11

2.3K 113 2
                                    


Nasa harap ako ngayon ng isang mataas na gusali kung saan sa tuktok no'n ay ang opisina ni Edward.
Nakaayos sa isang loot bag ang pagkain niluto ko at nakasilid sa isang plastic tupperware na ibibigay ko sa kanya. I wanna surprise him. At sana effective itong gagawin ko.

Hinawi ko ang mahabang buhok ko na tumatakip sa kilay ko. Saka inayos ang plain blue poloshirt na suot ko. Pagkahinga ko ng malalim ay tumuloy akong pumasok sa lobby para magtanong sa info desk nila.

Nakita ko ang isang babaeng naka uniporme at kausap ang iilan tao na may appointment sa itaas. Biglang pumasok sa isipan ko na dapat ata nagset muna ako ng appointment at baka hindi nila ako payagan puntahan si Edward.

"Hi Sir? Ano pong kailangan nila?" nagulat ako sa babae. Nasa harapan ko na sya at nakatingin sya sa akin. Nahihiya akong magsalita.

"Um–

Humawak ako sa batok ko.

"He's with me." Lumingon ako sa nagsalita. Isang lalake na medyo matured ang mukha at lumalamang ng taas sa akin. I saw him from somewhere pero hindi ko matandaan.

"Kasama nyo po sya Sir Ivan?" now I remember. He's a friend of Edward.

"Yup. So aakyat na kami sa itaas ah. Don't tell Edward." he said at tinulak nya ako papuntang elevator.

Sumabay kami sa iilan empleyado na paakyat din sa top floor.

"Salamat." wika ko nang magsara ang pintuan.

"Don't need to thank me. I know it's for Edward." namula ako sa sinabi nya. Alam nya talaga na sinadya ko ang kaibigan nya dito.

"May transactions ako sa kanya today and luckily I ran into you. Mahigpit sila dito lalo sa mga gustong makausap si Mr. Kirsch." patuloy pa nya.

"Alam mo na, businessman. Too many clients, meetings and investments.." sumang ayon ako.

"And Edward will be happy kapag nakita ka nya." ngumiti ako. Gusto ko talaga sya isorpresa. Alam ko na halos kahapon lang din magkasama kami. Pero parang gusto ko araw araw ko na syang nakikita. Araw araw ko syang nakakasama.

"Oo nga pala, diba you're from UST? May project kami doon ni Edward." lumingon ako sa kanya.

"What kind of project po?" nacurious ako.

"Its a restoration." sagot nya at bumukas ang pintuan. Lumabas kami at sabay nagtungo sa isang hallway. Sa dulo no'n ay opisina ni Edward.

Humigpit ang hawak ko sa dala kong loot bag.

"Sir Ivan! Mamaya na kayo pumasok." Tumigil kaming dalawa ng harangin kami ng isang babae. I think its Edward's Secretary.

"Bakit?" Ivan asked.

"Nandyan po si Ms. Kelly. Kaya sabi po ni Sir Edward, wag muna ako magpapasok even its you." nagsalubong ang kilay ni Ivan. Who's Kelly? At ayaw nyang magpaistorbo kahit sa pinakamalapit nyang kaibigan.

"Really? Oh damn it, Edward." inis na sinabi ni Ivan. Inaya kami ng babaeng sekretarya sa isang waiting area. Naupo ako sa isang malambot na sofa at binaba ko ang dala ko sa ibabaw ng isang salamin mesa. Habang si Ivan naman ay naupo din at naglabas ng phone sa bulsa nya.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon