5

3K 127 9
                                        


"Sino po kayo?" he asked again at hindi ako nakapagsalita o makapagreact man lang. Who is this guy?

Nakatingin lang sya sa akin. Pinagmamasdan ang itsura ko. I thought there was a lady living here.

"Uh?" tumanaw ako sa loob, para naman walang ibang tao kundi sya. Nagkamali ata ako ng pintong kinatok.

"Nagkamali ata ako." nahihiya kong sinabi.

"Po? Ano po bang room number ang hinahanap nyo?" lalapit sana sya pero umatras ako.

"No. Uh, salamat nalang." sagot ko. Boyfriend kaya ito nung babaeng hinahanap ko? Ang sabi ni Ely wala daw itong boyfriend, so sino ito?

Pinagmasdan ko sya mula ulo hanggang paa. He is just an average guy. Manipis lang sya, medyo maliit. He's just on the level of my neck. Malinis syang tignan, yet he looks stressed.

"Ah, pasensya na sa abala." pagpapakumbaba ko.

"Okay lang po." sagot nya at ngumiti. Nagulat ako ng makita syang ngumiti. Then the woman's face just did a flashback on my mind. They look similar.

"Sige po." pahabol pa nya at sinarado ang pinto. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang gulong gulo na ang isipan ko. Para silang kambal? Hindi kaya may kakambal sya? No way. Ely didn't told me.

Ipinahinga ko ang isang palad ko sa aking dibdib. I had this crazy beating while talking to that guy. Ano bang nangyayari sa akin?

Mabilis akong lumabas sa gusali na yun. Something's not right. Kailangan kong balikan si Ely. Bakit may lalake sa unit nya? And who is that guy!

Nagmaneho ako patungo sa House of Noir. Ely's office. Naiinis ako dahil hindi ko nakita ang taong hinahanap ko then this guy just appeared. Paano nalang kung nobyo nya pala yun? Then she doesn't have taste. The guy is so thin na parang hindi sya kumakain, but he is gorgeous.

Wait, what!

I pulled my car to full stop. Did I just told to myself that guy was gorgeous? Umiling iling ako. Binuksan ko ang bintana ng kotse para makalanghap ng hangin.

"Nasisiraan na ata ako ng bait?" I asked myself. First, I was this head over heels to a woman I just met. Ngayon naman, na-attract ako sa isang lalake.

Pinagpatuloy ko ang pagmamaneho patungo sa House of Noir. Pagkadating ko doon, nakita ko kaagad ang kotse ni Ely sa parking lot. She's still here. Mabilis akong nagparada ng sasakyan at hinabol sya.

"Sir Edward! Napasyal po kayo?" asked Christine na isa sa mga trained designers nya. Nasa lobby ako at hinihintay kong magbukas ang elevator.

"Uh, I just wanna talk to my sister." sabi ko bago ako sumakay ng elevator. Tumango lang sya at nag iwan ng ngiti sa akin.

I am confused.

Totally confused. Nalilito na ako sa mga nangyayari. I need answers. For sure, may hindi sinasabi sa akin si Ely. I know her.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng opisina nya without knocking. Nakita ko syang nakatayo at nagsusukat lang ng mga damit na nakasuot sa isang mannequin na halos katabi lang nya. May ilan papel sa ibabaw ng table nya at naamoy ko pa ang mabangong barakong kape na hilig namin dalawa.

She's not surprised that I came back. Mukhang inaasahan nya ang pagpunta ko.

"So sudden Kuya." She just said ng maisarado ko ang pinto.

"Pinuntahan mo na sya?" she asked. Habang abala pa din sa ginagawa nya. Naupo ako sa isang malambot na sofa na galing pa ng France.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon