6

2.5K 126 12
                                    


Wala pang ilan minuto ako'ng naghihintay sa waiting shed sa may gate. Nakaparada ang kotse ko kaya't naglakad lakad na ako sa loob ng university premises. I just wore my usual clothes. Denim long sleeves, and skinny jeans. Tiniklop ko pa ang mga manggas nito hanggang siko ko. Nakita ko kaagad si Ivan wearing his business attire. Alam ko na business nga ang ipinunta nya dito.

"Hey Bro!" tawag nya sa akin ng makita akong nakatayo at naghihintay. Pagkalapit ko sa kanya, umakbay sya agad sa akin. I felt strange.

Wala kasi akong maramdaman awkwardness like the same feeling ng magkita kami ng binatang yun.

"Okay ka lang?" he asked ng mapansin maputla ako. Tumango tango ako.

"Yeah! Puntahan na natin si Sir Antonio!" pagyaya ko sa kaibigan. Nagtungo kami sa opisina ni Sir Antonio who is the President of the School. Sa kanya kasi makikipagnegosasyon si Ivan about restoring some historic buildings around the university. Wala sa pag uusap na yon ang atensyon ko. Maybe I was preoccupied, dahil sa dami ng nangyayari this past few days.

Ivan was my bestfriend until today. Kaya kahit wala ako sa mood, pumayag ako na samahan sya. Pero hindi ko alam kung paano ko ioopen sa kanya ang ganitong problema ko.

Like, Bro! I think I'm starting to like guys now!

Parang sasapakin ako nito matapos nyang marinig sa akin iyon. Matanda na kami. Were on our thirties together. Hindi na ito isang laro o biro. Seryoso ito.

"I'm sorry about what happened to you and Diana." nagulat ako at para bang bumalik ako sa ulirat ko when I heard Sir Antonio. Malaking balita talaga ang nangyaring hiwalayan namin ni Diana.

"I'm fine, Sir. It's her loss." pagsagot ko. Natawa si Ivan.

"Tama nga naman, and I know you. Panigurado, ang asawa mo ang nagloko." pagsunod pa ng matanda. Totoo naman na kilala nila ako. Hindi ako manloloko na lalake, I mean, oo malibog ako pero hindi ako marunong manloko o manakit. Noon college ako, hindi ako nagkasyota. Mas nakatuon ako sa pag aaral. At kahit na madaming babaeng ang umaagaw ng atensyon ko and also courting me. Hindi ko sila pinapatulan. Kaya nabansagan akong "Philosophy Hearthrob" hindi dahil mataas grades ko sa pilosopiya kundi pilosopo at suplado ako.

Kaya siguro laking gulat ng mga naging professors ko sa school kung bakit nagpaloko ako sa isang babae. Siguro nga loko loko ako.

Hindi ako nakikinig sa pag uusap nila. Panay tango tango lang ginagawa ko. Kunwari sumasang ayon pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa pinag uusapan nila. Patay ako nito kay Ivan, kapag nag usap kami kasi panay tango tango lang din gagawin ko.

Matapos nang ilan minutong diskusyon at pag uusap. Nagyaya si Sir Antonio na ilibot kami sa mga gusali na kasama sa proyekto ni Ivan. Sabay sabay kaming lumabas ng opisina nya.

"Wanna go with us?" nagtaka ako sa tanong ni Ivan.

"Uh, kayo nalang, siguro?" pahinto hinto kong sagot. Hindi ko kasi alam kung sasama ba ako o hindi.

"Mamasyal nalang ako around here." Pagsunod ko pa. Pumayag naman si Ivan kaya't nagpaiwan na ako. Lumihis na sila ng daan habang ako, nagdesisyon magtungo sa building ng Institute of Architecture and Fine Arts. Napakarami ng masasayang alaala ang nabuo ko do'n noon college years namin. Halos lahat kasi ng barkada ko, kundi Fine Arts ang kinuha, Architecture or Landscape. Ako lang ang naiwan sa Civil Engineering kaya bored na bored ako. At sa tuwing vacant hours namin dito ako tumatambay.

"Nothing changes." I whispered as a walked on the pathway. Nakakasalubong ko ang ilan estudyante na may kanya kanyang canvas na dala or kaya yun lalagyan ng T-Square. Napakasarap maging mag aaral.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon