23

1.5K 73 1
                                    

Hila hila ni Dylan ang luggage bag niya matapos nilang lumabas ng eroplano. Si Elynor naman ay abala sa kausap sa telepono at kasalukuyan, chinecheck ang pasaporte nilang dalawa.

"Sir, ito na po ang passport niyo. Welcome back to the Philippines." nakangiti nitong bati sa binata. Dylan couldn't smile. Sa ilan oras nila sa ere ay walang ibang tumatakbo sa isipan niya kundi ang nobyo. Wala siyang balita galing kay Edward, even Ivan doesn't answer his messages. Pareho sila ni Elynor na nanghuhula sa mga nangyayari.

"Dylan!" lumingon siya nang tawagin siya ni Elynor. May naghihintay na sa kanila sa labas ng airport na magsusundo. Walang alinlangan sumunod ang binata. Pagod siya at walang tulog. May jetlag pa. Hindi pa rin niya nagagawang kumain o uminom man lang. Manipis na nga ang pangangatawan niya. Mukhang mangangayayat pa siya lalo. Ayaw ni Edward ng ganoon. He'll be upset.

Sumakay sila sa isang itim na Montero Sport. Ipinagmaneho sila ni Julius, isa sa mga tauhan naiwan ni Elynor sa House of Noir. 

"Idiretso mo kami sa Golden Tree kung nandoon si Kuya." bilin niya at sandaling napatigil ang driver.

"Mam, hindi po ata makakabuti kung, didiretso tayo don. Madami po kasing reporters ang naroon. Baka pati kayo madamay." nag-aalala siya. Bumuntong hininga si Elynor. May punto ang driver niya, kung makikita sila ng reporters lalo na si Dylan. For sure si Edward ang maaapektuhan.

Tumingin siya sa katabing binata na wala pa din imik hanggang ngayon. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana at nagmamasid.

"Are you okay?" tanong niya dito at hinawakan siya sa balikat. Lumingon sa kaniya si Dylan. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang pumapatak ang mga luha nito.

"Dylan..." nasambit niya. If there is one person who was hurt the most. That would be Dylan.

"I want to see him, Ms Ely. Please?" pakiusap niya. Hindi alam ni Elynor ang isasagot. Kung papayag siya, baka pagsimulain nanaman ito ng mas malaking gulo.

"As for now, we can't. I hope you'll understand. Kuya is protecting you."

"And when can I protect him? Ms. Ely." nalungkot siya sa narinig. Hinila niya ang binata para yakapin. Bumuhos ang mga luha nito na kanina pa niya tinitiis. This is the first time she saw Dylan being determined about something. Mahina ang loob nito, takot at laging umiiwas. Modelling was the only thing that made him happy. Not until he met Edward and everything changed.

*****

"This is unacceptable, Edward!" sigaw ni Mr. Cortez, ang tumatayong Chief Financial Officer. Kasalukuyan humaharap si Edward sa meeting na inischeduled ng lahat ng miyembro ng Board.

"I can't withdraw my position here in Golden Tree." matipid niyang sagot. Napailing iling nalang si Mrs. Cardenas na nakaupo sa kanan bahagi ni Edward. Gusto kasi nilang bumaba ito sa pwesto pansamantala upang hindi maapektuhan ang kompaniya sa mga balitang ibinabato sa CEO nila ngayon.

"Edward, please makinig kana naman sa amin. This is the best, for now." pakiusap ni Mr. Roque, isa sa mga main stockholder ng Golden Tree.

"Tama na!" malakas na sigaw ni Edward at nanahimik ang ilan miyembro na sige ang pag-uusap tungkol sa kaniya.

"Edward, we can't trust you the company. Everything is falling apart because of your negligence." matigas na sinabi ni Mr. Cortez. Inilapag niya ang isang dokumento sa harapan nito.

"You had a relationship with a young man, and it was your wife's younger brother? Everyone was not just surprised but also felt disgusted by your actions." sabi pa niya na may halong pangungutya. Tinapik ni Mr. Roque ang kasamahan.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon