22

1.7K 76 4
                                        


Mabilis nagtatakbo si Elynor patungo sa kwarto ni Dylan. Hawak niya sa kamay ang isang cellphone. Katatapos lang ng pangalawang linggo ng Fashion Week. And it was remarkable. Nagpaalam ang binata sa kaniya na pagkatapos ng event ay maagang babalik sa hotel kung saan sila nagsstay. Sinusubukan kasi ni Dylan na habulin ang oras sa Pilipinas para makausap si Edward.

"Ms. Ely?" nagtataka si Aldrin nang makasalubong ito. Nagmamadali ito sa pagtakbo at muntikan pa silang magkabanggaan. She immediately knocks in Dylan's door.

"Dylan?" tawag agad ni Elynor pagtapos niyang kumatok. Maya maya nagbukas ang pinto. Dylan is rubbing his eyes, na mukhang kakagising lang. Magulo pa ang buhok nito at suot nito ang isang pares ng pajamas.

"Ms. Ely?" nagtaka pa siya nang makita ito. Hindi niya maintindihan ang biglang pagsulpot nito. For all he know, Elynor was still in the afterparty. At hindi nito iiwan ang party na iyon na without a valid reason.

"Dylan. Is Edward contacted you?" nagulat siya sa tanong nito. He doesn't know what to answer. Edward is a busy person. Kaya he understands kung hindi sila makapag video call. And its almost a week simula noon huling beses itong tumawag sa kaniya. Pero kampante siya because he always leaves a message.

Umiling siya. Elynor just sighed.

"Ms. Ely? Is something happened to Edward?" hindi alam ni Elynor how will she explain to Dylan that Edward is in a middle of a controversy. Mukhang hindi rin nito pinaalam sa kapareha na may nangyayaring hindi maganda sa kaniya upang hindi maapektuhan ang pinaka inaasam-asam na araw ni Dylan.

Hinawakan ni Elynor si Dylan sa mga braso niya and she looked at him. "We need to get back to Philippines. Edward needs us." aniya at dahan dahan pumatak ang luha niya. Even Aldrin who was eavesdropping, got surprised.

"A-Ano pong n-nangyari?" He began to tremble after what he heard to Elynor. Napahawak siya sa mga braso nito, para hindi siya mawala sa balanse. Hindi niya alam na may nangyayari na kay Edward. He always leaves a message na okay lang siya. So how come he didnt  know what happened.

"We will leave by morning." bilin ni Elynor matapos siyang mahimasmasan. She was a bit of drunk dahil sa afterparty. At hindi rin niya akalain na may balitang ganoon na aabot na sa kaniya. Nagpaalam siya kay Dylan para bumalik sa kwarto niya at ayusin ang mga gamit na dadalhin pauwi ng Pinas.

Nanatili pa din nakatayo sa may pintuan si Dylan. He couldn't process everything. Lahat na ata ng scenario na pupwedeng mangyari ay iniisip na niya. Dahan dahan siyang nilapitan ni Aldrin.

"Dylan?You need to stay calm. Sir Edward needs you." sabi niya at sabay pinatong ang mga kamay sa balikat nito. He almost cried and he slowly nodded.

"You're right. He needs me." ngumiti si Aldrin. "Don't worry, kaya na namin dito. Hindi namin pababayaan ang fashion show ni Ms. Elynor."

After that, Dylan rushes back to his room. Mabilis niyang niligpit ang gamit at ilan damit na siyang sinuot niya sa fashion show na ginanap lang kanina. Isinilid agad niya sa sling bag ang pasaporte at wallet. Nagcharge na din siya ng phone. Si Ana na tumatayong secretary ni Elynor ang nag-asikaso ng one way ticket nila pauwi ng Pilipinas.

Alas-tres na ng madaling araw at nakaupo pa din siya sa ibabaw ng kama habang hinihintay si Elynor. Binuksan niya ang phone matapos nitong mafull charge. He saw his wallpaper with Edward. He missed him. Natatakot pa din siyang malaman kung anong gulo ang kinasangkutan ng kapareha. Pero hindi siya puwedeng takot habambuhay.

Nag open siya ng browser at nagsearch ng mga latest news sa Pinas. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang caption ng isa sa mga highlighted news.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon