Edward's POV
Nakatingin ako kay Dylan habang tahimik siya sa pagtingin ng laman ng bag niya. Bumabalik ang atensyon ko sa minamaneho kapag lilingon siya sa akin. Gusto ko talaga siyang pinagmamasdan.
"Okay lang ba sayo na sunduin ako sa condo? Kasi baka may makakita sayo." nag aalala niyang sinabi. Alam ko naiisip pa din niya ang mga bagay na pupwedeng mangyari pag may nakaalam kung sino ang kasama kong lumabas.
"Oo naman. I'm covered." nakatawa kong sagot. Huminga siya ng malalim at bumalik sa ginagawa.
"May nakalimutan ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Umiling siya.
"I thought so. Wala naman pala." Sagot niya. "Mamaya didiretso ako ng House of Noir." paalam niya.
"Ihahatid kita." mabilis kong tugon.
"Wag na. May trabaho ka diba. Saka magtataka na sila saan ka nagpupunta. Ang alam nila wala kana man pinagkakaabalahan." nagulat ako sa sinabi niya.
Why is he acting like this?
"Are you really okay?" Tanong kong muli. Tumango siya pero hindi ako kumbinsido sa sagot niya. Inihinto ko ang pagmamaneho at pumarada sa isang bakanteng kurbada.
"Bakit ka huminto?" tanong niya. Tinanggal ko ang seatbelt ko at inabot ang mukha niya. Hinawakan ko ang pisngi niya.
"What are you doing?" kinakabahan niyang tanong.
"Trying to kiss you." sagot ko sa mababang tinig. He blushed. At inilihis ang mukha.
"Mamaya may makakita sa atin." katwiran niya. Naiinis na ako sa dinadahilan niya. Ano bang pakealam nila?
"Ano bang problema Dylan? Last night were together. Okay ka pa. And now, you always sound confused." inis kong sinabi. Gusto ko siyang halikan at yakapin pero sa tuwing titingin ako sa mga mata niya, palagi itong nagpapahayag ng alinlangan at pagkalito.
Nalilito pa ba siya sa nararamdaman sa akin?
Sumandal ako sa kinauupuan ko. At hinawakan ang manebela.
"Your wife still contacting you." Nagulat ako sa sinabi niya. Nakayuko siya at malungkot ang mukha.
"How?"
"Nakita ko last night nung magkasama tayo sa Onsen. Nakita ko ang text niya sayo. Mahal ka pa niya."
"Hindi ko na siya mahal. Matagal na!" sigaw ko at naihampas ko ang palad ko sa manebela. Nagulat siya.
"Edward." he sound nervous.
"I'm sorry." pagbawi ko at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat. I felt his trembling.
"I'm sorry. I'm sorry.." hinila ko siya at niyakap. Hindi ko nanaman mapigilan ang galit kapag naririnig ko ang tungkol kay Diana.
"Gusto ko lang kasi na ako na ang magpapasaya sayo. Pero she's still there. She's your wife and she's a woman." Nagulat ako.
"Dylan naman."
"I feel insecure... dahil babae siya. Samantalang ako, lalake. And once everyone knows about us... Masisira ka at ang katungkulan mo." Hinawakan ko ang kanang pisngi niya.
"Then I'll fight for us." sagot ko at idinampi ko sa noo niya ang labi ko.
"Stop thinking about everyone. Maging masaya tayo dahil mahal natin ang isa't isa. Dahil mahal na mahal kita." pagkaraan noon ay idinampi ko ang labi ko sa labi niya.
Sandali siyang nagpumiglas sa halik ko pero nasusundan na niya ang ginagawa ko.
Mariin kong kinagat ang labi niya. At binitawan iyon.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
Любовные романыEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...