka na sa kwarto mo. Rest well!" tulak ko sa kanya ng bahagya bago pumasok sa kwarto namin. Kaso nakakandado. Silang dalawa lang ba ang gagawa ng misyon? Sana sila na lang ang pumunta dito 'di ba?
"Alistair!" I knock three times pero walang sumasagot. Nilalamig na ako sa labas dahil sa hangin.
Walang hiya naman. Sa mga maling tao pa yata ako nagpasama.
"Pare? Alistair?" namumula na yata ang kamao ko sa pagkatok sa pinto. Bago ako makakatok ay may nagbukas nito. He is a tall bearded man who looks down on me like I'm a little kid.
Maling pinto!
Kumaripas ako ng takbo paalis doon pagkatapos itong ngitian. Naghihintay sa nakabukas na kwarto si Alistair habang nag-aayos ng gamit. He looks at me raising a brow. Ni-lock ko agad ang pinto at hindi na sumilip ulit. Napailing ito at pumasok na sa banyo.
Phew! Muntik na akong mapabalik ng Pilipinas ng wala sa oras.
"O sige ako na mag-a-adjust sa inyong dalawa," kausap ko sa sarili. "Kung hindi kayo magsasalita ay ganoon din ako," pagdedesisyon ko.
Bear with it Cyrus. I'll hold my tongue at makikiramdam sa mga gagawin nila. Tanging tunog ng tubig galing banyo at paghinga ko ang naririnig. The floor creaks when I pace around the room. Restless and bothered. Hinubad ko ang sapatos ko noong napagod kakalakad.
Natatakot ako para kay Mom. I will have a brother or sister kung hindi sila madadamay. Mas lalo lang akong nag-aalala dahil kasama nila si dad.
Paglabas ni Alistair sa banyo ay ako naman ang naligo. I strip off my clothes and open the shower. Narelax ang buong katawan ko noong maramdaman ang mainit na tubig. Nawala din ang pagod at mga iniisip ko.
Paglabas namin ni Alistair ay nasa labas na si Anna. Nakasuot ng jacket at hinintay kami.
"Let's eat first then will talk about Apollo's golden bow," she said.
Kumain kami sa isang mongolian restaurant. Not for the experience but because it is the only one available in the area. Anna speaks and translates for us.
Nakatingin siya sa labas. Binasag niya ang katahimikang kanina pa bumabalot sa amin, "It is almost hunting season."
"Hunting season?" tanong ni Alistair.
"People keep stocks for winter. Specially, meat." Ininom niya ang tsaang binigay sa amin.
"Still, it doesn't have a connection with Apollo's missing bow," ganoon din ang ginawa niya. Bigla siyang napangiwi. Hindi ko alam kung sobrang init o dahil sa lasa nito.
"Baka ang ibig mong sabihin ay hinahunting tayo ng mga galit sa mga magulang natin," saad ko saka humigop ako ng tsaa.
Pangit nga ang lasa! Too bitter! I am close to spitting it out but the waiter comes to our table. The bitter taste clings to my tongue. Napilitan akong lunukin at tiisin ang lasa nito. Anna can drink this? Kamusta kaya ang dila niya?
"Saikhan khoollooroi!"
"Bayarlalaa!"
Naguguluhan na ako sa mga sinasabi nila kaya hinintay ko na lang na magsimulang kumain ang dalawa. It is a beef dish halos katulad ng steak but it is not. Ngayon lang ako nakakain ng ganito kalambot at malinamnam na karne ng baka! I should tell Dad to breed some of this cows.
We paid after the meal but stayed still to rest. Tumitingin na ang ibang guests sa amin but we don't care. Some have fur hats on their heads and others wear traditional clothes too.
"Archery ang panglaban mo tama?" Alistair asks.
"Oo. Bata pa lang tinuturuan na ako ni Apollo," sagot ko.
Dad said I'm a natural at namana ko iyon sa kanya. I think I even shoot better than him. Kung pwede nga lang palitan si Eros ay ginawa ko na kaso mawawalan siya ng trabaho bilang diyos ng pag-ibig.
Anna brings out a pamphlet and scans it's contents. Kumukunot ang noo at minsa'y nagsasalubong ang kilay tuwing may nababasa. Nagpatuloy naman kami ni Alistair sa pag-uusap.
"Why? You want me to teach you archery?" I wiggle my brows at him.
He puts his fingers on his chin, "No. I think you need to learn a new skill."
"No, thanks. Okay na ako sa archery! I mean may natamaan na din ako sa puso dahil doon." I chuckle.
"Baka ikaw yung napana. Tagos hanggang likod mo eh." hirit ni Anna habang nakatingin pa din sa pamphlet.
I smirk at her, "You miss him. Just admit it."
She just gave me a side glance. Kung hindi lang dahil sa lamig ay isipin kong kinikilig siya. "Me?" she chuckles, "We're on a mission. I won't let my emotions take hold of me."
"Alistair ano ulit yung sinasabi mo kanina?" she asks him.
He returns her gaze, "A new skill that can help him survive."
They strangely click kahit ngayon lang nagkasama. Siguro pareho silang sadista kaya ganito. Mahilig manakit. May isa pa akong napansin sa kanila... Pareho silang mahilig magtago ng nararamdaman.
"What kind of skill is that? How not to fall on ground traps?" she jested.
Nakakaoffend na ang isang ito ha! Nagmake face na lang ako sa sinabi niya. Hindi iyon pinansin at hinintay ang sasabihin niya.
"Ang mature Cyrus," she smiles creepily at me.
"Add it to that but this one is different," he assures us.
Naging maingay ang lugar noong may pumasok na officer or someone from the tribe. He has this poster in his hands. Halatang nakikinig si Anna sa mga sinasabi nila. Then her eyes twinkle and shine. Natakot ako noong tumingin ito sa akin.
"Let's try mounted archery."
TRANSLATION:
Bayarlalaa — "Thank you"
Saikhan khoollooroi — "Enjoy your meal"
Ulan Bator pronunciation: Ulaan Bataar.
BINABASA MO ANG
Thieves Of Olympus
FantasyTales of Olympus Book 3 Thievery. Trust. Time. As the Fates Align the path of the the Demigods. Monsters awaken to reclaim this world and time. One by one the Godly items disappear creating rift and chaos among Gods and Goddesses. While the Demigod...