Edward's POV
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pagkaawang nito nang kaunti ay natanaw ko kaagad ang madilim na kwarto. Ineexpect ko na tulog na si Dylan dahil halos alas-onse na ako nakabalik ng unit niya. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa pader. Maya maya bumukas ang mga ilaw sa sala. Napansin ko ang nakatakip na pagkain sa mesa na mukhang niluto ni Dylan.
Humakbang ako papunta sa kwarto niya at sinilip ko siya sa loob. Nakatalukbong na siya ng kumot at mukhang mahimbing na sa pagtulog. Sinara ko ang pinto ng kwarto niya matapos kong icheck ang kalagayan niya sa loob. Binaba ko ang dala kong suit sa sofa at doon ay humiga.
Nakatingin ako sa kisame habang nag iisip sa sinasabing kapatid ni Diana. Kahit ako na asawa niya ay walang alam doon.
Ganun ba siya kagalit sa half brother niya that she hid everything about it?
Bigla akong napabangon nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kwarto ni Dylan. Sumilip agad ang liwanag mula sa kwarto. Nakita ko siyang nakatayo at naglakad patungo sa kusina. Ngumiti ako nang makita siya. Tumayo ako at sinundan siya doon.
Nagbukas siya ng refregerator at kumuha ng isang pitsel ng tubig at baso. Nagsalin siya at uminom habang nakatayo na ako sa likod niya at pinagmamasdan ang ginagawa niya.
He's so cute when he's half asleep.
"Ah!" sigaw niya at halos mapatalon siya sa kinatatayuan ng makita akong nakatayo. Natawa ako sa reaksyon niya.
"You scared the hell out of me!" sigaw niya sa akin pagbaba ng baso sa malapit na mesa.
I chuckled. And he's now pissed off.
"Why are you laughing!" inis niyang tanong. Umiling iling ako pero hindi ko mapigilan panggigilan siya dahil sa reaksiyon niya. Pakiramdam ko umuusok ang ilong niya.
"I'm sorry. Ang cute mo kasi." hindi ko mapigilan masabi. He stopped and now he's blushing.
Hinawakan niya ang pisngi niya at halatang nahiya siya sa narinig. He is really cute kahit anong facial expression ang gawin niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya.
"Let's get to sleep." yaya ko sa kaniya at lumapit ako sa mukha niya. He's just staring at me and controlling his breath. Nakakatuwa talaga siya. Idinampi ko ang mga labi ko sa noo niya. Ilan oras ko palang siya hindi nakakasama pero hinahanap-hanap ko na siya. How much more so when he leaves for Paris? Mababaliw ako.
"Lets go." Nakangiti kong sinabi at hinatak na siya sa kwarto. Napawi ang pagkasimangot niya kanina at natawa nalang.
"How's work nga pala?" tanong niya ng isarado ko ang pinto ng kwarto niya. Naupo siya sa kama habang nakatingin sa akin.
"Its good. Still stressful. Yet, it's almost gone because of you." Wika ko habang hinuhubad ang polo na suot ko. Humarap ako sa kaniya. Inaabot niya sa akin ang isang tshirt pero hindi ko iyon kinuha. Sa halip ay sumampa na ako sa ibabaw ng kama at nilapitan siya.
"You'll catch a cold!" may kaba sa pagsasalita niya and I love how he gets nervous.
"I won't. Yayakap naman ako sayo." pang aasar ko at tinalon ko siya para yakapin. Halos mahulog kaming dalawa nang yakapin ko siya. Hinila ko kaagad ang kumot at itinaklob ko sa amin dalawa.
"Stop it. Edward!" sigaw niya habang yakap ko siya.
--
Pumasok ang isang abogado sa isang kwarto at doon ay nakita ang kliyente na si Diana. May nakahandang inumin at pagkain sa mesa. Halatang naiinip na ito dahil halos maubos na ang isang bote ng wine na nakatabi nito. At tuloy tuloy sa pag usok ang nauupos nitong sigarilyo sa buong kwarto. Binaba ng lalake ang suitcase niya sa katabing upuan.
BINABASA MO ANG
Wildest Temptation - BoysLove √
RomanceEdward was every woman's dream guy. Gwapo, mayaman, matalino at mabait. Pero nagawa pa din syang pagtaksilan ng asawa. He saw his wife making out with another man. He vowed to never trust and love again after what happened to his wife. Pakiramdam...
