17

2K 97 3
                                    


Dylan's POV

Binaba ko ang dala kong bag sa mesa pagkabukas ko ng pinto. Nakasunod si Edward sa akin at naupo sa sofa sa may sala. Lumilibot ang mga mata niya sa paligid. Hindi ko maiwasan matawa habang pinagmamasdan siya.

"Anong gusto mong kainin mamayang dinner?" lumingon siya sa akin at nag isip. Naalala ko na gusto niya na ipinagluluto ko siya. Binuksan ko ang refregerator at sinilip ang mga pupwedeng iluto.

May karne akong binili last week. Balak ko sana magluto ng sinigang pero hindi ako nakabili ng mga gulay na isasangkap dito. Kamatis, sibuyas lang ang meron. Bumalik ang tingin ko kay Edward na tahimik lang at nakaupo. Inilabas niya ang phone sa bulsa at nagsimulang mag browse sa social media.

Nagtungo ako sa kwarto ko para kunin ang wallet ko at makapamili bago pa makaramdam ng gutom si Edward. Hindi ko kasi akalain na matutulog siya dito. Kaya hindi ako nakapaghanda.

"Where are you going?" Nagulat ako nang harangin niya ako sa pinto. Hawak niya ang pinto bago ko pa man isara. Dala ko na ang wallet ko at isang jacket na susuutin ko paglabas ng unit.

"Bibili sana ng iluluto." sagot ko. Humawak ako sa dibdib ko. Kinabahan kasi ako sa pagsulpot niya at mababang tinig na pinakakawalan niya.

"Let's go together." Hinawakan niya agad ang kamay ko at hinila ako palabas ng unit. Hindi na ako nakatanggi dahil sa pagmamadali niya. Nilock ko nalang agad ang pinto.

May malapit na grocery store sa Alejo kaya doon nalang kami nagtungo para mamili. Hindi na gumamit pa si Edward ng sasakyan at naglakad nalang kaming dalawa. Lumalamig na din ang simoy kaya't nagsuot ako ng jacket. Habang si Edward nanatili sa matikas niyang pangangatawan. Suot lang niya ang polo na kulay peach na bagay sa kaniya. Medyo magulo na din ang buhok niya pero babagay sa mukha nito. At ilan buhok na tumutubo sa bandang chin niya. Lalakeng lalake siya sa paningin ng lahat.

"What?" nagulat ako nang tanungin niya ako. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya habang papasok na kaming dalawa ng store. Umiling ako at ngumisi.

"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya at humawak sa pisngi pababa ng kanyang leeg.

"Wala no." Natatawa kong sagot. Hinila ko siya papasok sa loob. Humatak ako ng isang push cart habang siya naman ang nagtutulak.

Pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong namin. Aakalain kasing foreigner siya, matangkad, maputi at hindi kaitiman ang buhok niya, at mapapansin ang mga mata niyang parang umiilaw. Lalo tuloy akong nanliliit habang kasama siya.
Dahil matapos siyang pagmasdan ay lilipat sa akin ang tingin nila.
Siguro panay sila katanungan na sino ang kasama ng gwapong yon?

"You okay?" Tanong niya. Ngumiti ako.

"Oo naman. Baka may gusto kang bilhin?" pag iiba ko ng usapan. Lumingon siya sa paligid ng store. Para bang may hinahanap siya.

"This is my first time going in a store like this" nagulat ako. Hindi ba siya nagpupunta ng mall?

"Hindi ka ba nag-gogrocery? Namimili." umiling siya at tinago ang mga kamay sa bulsa.

"Inuutos ko kay Lina ang pamimili ng mga gamit sa bahay. Nung may asawa naman ako. Hindi naman nagpupunta si Diana ng grocery store. Siguro the last time I came here was when Mom was still alive." paliwanag niya. Nalungkot ako.

"Hey, don't be sad. I'm happy going here with you." humaplos ang mga palad niya sa mukha ko. I blushed suddenly at yumuko agad ako. Hinablot ko ang hoody sa likod ng jacket ko at itinaklob sa ulo ko.

"Bumili na tayo ng kailangan." wika ko at hinila ko na siya. Naririnig ko pa ang pagbungisngis niya habang naglalakad kami.

Dumaan ako sa personal hygiene para mamili ng mga sabon, shampoo, deodorants at ilan gamit sa pangangatawan ko.

Wildest Temptation - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon