3

2.8K 133 23
                                    


Edward's POV

Nasa tabi ko ang isang bote ng whisky. Nasa kalagitnaan na ako ng pag inom ko. Pero hindi pa din ako tinatamaan.
Naiinis pa din ako sa nangyaring meeting with the lawyers. Nakaharap ko pa si Diana. At nakita nya ako sa ganoon kong itsura. Lalo ko tuloy syang binigyan ng dahilan para magpumilit syang bumalik sa buhay ko, para ano. Para magkaroon nanaman sya ng pagkakataon na ulitin ang ginawa nya sa akin panloloko.

Gago ako, pero hindi ako tanga.

Muli kong kinuha ang bote at nagsalin sa baso ko. Saka ko mabilis tinungga ang baso hanggang sa maubos ang laman. Huminga ako ng malalim pagkaraan kong uminom.

Ayaw akong pakawalan ni Diana.
And she's making me worse.

"Oh?" nagulat ako ng mahawakan ko ang isang invitation. I remembered my sister's upcoming fashion show. Bukas na iyon ng gabi at hindi ko pa sya naisisingit sa schedule ko. She'll get mad kapag hindi ako nakarating. At kapag nagpunta ako ng ganito ang itsura ko, magagalit din sya. Women are unpredictable.

Kinuha ko ang phone ko sa katabing side table. Dinial ko ang number ni Lina para iclear ang schedule ko bukas ng gabi. Matagal na din akong hindi naka attend sa fashion show ng kapatid ko. Siguro its time na din to unwind.

Tumayo ako at nagtungo sa wardrobe. I need to find a perfect suit for tomorrow's event. Ayoko din ipahiya ang kapatid ko at lalo na isipin nyang mukha akong miserable dahil lang nakipaghiwalay ako. Pagbukas ko ng closet, iilan suit lang ang nakasampay, naalala ko na ginamit ko pala yun iba this past few weeks for my presscons.

"This will fit." I said at kinuha ang isang itim na tuxedo. Isang beses ko palang sya naisusuot. Gusto ko sanang bumili ng bago kaya lang mauubusan ako ng oras. I have work tomorrow morning at hindi ko maisisingit sa oras ko ang pamimili.

Hinanda ko ang susuutin para bukas ng gabi. Matapos no'n. Nahiga na din ako at namahinga. Ayoko na umattend bukas na malalim ang mga mata ko. Iniwan ko nalang ang pinag inuman ko sa veranda. Liligpitin naman ni Yaya iyon kinabukasan. Nakatulog ako ng di ko namamalayan. Siguro sa tama na din ng alak.

-

Maaga palang nasa opisina na ako. Nag iwan ng hang over ang pag inom ko last night pero sanay na ako sa ganun routine ko. Eventhough noon magkasama pa kami ni Diana. I need to wake up kahit pa parang pinapatay ng alak ang katawan ko.

"Sir. Ito na po yun hinihingi nyong audit reports galing po sa Finance Department." sabi ng sekretarya ko na si Lina. Dala nya sa bisig nya ang ilan makakapal na folders. Kailangan ko ireview lahat iyon bago ipasok sa Accounting Department. Ibinagsak nya iyon sa harapan ko.

"How about my schedule tonight? Naiayos mo na?" seryoso kong tanong sa kanya. Inilabas nya ang isang phone sa bulsa nya.

"Okay na po Sir. Already cleared for Ms. Elynor's event." nakangiti nyang sinabi. Tinanguan ko sya at agad na syang lumabas ng opisina. Hinarap ko ang tambak na trabaho. I need to be done before 4PM. Kailangan ko pa kasing i-meet ang CEO ng Imperial at Alejo for some partnerships. Lalo na at nagkaroon pa ng mga issue sa Imperial nitong mga nakaraan buwan kaya't kailangan ipagpaliban ang meeting namin. While the CEO of Alejo was in France kaya hindi rin kami makapagset ng meeting.

Huminga ako ng malalim matapos kong ubusin ang isang oras ko sa pagrereview ng mga report. Lumuluwa na ang mga mata ko sa mga numero na kailangan kong i-recalculate. Hindi ko naman kasi pwedeng aprubahan ito agad or else magagalit sa akin si Natalie, ang Head of Finance.

"Sir!" nagulat ako at huminto sa ginagawa ng sumilip mula sa pintuan ko si Lina. She seems nervous habang binubulong ang pagtawag sa akin.

"What is it?" Kalmado kong tanong.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon